Nagpalitan ng opinyon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at It’s Showtime babe na si Jackie Gonzaga tungkol sa issue ng pag-add ng kanilang partner ng ibang babae sa social media.
Naging topic nila ito sa It’s Showtime ngayong July 18 dahil sa kuwento na ibinahagi ng “EXpecially For You” searcher na si Chichay at ex-boyfriend nito na si Ahldryn.
Kuwento ni Chichay, nagkaroon siya ng insecurity sa tuwing may ia-add na ibang girls si Ahldryn sa social media.
“Alam ko pong napaka-immature ko sa part na ‘to, yung pag-a-add po niya ng ibang babae ‘yun po. Nagiging issue ko rin po yun sa kaniya.”
Dagdag ng dalaga, “Kasi po parang nararamdaman ko nai-insecure po ako… Tinatanong ko naman po kung ano purpose ng pag-aadd pa po, ‘tapos wala po siya masagot sa akin.”
Napatanong tuloy si Vice, “Fair ba yun, ‘yung kunwari may girlfriend ka or may partner ka na kailangan mo i-explain sa kaniya tuwing may ia-add ka. Ay ito in-add ko lang ‘to ha kasi ganito.”
“Normal ba siya, okay ba yun?”
Sumagot si Jackie, “Siguro kung hindi kakilala ‘yung mga random [girls]. Anong reason ba’t ia-add?
“Parang hindi ko rin naiintindihan ba’t ginagawa ‘yun. Kasi ako, siguro, kung naka-work mo. Okay lang, parang i-add mo e, koneksyon ‘yun, e. ‘Tapos naging friend mo, na-meet mo sa ganiyan.
“Pero yung random nakita mo lang dito dahil sa picture inadd mo parang ‘yun yung may something na hindi mo kaano-ano inadd mo.”
Para naman kay Vice, “I actually don’t care. Unang-una hindi kami nagkakalkalan ng social media. Parang, bahala ka hindi ko na para problemahin kung sino pa ina-add mo.
“Mararamadaman ko naman yun, ‘pag nangyari yun for sure I would know. Mag-add ka o hindi, kung magbabago ka sa akin, magbabago ka sa akin. Malalaman ko naman ‘yun, ‘di ba. At tsaka, hindi kasi ganun ‘yung partner ko.”
Idinaos ang wedding commitment ceremony nina Vice at Ion Perez noong 2021 sa The Little Vegas Chapel sa Nevada, USA. Ang commitment ceremony ay isang non-legal wedding.