JERRY OLEA:
“In the middle of every difficulty lies opportunity.”
Iyan ang powerful and inspiring quote ni Albert Einstein na ipinost ni Vice Ganda sa kanyang X (dating Twitter) account nitong Setyembre 4, 2023, Lunes ng 6:54 p.m.
Bago iyan pinost ni Vice ay kumalat sa iba’t ibang media platform ang balitang pinatawan ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang 12-day suspension ang It’s Showtime kaugnay sa icing-ng-cake harutan nina Vice at Ion Perez noong Hulyo 25 sa programa.
Nito ring Lunes ng 5:00 p.m., nag-announce ang ASAP Natin ‘To sa X at Facebook, “ASAP Natin ‘To regrets to announce that the Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar Vice Ganda will not be able to participate in ‘ASAP Natin ‘To in Milan’ on September 10 because he will not be able to leave It’s Showtime and Everybody, Sing! at this time.
“Vice Ganda and the ASAP Natin ‘To team thank everyone for your continuous support and kind understanding.
“’ASAP Natin ‘To in Milan,’ which boasts of a cast of almost 40 powerhouse Filipino and local acts in Italy, still promises to deliver a gigantic, one-of-a-kind spectacle for all its fans in Milan.”
Kapansin-pansin sa nasabing statement na “he” ang ginamit na pronoun kay Vice.
Live ang It’s Showtime ngayong Tuesday, kung saan tampok ang “Prince of Acoustic OPM” na si Jireh Lim sa opening production number.
Kapagkuwan ay sinabi ni Vhong Navarro, “Bago po ang lahat, meron muna kaming mahalagang anunsiyo sa inyong lahat.”
Binasa ni Jhong Hilario sa teleprompter: “Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang ‘It’s Showtime’ sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito.
“Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas.
“At habang nakabinbin ang Motion for Reconsideration, ang desisyon ng suspension ng programa ay hindi pa pinal at epektibo.
“Kaya sa ngayon ay patuloy niyo pong mapapanood ang It’s Showtime.
“Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang It’s Showtime sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People.
“Buong puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa ‘It’s Showtime.’”
After a while, tinawag na ni Vhong si Vice na pretty in pink Valentino. Nagbiro si Vhong na akala niya ay naka-all black si Vice.
Nakangiting sambit ni Vice, “Ganyan talaga, pag marami kang blessings, para kang namumukadkad na isang rosas…”
NOEL FERRER:
May this whole episode of It’s Showtime and MTRCB yield to amicable settlement.
Meaning, sana mapababa pa ang suspension sa kanilang appeal, and on the side of It’s Showtime and the viewers, ibayong pagiging responsable at maingat sa ipapalabas.
For this to be a win-win situation, dapat may matutunan tayo lahat sa nangyayaring ito; para sa huli, mas magawa pa natin nang mainam at mas masaya ang mga trabaho natin!
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
GORGY RULA:
Facebook post ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero noong Lunes, “At bilang mema ako kaya…
“In the world of show business, competition fuels progress. Instead of resorting to extreme measures that could be perceived as undermining the rival show, I hope MTRCB aspires to promote fairness and healthy competition in the world of television. This is the only way to ensure our industry’s growth.
“As one of the many deputies of MTRCB, I strongly advocate for a review of the penalty in question (ni hindi ko rin nga ginagamit ang pagiging deputy para ireport ang anumang rival show ng show ko no at delikadeza na lang o hiya sa sarili). Please consider suspending my deputy card na lang rin po. Thanks!”
Afterwards ay pinost din ni Suzette ang press release ng MTRCB kaugnay sa 12-day suspension ng It’s Showtime, kalakip ang mensaheng “In the spirit of fairness, here’s the whole basis for the 12-day suspension. Pero dahil ito ay sensitive issue, lalo at anak ng isang host sa rival show ang chief ng MTRCB, at para hindi makulayan ang parusa, dapat ay isinaalang-alang ito ng MTRCB lalo sa paglalapat ng isang napakabigat na parusa. Lalo at nakaka commit rin daw diumano ng violations ang rival show (such as pagmumura on air).”