Lubhang ikinalungkot daw ni Vice Ganda ang katakut-takot na panlalait kina Kim Chiu at Coco Martin dahil lang sa nanindigan ang mga ito.Pahayag ni Vice, “Nalungkot ako para sa mga kaibigan ko na nami-misinterpret.”Nalulungkot ako para kay Coco, nalulungkot ako para kay Kim Chiu.”Kasi, parang hindi nila deserve na pagsalitaan…”Siyam na araw na ang lumipas mula nang lumantad sina Kim at Coco para umapelang sana ay mabalik sa ere ang ABS-CBN broadcast operations.Pero hanggang sa kasalukuyan ay viral pa rin sa social media ang mga malisyosong patutsada kina Kim at Coco.Si Coco ay ginawan ng memes kunsaan pinaglaruan ang kanyang lisp, at pinagmukhang katawa-tawa ang quotes niya tungkol sa pagmamalasakit sa home network.Kalat din sa social media ang memes kay Kim na ginawan ng iba’t ibang bersyon ng jingle ang paghahalintulad niya sa pagpapasara sa ABS-CBN sa “Batas ng Classroom.”Apektado raw si Vice dahil nakakabagabag na puno ng galit sa paligid.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I will not deny the fact na itong mga nakalipas na araw, may mga araw na naiiyak ako.”Nalulungkot ako dahil parang ang daming poot ng mga tao, parang hindi magkaintindihan ang mga tao.”Ang daming galit sa isa’t isa, ayaw magkaunawaan.”

ON ABS-CBN SHUTDOWN

Hindi rin daw maiwasan na mag-alala siya sa lagay ng ABS-CBN.Nagsimulang umaksyon ang Kongreso para mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN, na ang bisa ay hanggang sa October 31.Pero hinihintay pang maisabatas ito.Wala pa rin kasiguraduhan kung maipapasa sa Kongreso ang 25-year franchise ng ABS-CBN.Patuloy ni Vice, “Hindi ako okey na walang ABS-CBN.”Hindi ako okey na walang TV Patrol. Hindi ako okey na walang It’s Showtime, hindi ako okey sa mga nangyayari.”At dahil naramdaman ko na ang daming galit sa paligid, nalungkot ako, so naiyak ako.”Ibinahagi ito ni Vice noong Sabado ng gabi, May 16, sa kanyang Facebook Live na umabot ng halos dalawang oras.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

HOW TO DEAL WITH BASHERS

May bahagi rin ng kanyang video na nagpayo siya kung paano harapin ang mga taong mahilig “manira, insecure, backstabber, at nanghihila pababa.”Paliwanag ni Vice, “Yung mga ganyang tao matitigas ulo niyan. Kahit anong pakiusap mo, ‘nak ng p*ta, hindi makikinig sa ‘yo iyan. Bubuwisitin ka lang lalo niyan.”Kailangan patatagin niyo ang sarili mo.”Hindi natin mako-control ang ibang tao kung paano sila mag-iisip, kung paano nila bubuksan ang mga bunganga nila, at kung paano sila mag-iisip tungkol sa atin.”Ang pinakamabisang pang-inis daw sa detractors ay ang paunlarin ang sariling buhay.”Pagandahin natin nang pagandahin ang buhay natin at saka sarili natin. Nagngingitngit sila diyan.”Pag may magandang nangyayari sa buhay mo, galit na galit sila diyan.”So galitin natin sila sa pamamagitan ng pagpapalawig ng tagumpay sa sarili natin.Diin ni Vice,”Pag masaya tayo, hindi sila masaya.”

STRONG FAITH

Pero sa personal level, nanatiling positibo raw si Vice.

CONTINUE READING BELOW ↓

 NOOD KA MUNA!

Hindi raw nawawala ang pag-asa niyang magbabalik ang ABS-CBN, at muling makakapagbigay-saya sa daily noontime show na It’s Showtime.

Kasama na rin daw sa dasal niya ang matigil ang COVID-19 pandemic.”Pero okey naman ako. Nakaka-survive naman.”Kapit na kapit ako sa pananampalataya ko, at kapit na kapit ako sa pag-asa ko na lahat ay magiging okey.”Katulad ng pagsikat ng araw kanina at pagkawala ng ulan.”

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)Get more updates on the Philippine entertainment industry on PEP.ph