
Hindi napigilang maluha at maging emosyunal ng TV host-comedian na si Vice Ganda matapos i-perform ng isang “Mini Ms. U” contestant ang tula tungkol sa mga host ng It’s Showtime.
Sa episode ng Kapamilya noontime show nitong Biyernes, August 18, 2023, ibinahagi ng six-year-old candidate na si Eury Eleandre Villena ang tulang itinuro sa kanya ng kanyang ama.
Tinatalakay ng nasabing tula kung gaano nakapagbibigay ng saya ang It’s Showtime, sa pangunguna ng mga host nito, kay Eury at sa iba pang mga manonood o kung tawagin ay “Madlang People.”
Narito ang bahagi ng tula ni Eury:
Noong unang panahon, mayroong tagapagtanggol ng kasayahan
Sila ay sina Meme Vice, Ate Anne, Ate Kim, Kuya Vhong, Ate Karylle, at marami pang iba
Pumunta sila sa isang bayan, agaw na kapansin-pansin ang kalungkutan
Agad na ginamit ni Meme Vice ang kanyang super power sa pagsasalita at pagpapatawa
Nainggit si Ate Anne at ginamit niya ang kanyang bibig sa pagkanta
Sumunod si Ate Karylle, na may bumibirit-birit pa.
Sayaw ni Ate Kim, tumambling si Kuya Vhong, sumunod si Kuya Jhong
Nagpalakpakan ang lahat at napalitan ang kalungkutan ng kasiyahan
Matapos sambitin ni Eury ang kanyang tula ay agad siyang pinasalamatan ni Vice.
“Ang ganda ng pagkakakilala niya sa pamilyang ito, walang bahid.
“Ang ganda, maraming-maraming salamat sa iyo,” nakangiting sambit ni Vice.
Inalayan din ng Kapamilya star si Eury ng impromptu na tula para ipadama rito kung gaano siya nasiyahan at na-inspire ng “Mini Ms. U” contestant.
Ani Vice, “Thank you, Eury. I love you, we love you.
“Lagi mong iisipin yan kahit saan ka makapunta, maraming nagmamahal sa iyo.”
Sa puntong ito, kapansin-pansin na ang pagluha at pagiging emosyunal ni Vice.
Humahagulgol na mensahe ni Vice kay Eury, “May mga pagkakataon minsan malulungkot ka. Kaya ka nalulungkot kasi nakakalimutan mo na, ‘Ay, may nagmamahal pala sa akin.’
“Kaya kailangan lagi mong maalala na may mga nagmamahal sa iyo, mga magulang mo at kami.
“Kapag nalulungkot ako, iisipin ko lagi mahal mo ako.
“Masayang-masaya ako kapag kasama kayo, kaya minsan nalulungkot ako kasi natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama.
“Kaya ngayon na may pagkakataon ako na makasama kayo, gusto ko lang maging masaya, at masaya ako na masaya ka.”

Sagot naman ni Eury sa kanya, “I love you, too, Meme. Palagi kitang iisipin… Masaya ako na kasama kita ngayon.”
Maging ang co-host ni Vice na si Vhong Navarro ay hindi rin napigilang maluha sa naging mensahe ni Eury kay Vice.
Aniya, “Grabe yung dinala mo sa amin ngayon Eury, mula sa tula mo, sa mga sinasabi mo, parang hindi ka six-year-old.
“Salamat dahil dumating ka dito sa amin sa It’s Showtime.”
Agad ding niyaya ni Vice ang iba pa nilang co-hosts sa stage para yakapin si Eury.

Sa huli, nagpasalamat si Vice sa Panginoon sa pagpapadala nito ng umano’y “angels” para ipaalala na maraming nagmamahal at napapasaya ang kanilang programa.
Sabi niya, “I just thank God that every day He’s been sending a lot of angels to come my way and to remind me how much this program and all of us are loved by so many people, especially these wonderful kids.”
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load