During his depression stage, naisip nga raw ni Alden Richards na mag-quit sa showbiz. Pero nang mahimasmasan, sinisi naman daw niya ang sarili. “Bakit parang ang ungrateful ko during those times? Unfair naman 'yon sa industry. Unfair ‘yon sa fans at unfair ‘yon sa mga co-actors ko...na ang dami namang naitulong ng industriya sa buhay ko, bakit ako ungrateful?”

Photos: @aldenrichards02 on IG

 

During his depression stage, naisip nga raw ni Alden Richards na mag-quit sa showbiz. Pero nang mahimasmasan, sinisi naman daw niya ang sarili. “Bakit parang ang ungrateful ko during those times? Unfair naman ‘yon sa industry. Unfair ‘yon sa fans at unfair ‘yon sa mga co-actors ko…na ang dami namang naitulong ng industriya sa buhay ko, bakit ako ungrateful?”

Sa kabila ng mga nakakamit na tagumpay ng isang Alden Richards, ikinagulat din ng karamihan ang pagsisiwalat niya sa mediacon ng kanyang MMFF movie na Family of Two (A Mother and Son Story) na dumaan din siya sa depresyon.

“Parang naabutan lang ako ng mga problema ko during that time,” panimulang pahayag niya. “Hindi naman po siya scam, pero basically kasama siya. Nagpatong-patong from family, business to career, but more on personal.  Pero, hindi ko na po siya isi-share kasi, naayos naman na po.”

Sa napakarami niyang naging accomplishments, mapa-personal o propesyonal man, dumating daw siya sa punto na nasabi niya sa sarili niyang wala na siyang silbi.

Opo e, kasi, gano’n naman po talaga minsan kapag depressed po tayo. Minsan, we ended being in… ‘yung self-pity? Napupunta tayo sa gano’n sa buhay natin. 

“For the first time, after a decade sa buhay ko, nakaramdam po ako ng gano’n,” patuloy niya, “Pero, good thing din po, I was able to get over that and hindi po ako napunta do’n sa…hindi ako nag-bisyo or whatsoever, buti na lang po.”

Naging daan daw ang halos sabay na paggawa niya ng dalawang higanteng pelikula—ang naging box-office hit na Five BreakUps and a Romance at ang Family of Two—para maka-move-on siya noon sa naranasang depresyon.

“Work din po talaga, ginagawa ko ang Five BreakUps and a Romance at saka ito, overlapping sila. Sa tingin ko, naging therapy itong projects. Talagang sobrang nakatulong ‘yung mga ginagawa ko.”

Kaya ang naging tanong namin: paano niya naisip pa rin na wala siyang silbi gayung napakarami nga niyang pinagkakaabalahan? Aniya, nangyari daw ang depression prior to these projects.

“Dumating lang talaga sa point na wala akong trabaho for three months. Walang work for three months, pero baka feeling ko lang ‘yon, kasi baka during that time, I was just ungrateful.

“Pero, buti na lang din talaga, naibangon ko ang sarili ko after that. Everyone naman, we all go through something dark in our life. Pero, at the end of the day, tayo lang ang tutulong sa sarili natin and prayers.”

Natanong din si Alden kung noong panahon na pakiramdam niya ay parang walang binibigay sa kanyang trabaho ay sumagi ba sa isipan niya na lumipat ng network after 13 years of being a Kapuso?

“Hindi po, wala po sa isip ko ‘yon,” saad niya. “Naisip ko pong umalis ng showbiz, sa totoo lang, not transfer network. Feeling ko, hindi ko na po nahahanap ‘yung motivation.

“I was so ungrateful with everything kaya parang sabi ko, aalis na lang ako siguro. But at the end of the day, noong nangyayari po sa akin itong mga projects na dumarating sa akin, do’n ko po ulit nakita na…I was blaming myself naman. 

“Bakit parang ang ungrateful ko during those times? Unfair naman ‘yon sa industry. Unfair ‘yon sa fans at unfair ‘yon sa mga co-actors ko…na ang dami namang naitulong ng industriya sa buhay ko, bakit ako ungrateful?”

Samantala, sa January 2 ang ika-32ng birthday ni Alden. At sa U.S. niya ito ipagdiriwang kasama ang kanyang pamilya.

May birthday wish ba siya?

“Wala na po akong wish, parang more of, ano pa po ang p’wedeng mangyari. So far, mabait naman po si Lord sa akin. Parang na-snob ko lang po siya during those times na depressed ako at down ako.  Baka ‘yun lang po ang kailangan kong gawin.

“Paglalimin pa ang relationship ko with Him and ‘wag ko pong gawing dahilan ang pagka-busy ko, para hindi siya maging priority,” pagtatapos niya.

Ang Family of Two (A Mother and Son Story), kung saan co-star niya ang Megastar na si Sharon Cuneta, is an official entry to the MMFF 2023. It’s showing in cinemas beginning Christmas Day, December 25.