
Bukod sa issue na buntis daw si Marian Rivera, isa pang ikinaiyak ng aktres ay ang matawag siyang “plastikada” ng isang veteran writer sa mismong presscon ng Desperadas 2 ng Regal Entertainment at GMA Films kahapon, December 15.
Kadarating lang ni Marian at kauupo lang niya sa presidential table nang bigla siyang sabihan ng “platikada” ng naturang reporter. Nagulat si Marian at doon pa lang ay napansin na naming mangiyak-ngiyak ito. Pero mas napaiyak si Marian sa naging reaction ni Karylle sa The Buzz nang tanungin ang ex-girlfriend ni Dingdong Dantes kung totoong buntis si Marian.
Ang issue raw ni Marian at ng veteran writer, ayon sa aming source ay nag-ugat sa isang kaibigan ng veteran writer na nagkuwentong may negatibong experience kay Marian.
Anyway, imbes nga na maging jolly ang atmosphere ng Desperadas 2 presscon ay nauwi ito sa pag-iyak.
IZA BREAKS OFF. Bukod kay Marian, muntik na ring maiyak si Iza Calzado dahil inamin na rin nito na tapos na ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jerry Garcia.
Five years ding tumagal ang relasyon ni Iza at ng kanyang investment banker boyfriend na taga-California. Sa pagkakaalam namin ay childhood sweethearts ang dalawa at noong 2003 lang ulit nila natagpuan ang isa’t isa at nagkatuluyan nga sila.
Ayaw nang magbigay ng anumang pahayag si Iza tungkol sa kanyang pakikipag-break sa boyfriend. Hindi raw tama na pag-usapan ‘yon dahil hindi naman daw artista si Jerry. Nangako si Iza na magsasalita siya kapag nasa tamang oras na. Ngayon daw kasi ay gusto niyang mag-concentrate sa promo ng kanilang pelikula.
Nabanggit ni Iza na parating nasa bansa ang kanyang ex-boyfriend dahil may mga aasikasuhin ito rito. Walang nabanggit si Iza na sasalubungin niya sa airport ang kanyang ex-bf.
Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ama ni Iza na si Lito Calzado, obvious na ayaw rin nitong magbigay ng detalye tungkol sa breakup ng dalawa. Nasabi lang nito na hindi pa raw sila nag-uusap ni Iza tungkol doon. Nagulat din daw siya nang magsalita si Iza na hiwalay na sila ni Jerry.
Close ang ama ni Iza kay Jerry at manghihinayang daw siya kung tuluyan nang mababalewala ang limang taon na relasyon nila.
“Mag-uusap pa kami ni Iza. Wala pa siyang nababanggit talaga sa akin. I’m shocked kasi very open naman sa akin ang batang ‘yan. Ngayon ko lang talaga nalaman. Magsasabi naman ‘yan sa akin, e,” diin ni Tito Lito.
Wish lang ng ama ni Iza na maging masaya parati ang kanyang anak at huwag itong bibitaw sa mga magagandang ginagawa niya.
“I know my daughter will make the right decision. Ang gusto ko lang ay maging masaya siya parati. Ayokong nakikitang malungkot siya. Kakayanin niya ito,” pagwawakas ni Lito.
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load