Alden Richards mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho Rosales

 

Kung pagbabatayan ang nakalap na tsika ni Ogie Diaz, mas gusto ng pamilya ni Kathryn Bernardo si Alden Richards bilang manliligaw kumpara kay Jericho Rosales.

Sinabi ni Ogie Diaz sa kanyang latest Showbiz Update, na ayon sa kanyang source parehong nanliligaw sina Alden at Jericho kay Kathryn.

Unang sinabi ni Ogie na nanliligaw na nga si Alden kaya naman halos ito ang naging punong abala sa house warming party ni Kathryn.

“According to my source sa kampo ni Kathryn nanliligaw na nga itong si Alden kay Kathryn. At makikita naman daw yan sa kanilang body language,” sey ni Ogie.

“Ang sabi din sa akin ng aking source ay nanliligaw din daw itong si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo.

Sa tanong kung sino ang mas bet ng pamilya ni Kathryn, si Alden daw ang lamang.

“Pero kung botohan at botohan daw sa pamilya ni Kathryn, parang mas boto sila kay Alden,” sey pa ni Ogie.

Kung pagkukumparahin, si Alden ay binata pa habang si Jericho naman ay may anak na at kaka-annul lamang ng kasal sa dating asawang si Kim Jones kaya hindi kataka-taka kung mas papaboran ito ng pamilya ni Kathryn ang Pambansang Bae.

“Gustong-gusto rin ni Mommy Mhin si Alden dahil isa itong negosyante at financially stable at responsable kaya daw natutuwa at naaaliw kay Alden yung pamilya ni Kathryn,” kuwento pa ni Ogie.