Iniharap na ni Vice Ganda si Kuya Escort Ian Perez sa kanyang ina at dalawang kapatid sa live telecast ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, nitong Biyernes ng tanghali, March 29.
Kaugnay ito ng usap-usapan sa social media na umamin na diumano sina Vice at Ion na sila ay magkarelasyon, sa taping ng Gandang Gabi Vice (GGV) noong March 12.
Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin umeere sa GGV ang sinasabing pag-amin ng rumored couple.
Pero ngayong Biyernes, panay ang tukso ng It’s Showtime co-hosts kina Vice at Ion dahil naroon sa ABS-CBN studio ang pamilya ng comedian-TV host.
“Ay! Meet the parents ba ngayon?” panunukso ni Mariel Padilla sa gitna ng “KapareWHO” segment ng show.
Hirit naman ni Karylle, “Uy! Umayos ka Ion!”
Maya-maya pa, si Vice na mismo ang nagsabi kay Ion: “Ay, nandiyan yung kapatid ko, dalawa, tsaka yung nanay ko. May gusto ka ba sabihin sa kanila?”
Bungad ni Ion, “Ate, nanay…”
Biglang natigilan si Ion at sinabing nakaramdam siya ng “hiya.”
Natawa naman si Vice at hindi sinasadyang nahampas sa mukha si Ion.
“Ay, sorry! Sorry! Sorry! Sorry!” sabi ni Vice, sabay masuyong dinampian ng halik sa kaliwang pisngi si Ion.
Saka nagpatuloy si Ion sa pagpapaalam sa pamilya ni Vice: “Humihingi po ako ng permiso. Puwede ba ako sa puso niya?”
Tawa nang tawa ang ina at dalawang kapatid ni Vice.
Pabirong sabi naman ni Vice kay Ion, “Sa laki mong ‘yan, hindi pumutok yung puso ko?”
Hindi mawari kung biruan o totohanan ang kulitan nina Vice at Ion. Lalo pa’t umeeksena rin ang It’s Showtime dancer na si Jackque, na kunwa’y nais ding makuha ang atensiyon ni Vice.
Pero ayon kay Ion, “seryoso” siyang nasa puso niya si Vice.
VICE STOPS MOM FROM COMMENTING ON ION
Humirit si Vhong Navarro na mas mabuting tanungin ang ina ni Vice kung ano ang sagot nito sa tanong ni Ion.
Pero bigla raw pinandilatan ni Vice si Vhong upang huwag nitong pagsalitain ang ina.
“Nakita ko, e. Akala ko malalaglag yung mata, e.”
Kaya imbes na tungkol kay Ion, tinanong na lang ang ina ni Vice kung kailan ang alis nito patungong Canada.
Ito ay dahil sasama raw ang ina ni Vice sa show ng comedian doon sa “May.”
Sabi lang ni Vice, “Nalaman ng nanay ko na kasama si Ion sa Canada, tsaka si Jackque, sumama! Sisiguraduhin daw niya na si Jackie ang kasama ko sa eroplano!”
News
Shocking news: Kathryn Bernardo allegedly unfollows Andrea Brillantes on Instagram: Is there tension between them? (ch)
Rumors are ablaze over actress Kathryn Bernardo’s reported decision to unfollow fellow Kapamilya star Andrea Brillantes on Instagram. Initial reports from the entertainment website Fashion Pulis brought this speculation to light, prompting a wave of netizens to verify the claim…
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla ink 3-year ABS-CBN contract, reveal new projects (ch)
MANILA, Philippines — Onscreen love team and real-life sweethearts Kathryn Bernardo and Daniel Padilla remained Kapamilyas as they sign their respective three-year contracts with the network on January 15. After working on projects separately for more than a year, the phenomenal…
Karla Estrada HAS TALKED ABOUT THE DIVORCE OF SON Daniel from Kathryn Bernardo! (ch)
Recently, the relationship of the KathNiel couple, the famous love team of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, became the talk of the town again. Despite their successful career and sweet romance that many dreamed of, news spread about a possible…
Karla Estrada ITINANGGI na BREAK na Sila Kathryn Bernardo & Daniel Padilla (ch)
Sa mga nakaraang linggo, isang balita na gumulantang sa mga tagahanga ng kilalang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nag-viral. Ayon sa ilang mga ulat, may mga spekulasyon na nag-break na ang dalawa at nauurong na ang kanilang…
Breaking News: KathNiel’s Alleged Split Shakes Showbiz – Fermin Claims Estrada’s Confirmation! (ch)
Rumors of a split between one of the Philippines’ most adored showbiz couples, Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, known collectively as KathNiel, have taken the entertainment world by storm. Cristy Fermin, a prominent personality in the Philippine entertainment industry,…
HOT: Karla Estrada faces rumors of financial dispute with Kathryn Bernardo’s family amidst KathNiel breakup (ch)
Speculations and rumors surrounding the recent breakup of prominent Kapamilya couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are taking new twists, and this time, they involve Karla Estrada. Following the official confirmation of the separation of Kathryn and Daniel through…
End of content
No more pages to load