
Sa pagsisimula pa lang ng teleseryeng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, may ilan nang nagkomento at pumuna na sobrang sexy at daring daw ng nasabing teleserye, at dapat ay sa mas late na timeslot ang nasabing soap opera.
Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes recently ay agad namin siyang hiningan ng reaksyon tungkol dito.
Mahabang paliwanag ni Dingdong: “Maganda naman kasi na iba naman ang ginagawa namin, compared sa mga ginagawa namin dati. As actors or actresses, dapat may bago naman kaming inihahain sa audience.
“With regards sa klase ng istorya at [approach] , I believe naman it’s still something acceptable sa ating mga viewers, especially, sa mga ganung oras. Kung anuman ang nakikita nila before, siyempre it’s part of the story, yun ang establishment ng pagmamahalan ng dalawang characters, pero siyempre, as it goes, mawawala yun.
“Kumbaga yun ang simula ng mas maganda pang mga kaganapan sa mga susunod pang kabanata. Like what I’ve said, it gets more exciting. Di naman puro yun lang ang laman nun, it’s the heart of the story that is most important.
“Saka, so far wala pa naman kaming natatanggap na reklamo, wala naman akong natatanggap na ganun. Like I’ve said, I believe in the project and the heart of it is a very good love story.”
RATINGS WAR. Mahigpit ang labanan pagdating sa ratings. May mga panahon na nakakaungos ang katapat nilang programa at may panahon na sila naman. Tuloy may mga pagdududa na sa parehong ratings company (AGB Nielsen at TNS Media Survey) na nagbibigay ng impormasyon kung aling show ang mas marami ang nanood at kung anong show ang di masyadong tinangkilik.
Nagbigay ng kanyang reaksyon ang aktor hinggil sa pagdududa ng ilan sa mga figures and statistics ng dalawang research and survey companies.
“Iisa lang naman ang source niyan and I believe, of course, kung ano ang natatanggap namin. Ever since naman yun ang naging basehan magmula noon, so, yun ang pinaniniwalaan ko.
“Siyempre di mo naman puwedeng ipagkaila na importanteng bagay ang ratings, pero bukod dun, importante rin yung fulfillment namin as actors, kung maganda talaga para sa amin yung istorya.”
LOLIT AS PR TO MARIAN. PR ni Dong si Lolit Solis at ngayon ay kinuha na ring PR ni Marian ang beteranong showbiz reporter-TV host-talent manager. Sinasabing si Dingdong daw ang nagmungkahi kina Marian na ito ang kunin bilang PR. Marami tuloy ang nagtatanong kung bunsod kaya ng pagrerekomendang ito ni Dong kay Lolit kina Marian ay dahil naaalarma na rin siya sa mga negatibong publisidad na lumalabas tungkol sa kapareha.
“Siyempre desisyon pa rin ‘yan ni Marian at ng manager niya. At the end of the day, manager pa rin niya ang masusunod. Yung mga bagay na ganyan, di na namin pinag-uusapan, ayaw na naming ilagay sa balikat namin, kasi siyempre nagtatrabaho kami. Gusto naming magdesisyon ang mga dapat magdesisyon.
“Saka even before naman, since na kay Nay Lolit na ako, we protect each other when it comes to things like that. Kumbaga kung may mga di tamang nasasabi at kung may pagkakataon ako, nililinaw ko rin.
“Epekto sa love team [ng negatibong publisidad]? Hindi… kasi di naman ako naniniwala na may mga negative publicities sa kanya at wala akong naririnig. Kung mayroon man, misinterpretation and something na kailangan lang klaruhin.
“Si Marian kasi, what you see is what you’ll get at yun ang nagustuhan sa kanya ng tao. Kung ano siya nung nakilala siya, ganun pa rin siya, di siya nagbabago, so walang dapat baguhin.”
Nabanggit na rin lang ang mga negatibong publisidad kay Marian, kamakailan ay may lumabas na isyu na inisnab daw at hindi nagpabeso si Marian kay Sam Milby sa isang event last December. May pinuntahan din daw na event ang aktres na nagsalita raw ito na dapat ay lumapit sa kanya ang nag-invite dahil dapat daw ay magpasalamat ito na pumunta siya.
IN DEFENSE OF MARIAN. Dinepensahan naman agad ni Dingdong ang kapareha tungkol sa mga nabanggit na negatibong isyu laban kay Marian.
“Kung may nangyari mang ganyan, di ako naniniwala kasi si Marian, kung may nakikita siyang alam niyang kasama niya sa industriya, talagang magalang at bumabati siya.
“Siyempre ang istorya pag pinasa-pasa na, nag-iiba na ‘yan, e. Sinuman ang nagsabi nun, ikuwento niya sa akin para malaman ko yung totoo, ‘tapos aalamin ko yung totoo talaga. Kung ano ang talagang nangyari bago ako mag-comment.”
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load