Mensahe ni Lolit Solis sa mga PAMI members matapos siyang ma-expel sa samahan: “I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban ng patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo . Wish all of you well and success. Your EXPELLED member, Lolita Solis.”

Photos: @akosilolitsolis / Credit to the rightful owner of the photo (Shirley Kuan) / @beaalonzo

 

Mensahe ni Lolit Solis sa mga PAMI members matapos siyang ma-expel sa samahan: “I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban ng patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo . Wish all of you well and success. Your EXPELLED member, Lolita Solis.”

Viral sa social media ngayon ang matagal nang hinihintay na paghingi ng sorry ni Manay Lolit Solis kay Bea Alonzo dahil sa consistent na pangba-bash niya dito sa kanyang Instagram account at column sa diyaryo na ayon nga sa manager ni Bea na si Shirley Kuan ay nagsimula pa noong lumipat si Bea sa GMA-7.

Tinawag itong malinaw na pambu-bully ni SK, palayaw ni Shirley Kuan, sa eksklusibo nitong panayam sa Philippine Entertainment Portal kamakailan.

At nagsanga-sanga na ang issue na umabot na sa pagre-resign ni SK sa PAMI (Professional Artists Managers, Inc.) o ang organisasyon ng mga showbiz managers na si Lolit din ang nagbisto sa publiko.

Sa ibinahaging screenshot ni Lolit ng resignation message ni SK sa PAMI Viber group chat, nabanggit nito na pakiramdam niya ay masyadong tahimik ang PAMI, na ipit sa nagbabanggang bato, at ang pagpe-play safe ng mga miyembro nito ay tantamount to tolerating a “bully,” pertaining to Lolit.

Sa kanyang magkasunod na Instagram post ngayong araw, October 18, nabanggit ng talent manager at veteran entertainment columnist na hindi siya galit kay Bea. Sa katunayan ay avid fan umano siya ng tambalan nila ni John Lloyd Cruz.

Inamin niyang na-trigger lang umano siyang punahin ito dahil sa maraming sumawsaw at maraming fans ang buma-bash din sa kanya. Inamin din niyang si Bea ang naging casualty ng mga banat niya tuloy.

Ani Lolit sa kanyang unang post kalakip ang larawan ng mga PAMI members:  “Ewan ko kung bakit ako na sad sa nakita ko mga reactions ng tao sa ‘ lovers quarrel’ namin ni Bea Alonzo, Salve. Ang dami nang nakisawsaw, sumali, nagbigay ng opinyon, violent reactions.

“Ewan ko kung dahil nag 2nd childhood na ako at pumatol sa mga bashers na nag react ng sabihin ko na hindi bagay sa Start Up PH si Bea dahil story ito ng bagong college graduate at 32 na si Bea.

“Gaga din ako na nairita sa bashing ng mga fans na ang naging biktima sa pagganti ko si Bea Alonzo. Nagka sanga-sanga na ang lahat hanggang pati sila Salve at Gorgy madamay dahil pina cancel sila ni Shirley Kuan sa isang presscon. Hanga ako sa pagtatanggol at pagmamahal ni Shirley sa alagang si Bea. Maganda ang manager/talent relationship nila. Lahat ng gulo dahil sa mga nasabi at nasulat ko sa IG.”

Aniya pa, ikinalulungkot niya ang mag naging outcome ng sunod-sunod nyang banat kay Bea na maaang pinagmumulan din ngayon ng pagiging partisan din ng mga taga-showbiz kahit hindi iyon ipinagmmakaingay.

“Na sad lang ako na dahil sa akin nag resign si Shirley Kuan sa PAMI. Tiyak ko na kahit paano apektado ang mga members.

“Sad ako na itinuturing akong BULLY, dahil kahit kelan hindi naman nabago ang ugali ko. Sad ako na iyon iba kailangan maging plastic dahil gustong ipakita na ayaw nila makisali, pero alam mo na mas matimbang ang loob nila kay Shirley at sa mga kakampi nito.

“Hindi ko gusto na humantong sa pagpili sa kung sino mas gusto mo, si Shirley o si Lolita.”

Aminado rin siyang baka nga sumosobra na siya.

“Aminado ako na baka OA na ang mga nasulat o nasabi ko about Bea.”

Sa kasunod naman niyang post, this time kalakip ang Start-Up PH press conference photo ni Bea kasama si Alden Richards, inamin din n’yang na-trigger din siya na mas lalong tirahin si Bea nang madamay ang mga malalapit sa kanyang reporters na sina Salve Asis at Gorgy Rula sa hindi pag-imbita sa naging kontrobersyal na BeauteDerm presscon.

Matapos kasi noon ay mas dumalas at mas tumalim pa ang mga banat niya kay Bea. Aniya, dahil iyon sa mga nadamay. Kung siya lang daw ang kalaban ay siya nalang.

“Pero isang bagay na masasabi ko Salve at Gorgy, mas nalungkot ako sa pagdamay ni Shirley Kuan sa inyong dalawa. Overboard na para bang dahil malapit kayo sa akin, dapat kayong idamay ni Shirley Kuan. Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos.”

Muli ay isinisi niya sa mga Bea fans ang dahilan ng kanyang pagka-trigger. Ang kaibahan lang sa mga nanuna niyang posts, humihingi na siya this time ng paumanhin kay Bea.

“Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunod-sunod ang kagagahan sinulat ko kay Bea Alonzo.

“For that, I Am Very Sorry. Naisip ko na ang tinamaan si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at nasulat ko.”

Pinuri—bagama’t tila sarcastic—ang mga naging moves ng manager ni Bea para protektahan ito.

“At dahil Mahusay at Matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinag tanggol niya ang kanyang alaga. At pinaka magandang ginawa niya, ipa cancel ako sa presscon ng Beautiderm. At ang the height, isali sa cancellation sila Salve at Gorgy.

“Brilliant idea, very intelligent move from a very successful number 1 manager, Shirley Kuan. Now, the rest is history.”

“Ako na ngayon ang bully,” tila nagmamaktol na dagdag ni Lolit. “Ako na ngayon ang may sala. To think na favorite loveteam ko ang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. To think na para sa akin isa si Bea sa may pinaka magandang mukha sa showbiz. Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat.”

Pero inulit niya na wala umano siyang galit kay Bea. Inulit din nya ang mga katagang “I’m sorry.”

“Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo. Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya, I Am Very SORRY. Ako lang ang may kasalanan, huwag na ninyo isali sila Salve at Gorgy,” pakiusap pa niya.

At sa huli, nanawagan siya sa mga umano’t gumi-gitna sa issue.

“At please, tigilan na ninyo ang pagiging plastic, sa buhay, dapat nasa kanan, o kaliwa ka lang. Iyon mga nasa gitna, umiiwas lang dahil mga duwag sila na ayaw madamay. Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga👍 #classiclolita.”

Kasalukuyang naka-disable ang comment’s section ng IG ni Manay Lolit pero base sa mga nababasa namin sa social media, marami ang hindi makaramdam ng sincerity sa pagso-sorry ni Lolit kay Bea. May mga umaasa naman na sana nga raw ay hudyat na ito ng pagla-lie low o kaya naman at tuluyan nang pagtigil ni Lolit ng pagbira kay Bea lalo’t sinasabi nitong hindi siya galit dito kundi kay SK at sa fans naman nito siya galit.

Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay may panibagong post si Lolit. Ito ay larawan ng expulsion letter na ipinadala sa kanya ng PAMI na pirmado ng president nitong si June Torrejon-Rufino.

Dated October 18, the letter reads:

“Dear Lolit:

“I write in behalf of our group, the Professional Artists Managers, Inc.,( PAMI), to inform you that you have violated one of the rules “that everything we discuss during meetings and those posted in our Viber chat group should be treated with confidentiality.” However, you made public via your Instagram a message of Shirley Kuan, which was posted in our Viber by the undersigned. This is a clear breach of the confidentiality agreement of our group. In lieu of this, I regret to inform you that we have decided to expel you from the group effective today, October 18, 2022.

Thank you for your service as one of the pioneers of PAMI. We wish you the best in all your undertakings.

Very truly yours,

June Torrejon-Rufino

President.”

Bagama’t nalulungkot sa kanyang expulsion, Lolit expressed admiration kay PAMI president June Torrejon-Rufino for taking stand umano.

“Nalungkot ako Salve ng matanggap ko ang EXPULSION letter ng PAMI,” panimula niya, “Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa. Humanga ako dahil naging matapang si June Rufino this time na gumawa ng stand. Maganda example na ipakita nila sa lahat na binibigyan nila ng parusa ang mga hindi sumunod sa rules ng PAMI.”

“I am sorry for messing up,” pag-amin niya. “At mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag resign tulad ni Shirley Kuan.”

Aniya, magandang move ito ng PAMI para hindi na umano mamili ng partido ang ibang miyembro na naipit sa sitwasyon.

Moreover, idiniin niya ang expulsion reason nya ay dahil sa ibang bagay—beach of confidentiality—at hindi dahil sa bintang na siya ay bully.

“Ngayon hindi na magri resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako. At least, na EXPEL ako dahil sa ibang rason at hindi dahil sa BULLY ako. I admit to my mistake.”

In the end, she also wished all the PAMI members the best.

“I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban ng patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo . Wish all of you well and success. Your EXPELLED member, Lolita Solis😇 #classiclolita”