Ayon kay Alden Richards, isipin na raw ng publiko ang gusto nilang isipin sa kanyang gender dahil kilala naman niya ang sarili niya at masaya s'ya sa takbo ng buhay niya ngayon.

PHOTO: @aldenrichards02 on Instagram

 

Ayon kay Alden Richards, isipin na raw ng publiko ang gusto nilang isipin sa kanyang gender dahil kilala naman niya ang sarili niya at masaya s’ya sa takbo ng buhay niya ngayon.

Wala na raw pakialam ang aktor na si Alden Richards kung ano man ang isipin ng publiko tungkol sa kanyang gender dahil naumay na raw siya rito.

Iyan ang hayagan niyang sinabi sa interview niya with TV host-actress Toni Gonzaga sa online show nitong Toni Talks sa YouTube.

Ipinalabas iyon kahapon, January 2, na incidentally ay siyang 32nd birthday ng multi-hyphenate male celebrity.

Napag-usapan nila roon ang ilan sa mga “crazy rumors” na pinagdaanan niya sa showbiz gaya na lang ng pagiging mag-asawa umano nila ng nakatambal niya sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga na si “Yaya Dub” Maine Mendoza.

Bukod pa roon, pinalalabas din ng mga diehard AlDub fans na meron daw silang anak.

Meron silang sarili nilang storytelling,” paglalahad ni Alden kay Toni sa ginagawang kuwento sa kanila ni Maine.

Gaya ng sinabi niya sa mga nauna na niyang interviews, pinasinungalingan ng Asia’s Multimedia Star ang mga espikulasyon ng mga fans nila ni Maine.

“I already said my piece about it. It’s not true. Wala pong katotohanan lahat. Wala po kaming anak. We never got married. We don’t have a love child,” paglilinaw ng Kapuso star.

Akala nga raw niya ay mawawala ang mga rumors na ito sa sandaling isapubliko nina Maine at Arjo Atayde ang kanilang relasyon pero hindi pala.

“And all along, akala ko by the time na Maine and Arjo became public [about their relationship], and they got married eventually, [mawawala na ang rumors]. Nand’yan pa rin po,” natatawang saad ng aktor.

Pag-amin pa niya, umabot na raw siya sa puntong pinabayaan na niya ang mga mapag-imbento at hindi maawat na fans kung saan sila masaya.

“But right now po, I’m at that point na… Masaya po sila doon, e. Tatanggalin ko pa ba? Ira-rub ko pa ba sa mga buhay nila na, ‘Wala nga. Wag kayo makulit’? I’m not that kind of person. I always support the happiness of people,” he said.

Pero kung may pinaka-nakakasawang rumor daw na naririnig si Alden tungkol sa kanya, ito raw ‘yong patuloy na iniintriga ang kanyang pagkalalaki.

Sa gender issue…ganu’n din. ‘Tingin n’yong ganu’n? Fine. Tingin n’yong bading? Fine.’ Ang iniisip ko nga minsan pag may ganu’ng mga rumors, ‘Wala na bang iba?’” natatawang sabi niya.

May mga netizens kasi na kumukuwestiyon sa kanyang gender dahil wala pa siyang karelasyong babae kahit na nasa hustong edad na.

“[Sa showbiz kasimatik pag ang lalaki walang girlfriend [nai-isyu na bading]. ‘Yong judgment call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin ang dali just because of that fact,” depensa ng aktor.

Ganu’n pa man, hindi raw siya magpapaapekto sa isyung ito at magiging sunod-sunuran sa dikta ng publiko.

“But ako po, parang… ‘Pupunta ba ako sa route na ’yon dahil gusto ko na naman mag-please? I have my life right now,” pagbabahagi ni Alden.

“I’m happy, perfectly happy with what I have, what I’m able to do at the moment. I seize every opportunity…sayang. There’s time for that,” pagtatapos niya.

Sa ngayon ay nasa US ang aktor at doon niya sinalubong ang taong 2024 at ipinagdiwang ang 32nd birthday niya kasama ang kanyang pamilya.

Samantala, palabas pa rin sa mga sinehan ang Metro Manila Film Festival 2023 entry nila ni Megastar Sharon Cuneta na Family of Two.