
Malalaman sa mga susunod na araw kung tatanggapin ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto at ng mga miyembro ng government agency na kanyang pinamumunuan ang hamon ng controversial social media influencer na si Rendon Labador.
Sagad ang pagkondena ni Rendon sa eksena na ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip-Bata” segment ng It’s Showtime noong July 25, 2023.

Binigyan ni Rendon ng ibang kahulugan ang may landi na pagkain nina Vice at Ion, gamit ang kanilang mga daliri sa cake icing sa segment ng show para sa mga maliliit na bata.

Naniniwala si Rendon na hindi akma para sa isang noontime show ang inasal ng dalawa na nagdiriwang ng monthsary nang araw na iyon.
Pero sa kabila nito, iginiit niya na may respeto siya sa mga miyembro ng LGBTQ community.
Masasakit na salita na ginamit ni Rendon nang isalarawan nito ang eksena na napanood sa national television at ginawa nina Ion at Vice sa harap ng mga maliliit na bata.
Hindi lamang ang mga mabibigat na akusasyon ang binitiwan ni Rendon—na ginamit pa ang mga salitang kahayupan at palamunin—laban sa same-sex lovers, dahil idinamay pa niya sa kanyang reklamo ang MTRCB.
“Meron pa bang MTRCB? Nasaan na kayo? Meron pa ba nun? Kasi kung wala na, tanggalin ninyo yan o kung meron, ang tanong ko, mga tanga ba yung nandiyan?
“Bakit hindi ninyo masita? Hindi ninyo mabigyan ng warning? Hindi ninyo man lang maitama? Mga tanga ba kayo?
“Ano bang nangyayari sa inyong lahat? Mga palamunin ba kayo ng gobyerno?
“Kasi kung merong isang organisasyon or departamento na inilagay diyan, kung hindi naman effective, kung walang ginagawa, puro pa-cute lang e tanggalin ninyo na ‘yan! Hinahayaan ninyo, e.
“Pasensya na, ha? Pasensya na Pilipinas kung medyo tingin ng karamihan e lagi akong galit. Galit ako kasi gusto kong maitama yung mga mali. Ayaw ninyo kasing magsalita.
“Huwag nating hayaan yung mga ganyang klase ng tao na gumawa ng mga bagay-bagay na puwedeng lumason sa mga kabataan.
Hamon niya pa kay Chair Lala, “Yan ang gusto kong gawin mo at MTRCB, magsalita ka naman kung nandiyan kayo. Gising-gising!”
Dagdag pang panwagan ni Rendon, magbago na si Vice Ganda at maglabas ang TV host ng public apology.
Madalas batikusin si Rendon na may imahe na nagpapakontrobersyal at gumagamit ng mga showbiz personality para mapag-usapan.
Pero sa pambihirang pagkakataon, marami sa mga kababayan natin ang nakiayon sa kanyang opinyon tungkol sa ginawa nina Vice at Ion sa It’s Showtime.
May mga naniniwala naman na si Rendon ang tinutukoy ni Vice sa maanghang na salita nito matapos magpakita ni Ion ng sexy dance moves nito kahapon, July 29, sa “Rampanalo” segment ng It’s Showtime.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Bahagyang itinaas ni Ion ang suot na pang-itaas habang sumasayaw kaya lumitaw ang kanyang tiyan.

Dahilan para magkomento si Vice ng, “Ganoon yung abs na walang steroids. Oo, nakaka-toxic kasi yung steroids.”
Sinundan pa niya ng malutong na tawa ang komentong ito.
Malakas ang hinala ng mga nakapanood sa sinabi ni Vice na si Rendon, na isang fitness buff, ang kanyang pinatatamaan.
Suportado at ipinagtatanggol naman sina Vice at Ion ng kanilang mga tagahanga na walang nakitang masama sa ginawa ng mag-partner sa July 25 episode ng It’s Showtime.
Binigyan lamang umano ito ni Rendon ng malisya.
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load