
Iginiit ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto-Antonio na ang halikan ng kanyang mga magulang na sina former Senator Tito Sotto at Helen Gamboa sa TV5 noontime show na E.A.T. ay hindi lumabag sa MTRCB rules and guidelines.
“Wala pong naging problema kasi, in fact, ito po ay isa pa ring ehemplo ng mag-asawa,” katuwiran ni Lala kaugnay ng pagpuna sa paghalik ni Tito kay Helen sa July 29, 2023 episode ng E.A.T.
Dalawang beses pinupog ng halik sa leeg ni Tito si Helen on national television.
Pinuna ito ng It’s Showtime supporters matapos isyuhan ng MTRCB ng “notice to appear” sa kanilang tanggapan ang It’s Showtime.
May kinalaman naman ito sa pagkain ng icing, gamit ang kanilang mga daliri, ng magkarelasyon ding sina Vice Ganda at Ion Perez sa ABS-CBN noontime show.
Nangyari ang eksena sa “Isip Bata” portion ng It’s Showtime noong July 25, 2023.
Giit ni Lala, ang inasal nina Vice at Ion ay may paglabag sa Section 3 ng Presidential Decree No.1986.
Nakasaad kasi sa Section 3 ang “general viewing” o paggawa ng mga programang angkop sa general public.
May mga “concerned citizens” na kumuwestiyon sa inasal nina Vice at Ion dahil ginawa nila ito sa harap ng mga bata sa “Isip Bata” segment.
Ikinagalit ng It’s Showtime fans ang hakbang na ito ng MTRCB, kasunod ng hamon na ipatawag din ni Lala ang kanyang mga magulang dahil sa napanood na halikan nila sa E.A.T.
Pero nanindigan ang MTRCB chair na walang nilabag ang kanyang mga magulang.
Sinabi rin ni Lala na naging patas siya pagdating sa isyu ng It’s Showtime at isyu ng E.A.T.
“Nakarating din po sa amin na meron pong konting mga reklamo na nagsasabi na ako raw po ay unfair, hindi patas, dahil hindi ko raw pinapatawag ang E.A.T.,” pahayag ni Lala sa interview niya sa online show na Cristy Ferminute nitong Agosto 2, 2023.
Read more about
e.a.t.
MTRCB
Dugtong ni Lala, “Wala pong dahilan para ipatawag ang E.A.T. dahil hindi po sila deserving of a ‘notice to appear.’
“Ang binigyan namin ng ‘notice to appear’ ay ang programang Showtime that is Rated PG [Parental Guidance].
“It is a live noontime, variety show, that is automatically Rated PG.”

Ipinagtanggol ni Lala ang inasal ng kanyang mga magulang kaugnay ng alegasyon ng It’s Showtime fans na “paglabag” din kasunod ng isyu nina Vice at Ion.
Iginiit ni Lala na natural sa kanyang mga magulang ang ginawa nilang halikan bilang mag-asawa.
Sabi ni Lala, “Lumaki po kasi akong ganon na halos araw-araw ng buhay naming magkakapatid, ganoon po talaga ang aming mga magulang—mapa-telebisyon, maski saan, mula pa noong bata kami.
“They have been married for 45 years now.”
Hindi rin daw iyon ang unang beses na ginawa ito ng kanyang mga magulang sa harap ng TV.
“Yung mga lambingan nilang ganyan, simula pa nung may show sila kapag naggi-guest ang mommy sa Iskul Bukol, at yung dating Eat Bulaga!, all through the years, ginagawa po talaga nila yan.”
Sa pagtatapos ng interview kay Lala, muli niyang sinabi na walang basehan ang reklamo ng mga pumupuna sa halikan ng kanyang mga magulang sa E.A.T..
Sabi ni Lala, “Malinaw na walang anumang hindi angkop na nangyari sa ginawang kilos ng aking mga magulang sa programang E.A.T..
“Wala rin po silang nilabag na mga alintuntunin at gabay ng MTRCB kaya hindi po dapat bigyan ng ‘notice to appear,’ at hindi dapat ipatawag ang E.A.T..”
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load