![]()
PHOTOS: @marianrivera on Facebook
Ayon kay Marian Rivera, hindi umano n’ya inasahan na papalo nang ganu’n ka-bongga ang video n’ya sa TikTok. “Alam n’yo, to be honest, wala talaga akong ma-reak kasi kahit ako nagugulat din ako. Very humble kong sinasabi na salamat sa mga nakagusto ng sayaw na ’yon,” pahayag nya.
Napatili ang aktres na si Marian Rivera matapos s’yang tawagin sa bago n’yang titulo.
Mula sa pagiging Kapuso Primetime Queen ay binabansagan na rin s’ya ngayon bilang TikTok Queen.
Trending kasi palagi ang mga ipino-post n’yang video sa nasabing social media platform.
Partikular na nga ang dance video n’ya ng “Price Tag” na meron na ngayong mahigit 187.7 million views.
Sa kabila nito, halatang nagulat pa ang aktres nang matanong s’ya ng entertainment press about it. Naka-tsikahan kasi s’ya ng press people sa event ng ini-endorso n’yang brand na Solmux Advance sa isang mall recently.
Doon nga ay nahingi ang reaction n’ya ngayong tinatawag na s’yang TikTok Queen.
“Parang hindi naman… Nahiya ako bigla. Basta enjoy lang ako,” natatawang sagot ni Marian.
Para raw kasi sa kanya, baguhan pa lang s’ya sa nabanggit na platform para i-claim agad na s’ya ang reyna doon.
“Actually, nag-post ako birthday ko which is August 12. So one month pa lang,” aniya.
In fairness, as of this writing ay meron na s’yang 6.7 million followers at 64.2 million likes doon.
Nu’ng umpisa nga raw ay ayaw pa n’yang mag-TikTok talaga.
“Kasi matagal nang sinasabi sa akin na mag-TikTok ako. And then sabi, ‘Ba’t ’di ka sumayaw?’ Sabi ko, ‘Parang ayaw ko nang sumayaw.’ Parang nahihiya na ako,” pagtatapat n’ya.
Pero kalaunan ay napapayag din naman daw s’ya.
“Sabi ko, ‘Sige, try natin.’ Nag-try lang naman ako…to the left, to the right. Ayon na ’yon,” natatawang sabi n’ya.
Nahingi rin ang reaksyon n’ya sa sinasabi ng netizens na ang sexy n’ya sa video kahit na buggy clothes ang suot n’ya roon.
“Sexy ba?” balik-tanong ng Kapuso actress sabay bungisngis.
“Siguro ang pinaka key lang talaga, e… ako ha, ako na sumasayaw, ini-enjoy ko lang talaga s’ya. Enjoy lang ako,” dagdag pa n’ya.
At saka noon pa man daw talaga ay hilig na n’ya ang sumayaw.
“Siguro sa mga nakakakilala sa akin alam nila na love ko talaga ang pagsasayaw. Binalik ko lang ulit,” aniya.
Bukod pa roon, nakikipag-interact daw s’ya sa kanyang mga fans sa TikTok. Nagbabasa at sumasagot daw kasi s’ya sa mga nagko-comment sa mga video posts n’ya.
“Nakikita ko lahat [ng comments]. Nagko-comment ako hangga’t kaya ko mag-comment sa mga nagko-comment sa sa akin. Gusto ko magkaroon ng connection sa kanila na nakikita ko ang mga comments nila, mga messages nila,” nakangiting sabi ng aktres.
Way n’ya raw ’yon ng pagpapasalamat sa natatanggap n’yang suporta. Hindi naman daw kasi n’ya inasahan na papalo ng ganu’n ka-bongga ang videos n’ya.
“Alam n’yo, to be honest, wala talaga akong ma-reak kasi kahit ako nagugulat din ako. Very humble kong sinasabi na salamat sa mga nakagusto ng sayaw na ’yon,” Marian said.
Ngayong kina-career na n’ya ang pagti-TikTok, may gusto naman kaya s’yang maka-collab para sa kanyang future videos?
“Meron, ’yong asawa ko. Malapit ko nang mapilit,” natatawang sagot ni Marian.
Sa mga nagre-request naman na humataw ulit s’ya bilang si MariMar, maghintay lang daw at bumubuwelo pa si Yan.
“‘Yong MariMar [dance], ibibigay ko ’yan. Abangan,” pabiting sabi n’ya na sinundan na naman ng tili.
Samantala, magiging busy na si Marian para tutukan ang kanyang upcoming teleserye with Gabby Concepcion na may working title na “Against All Odds.”
Kasado na rin daw ang shooting nila ng mister n’yang si Dingdong Dantes para sa movie nilang “Rewind” na isa sa kalahok sa Metro Manila Film Festival sa darating na December.
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load