Lotlot de Leon refuses to reveal real score between Janine Gutierrez, Rayver Cruz. (ch)

Nagpahayag ng pagsang-ayon si Lotlot de Leon kay Rayver Cruz, ang rumored boyfriend ng anak ng aktres na si Janine Gutierrez.

Aniya, “Ang importante naman kasi, masaya ang anak mo at saka she’s treated well.

“Kahit naman sinong magulang, yun naman ang hangad, na mahalin yung anak niya at tratuhin nang mabuti na may respeto.”

Pero pabirong tumanggi si Lotlot na manggaling sa kanya ang kumpirmasyon ng romantic relationship nina Janine at Rayver nang matanong kung paano siya tratuhin ng aktor ngayong girlfriend na nito ang kanyang anak.

“Ewan ko, sila na ba? Inamin na ba nila?” natatawang bulalas ni Lotlot.

Patuloy niya, “You know kasi, when he comes to the house, when he visits, very much welcome.

“He’s actually a son to me already. So, I treat him as a family.

“Mabait, e. Mabait na bata. Wala akong masabi.

“Minsan humihingi ng advice din, if this is okay…

 

“I appreciate that. He trusts my judgment.

“Sometimes, pag ganun, I will always be there for Rayver.”

Magkasama sina Lotlot at Rayver sa upcoming Kapuso afternoon drama series na Asawa Ko, Karibal Ko.

Ito ang unang teleserye ni Rayver bilang Kapuso mula nang lumipat siya mula sa ABS-CBN.

Ayon kay Lotlot, hindi siya nahirapan sa pakikipagtrabaho si Rayver.

“Oo naman, mabait.

“Ever since we did a show in another channel, sobrang totoy pa siya, parang thirteen pa lang yata siya, kilala ko na siya.

“Kaya doon talaga kami nag-bond, kasi ang tagal naming ginawa yun, parang working every day almost.”

Unang nagkasama sina Loltlot at Rayver sa dating fantasy series ng ABS-CBN na Spirits (2004-2005).

 

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News