Jhong Hilario bursts into tears; walks out on It’s Showtime (ch)

Sa episode ng It’s Showtime kahapon, January 28, hindi napigilan ni Jhong Hilario na mapaiyak nang maalala niya ang kalagayan ngayon ni Vhong Navarro.

Bukod sa pagiging mag-co-host sa It’s Showtime, parehong miyembro sina Vhong at Jhong ng Streetboys, isang all-male dance group, noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

Matapos ianunsiyo ang napiling grand finalists para sa segment na “That’s My Tomboy,” inamin ni Jhong na napukaw ang kanyang damdamin nang marinig ang kuwento ng contestant na si Epey Herher.

Ayon kay Epey, ang namatay niyang best friend ang nagsisilbing inspirasyon niyang tuparin ang pangarap na maging singer.

Si Jhong ay isa sa mga hurado sa nabanggit na reality competition sa It’s Showtime.

“Talagang kayong apat ay deserving na nandito sa stage…

 

“Pero yung talagang pumukaw talaga… yung hindi ko mapigilang umiyak e yung istorya nung pangalawa [Herher], kasi napag-usapan yung kaibigan,” pahayag ni Jhong, na nakangiti at pilit pang tumawa noong una.

Ngunit nang muli siyang magsalita ay garalgal na ang boses niya at halatang naghihirap ang kalooban.

“Gusto ko lang sabihin na hindi madali yung ginagawa namin dito sa Showtime,” sabi ni Jhong.

Sa puntong ito, bagamat pilit niyang pinipigilan ang kanyang emosyon, tuluyan nang napaiyak si Jhong.

Ilang sandali pa ay nagsabi ito ng “Sorry, Direk,” sabay tayo at mabilis na lumabas ng studio.

Maging ang It’s Showtime co-hosts niyang sina Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle, at Billy Crawford ay biglang nanahimik at napaluha na rin.

Ngunit kahit halatang naghihirap din ang kanilang kalooban, pagkatapos mag-walkout ni Jhong ay itinuloy ni Vice Ganda ang paghu-host ng show.

Noong Sabado, January 25, bago nagsimula ang programa ay pinangunahan ni Anne ang pag-alay ng panalangin para sa kaligtasan at tuluyang paggaling ni Vhong.

Ipinagdasal din nila na makayanan ng actor-host ang pagsubok na pinagdadaanan nito ngayon.

Sabi pa ni Anne, “Vhong, we love you and we’re here for you.”

 

Personal ding binisita ni Anne si Vhong sa ospital noon ding araw na iyon.

VHONG’S ORDEAL. Noong January 24, Biyernes, unang pumutok ang balita tungkol sa nangyaring pambubugbog kay Vhong.

Naganap ang naturang insidente sa isang condominium unit sa Bonifacio Global City, noong January 22, Miyerkules.

January 25, Sabado, nang iulat ng 24 Oras ng GMA Network na may isang 22-taong-gulang na babaeng estudyante ang naghain ng police blotter laban kay Vhong, dahil sa reklamong attempted rape.

Ngunit agad itong pinabulaanan ni Vhong sa kanyang panayam sa The Buzz ng Bayan noong Linggo, January 26.

Dito ay ibinunyag ni Vhong na ang complainant sa naturang police blotter ay si Deniece Millet Cornejo, na nakilala niya dalawang taon na ang nakararaan.

Nagkita lang umano sila ulit nang magpunta si Vhong sa condo unit ng dalaga noong January 17.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News