Coco Martin apologizes for involvement in controversial Bench segment (ch)

 

An Open Letter to Mr. Coco Martin from a Reluctant Fan - | Manila Today

 

Pormal na humingi ng dispensa si Coco Martin sa publiko, partikular na sa mga nagpahayag ng disgusto sa kontrobersiyal na circus act ng aktor sa ginanap The Naked Truth fashion show ng Bench noong September 20.

Dahil sa insidente ay nagpatawag ng presscon ang kampo ni Coco, na pinangunahan ng kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan at manager na si Biboy Arboleda, ngayong araw, September 30.

Ayon kay Atty. Kapunan, walang intensiyon si Coco na makaagrabyado o makainsulto nang pumayag siyang rumampa sa fashion show, habang may hawak na lubid na nakatali sa leeg ng isang foreign female model.

Ang totoo ay hindi raw kumportable si Coco sa konsepto nang ginawa niyang circus act nang dumalo ang aktor sa rehearsal ng The Naked Truth, isang araw bago ginanap ang event.

Ngunit hindi na umano nagkaroon ng pagkakataon si Coco na ipahayag ang kanyang saloobin, lalo pa’t halos panay foreigners ang namahala sa produksiyon ng naturang fashion show.

Bukod dito, bilang celebrity endorser ng Bench ay sumunod lang din umano ang Kapamilya actor sa kaukulang tema ng show.

Paliwanag ni Atty. Kapunan sa isang bahagi ng opisyal na pahayag ng kampo ni Coco tungkol sa insidente: “During the rehearsal most of the people on stage were foreigners and even the choreographer was a foreigner.

“Mr. Martin wanted to voice out his concern, particularly with the leash strapped on the neck of the lady model, but he failed to successfully communicate his thought because of the language barrier.

“Mr. Martin kept mum on his opinion on the matter because it was impressed upon him that the whole show was already finalized and he felt insignificant as to cause a scene and demand an overhaul of the entire segment.”

Hindi raw akalain ni Coco na ang pagganap niya bilang circus master ng isang professional female model, na gumanap naman bilang isang pusa, ay mauuwi sa isang matinding kontrobersiya.

Ikinalungkot ng aktor ang pagkakasangkot niya sa insidente, na ayon sa grupong Gabriela ay nagpamalas ng mga elementong nakakababa ng dignidad ng mga kababaihan.

Ayon pa kay Atty. Kapunan, malayo sa personalidad ni Coco ang makasakit ng damdamin ng babae, lalo pa’t kilalang likas na malapit at mapagmahal sa lola at mga kapatid na babae ang aktor.

Aniya, “Mr. Martin feels extremely sorry for what transpired and admitted that this incident taught him a major lesson to be more sensitive and mindful of the repercussions of his portrayals.

“Let it be clarified, however, that Mr. Martin did not have the slightest intention on his mind to insult women by this single unfortunate act.

“Mr. Martin has high regard for women just as he respects and loves his mother, his grandmother, and his three sisters.” — Rachelle Siazon/Nerissa Almo, PEP

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News