Breaking news: Vice Ganda opens up about ‘Showtime’ switch, GTV, TVJ (ch)

Vice Ganda opens up about ‘Showtime’ switch, GTV, TVJ

 

Vice Ganda breaks his silence on Vice Ganda breaks his silence on ‘It’s Showtime’ switching from TV5 to GTV in his vlog released on Tuesday. Screenshot

MANILA — Comedy superstar Vice Ganda detailed the events that led to the shift of the ABS-CBN noontime program “It’s Showtime” from TV5 to GMA’s GTV in his vlog released on Tuesday.

Vice Ganda recalled that he first saw the rumors about the non-renewal of the blocktime contract of “It’s Showtime” with TV5 prior to his concert in June.

“Nagsimula ‘yun, nabasa ko siya sa Twitter, umugong na siya eh bago pa kami kausapin tapos I was going to the (United) States for a concert tour that time. Before I left, tinawagan ko si Tita Cory (Vidanes) ta’s tinanong ko siya,” Vice Ganda said, referring to the ABS-CBN broadcast head.

“Sabi ni Tita Cory, ‘Don’t worry kasi wala pa namang kumakausap sa’min, hindi pa naman kami sinasabihan ng TV5. There’s no truth to that, kung anumang nabasa mo.’ I was pacified, hindi na ako kinabahan, okay na ako,” he recounted.

However, the management later sought to speak with him to discuss an urgent matter, Vice Ganda said.

“Tapos, dumating ‘yung time na on the day of my concert, June 2, sa Araneta (Coliseum), nagkakagulo na sila pala, kasi kailangang kausapin ako ng management. Hindi nila alam kung paanong gagawin nila kasi there were some people na nagsasabing sana huwag ngayon kasi hindi namin alam kung paano namin sasabihin kay Vice na kausapin ka. Ang hirap naman nun kung magko-concert ka tapos may bitbit siya or kung after the concert naman parang binasag natin ‘yung amats niya, siyempre, high na high siya nun, diba?’ Last minute kinancel nila ‘yung meeting with me, Friday ‘yun,” Vice said.

“Saturday, pumasok pa ako ng ‘Showtime’ kasi high na high ako sabi ko papasok ako kasi high na high ako kasi gusto kong magpasalamat sa madlang pipol so pumasok pa ako. After ‘Showtime,’ sinabi sa’kin na pinapaakyat pa ako sa taas kasi kakausapin daw ako ni Tita Cory ta’s biglang, huwag na daw, huwag ka na munang umakyat cancelled muna ‘yung meeting,” he added.

The comedian said at the time, he wasn’t too worried and trusted that everything would be alright.

“Hindi ko siya nararamdaman na may mabigat na pag-uusapan. Sunday, wala akong nararamdaman, tapos may tumatawag sa’king staff ng ‘Showtime,’ specifically ‘yung head writer namin tapos she was crying, sabi ko sa kanila, ‘Kumalma lang kayo ‘diba ang lagi ko namang chika sa inyo, anuman ang magyayari mapupunta naman tayo kung saan tayo dapat mapunta, ‘yun na lang ang panghawakan natin lagi. Hindi naman tayo pababayaan ng Diyos, mapupunta tayo sa’n man tayo pumunta,'” Vice said.

“Tapos come Monday, absent ako sa ‘Showtime’ kasi binigyan ako ng 3-day off para makapag-pahinga ako para mapahinga ko boses ko kasi wala akong boses. Pero tinext ako na ‘Punta ka sa office after ng Showtime.’ E diba pahinga ako ngayon.’ Dapat aalis kami ni Ion, magpapahinga muna ako. Hindi ako natuloy doon sa rampa ko,” he shared.

Vice Ganda said that the meeting discussed TV5’s proposal for ‘It’s Showtime’ be moved to a later slot of 4:30 p.m.

“Pumunta ako ng ABS tapos ayun na kinausap na kami, ako muna ‘yung kinausap, pinaakyat ako sa taas, sinabi ng management na, ‘Sa’yo muna namin sasabihin, tapos hihingiin namin ‘yung thoughts mo bago namin kakausapin ‘yung co-hosts mo.’ Those people who were talking to me were all very emotional,” Vice Ganda said.

“Ta’s ako, ang weird kasi wala akong masyadong emosyon, sabi ko nga, hindi ko alam baka high pa ako kasi galing ako sa concert… Sabi ko personally kung ako siyempre ayoko nung 4:30 timeslot kasi ‘Showtime’ is a noontime brand, it will destroy the brand. Kung dati nausog tayo ng 12:30, 12:45, okay pa ‘yun kasi pasok pa siya sa noontime pero kung 4:30, hindi na siya noontime, feeling ko that’s not going to be right, personally. Pero since hindi naman ako may-ari ng ‘Showtime,’ at sundalo lang naman ako, sabi ko kung saan mapupunta ‘yung programa, hindi ko sila iiwan, sasamahan ko sila,” he added.

“Parang hindi ko naman ma-imagine kung mag-no ako tas dumiretso ‘yung program parang masakit din for my other family members na hindi ako sasama, masakit din sa’kin na hindi ko sila sasamahan. Sabi ko kung saan ang ‘Showtime,’ go ako. Nu’ng pinatawag na sila (co-hosts) siyempre malungkot.”

Vice Ganda explained that the show has overcome many challenges, and the uncertainty of its broadcast platforms would be one of them.

“Ine-expect daw nila, wild ‘yung reaction ko, pero ang ending mas emotional sila kaysa sa’kin, kasi, una, baka masayang-masaya pa ako galing concert, pangalawa, naniniwala talaga kasi ako sa ‘Showtime’ eh, at naniniwala ako sa pagmamahal ng madlang pipol sa’min, at pagmamahal namin sa madlang pipol. I believe we were able to establish a strong bond with the audience, with the madlang people at hindi ‘to mangangarag lang nang ganun-ganoon,” the comedian said.

“Sabi ko, kung mawawalan tayo ng isang platform, edi mawawalan, dati nga isang platform na lang talaga nilalabasan, diba umabot nga tayo sa YouTube lang tayo, tapos pinatuloy tayo ng A2Z, tapos nagkaroon ng Kapamilya channel, tas nagkaroon ng TV5. Sabi ko sa kanila, what else can hurt us? We’ve reached rock bottom already, ano pang mas sasakit dun, ‘yung gumising ka ng isang araw na walang-wala, ta’s nagkaroon ng isa, ta’s nagkaroon ng dalawa, ta’s nagkaroon ng tatlo, tapos ngayon mababawasan ng isa, parang hindi ako masyadong nasaktan,” he added.

“Nalulungkot ako pero mas masakit sa akin ‘yung staff, ‘yung mga tao ng ‘Showtime’ na sobrang nalulungkot at sobrang natataranta at nalilito. Bugbog na tayo, nilibing na tayo nang buhay at masasaktan pa ba tayo rito, may mararamdaman pero hindi natin ‘to ikalulugmok. Salubsob na lang ‘yan, tapik na lang ‘yan.”

Vice Ganda said he believed in the power of the “madlang pipol” and knew that they would hurdle the setback.

“I believe that ‘Showtime’ is such a beautiful gem. Hindi ako magtataka kung may taong may hawak nung gem na ‘yun tapos iwanan niya ‘yung gem na ‘yun sa kung saan man, ta’s ine-expect mo, walang kukuhang iba, hindi, sigurado akong meron, merong magkakainteres sa gem na ‘yan at aalagaan niya rin ‘yung gem na ‘yun,” the host said.

“I just believe in ‘Showtime’ so much, ang taas ng tingin ko sa programang ito, ang taas ng tingin ko sa madlang pipol, ang taas ng tingin ko sa bond ng madlang pipol na nabuo nito. Feeling ko ang tibay na ng pamilyang ‘to, sa dami ng pinagdaanan niya, napakatibay na nito, naniniwala akong hindi ito masisira, malulugmok at mawawasak nang tuluyan nang ganun-ganun lang,” he added.

He felt that it was his role to show strength amid every challenge that they face and lead the team.

“Since ginagawa niyo akong leader ng programang ito, the queen must not be the weakest, I cannot be the weakest, you don’t call me the queen for nothing. The queen must hide her wounds and endure. Nasasaktan ako pero hindi ko ‘yun ipapakita sa kanila nang tahasan kasi manghihina sila, ang ipapakita ko sa kanila ‘yung lakas, ise-share ko sa kanila, dun kayo kumapit, kapit-kapit tayo rito,” Vice said.

“Kasi I don’t get to talk to everyone, I don’t get to speak to everyone, I don’t get to know their feelings, all of them, nakakarating sa’kin na nag-iiyakan sila, nalilito sila, natatakot sila, gusto kong iparating sa kanila, ‘yung pagmamahal ko sa kanila, ‘yung pasasalamat ko sa kanila, at gusto kong mag-extend ng lakas sa kanila, baka sakaling ma makuha sila roon at mabawasan ‘yung lungkot nila at mas lumakas sila at tumapang para tumindig ulit at para ituloy lang natin ‘tong laban na ginagawa natin,” he added.

Vice Ganda credited the “madlang pipol” or the loyal viewers of “It’s Showtime” for helping the program overcome numerous challenges over the years.

“Hindi man lahat ng nagmamahal sa ‘Showtime’ ay nagmamahal sa’kin, feeling ko lahat ng nagmamahal sa akin, nagmamahal sa ‘Showtime.’ Itong suporta at pagmamahal ng madlang pipol, ito’y simula’t sapul ay paulit-ulit na sumasalba sa amin, tuwing sobra kaming nasasaktan, tuwing nadarapa kami, tuwing duguan kami, tuwing naghihingalo kami, ‘yung pagmamahal at suporta na ‘yun ng madlang pipol, ang patuloy at paulit-ulit na bumubuhay sa’min,” the host said.

“Kung ilang beses na nilang ipinakita ‘yan eh in the past, napatunayan na ng madlang pipol kung gaano kalaki ‘yung pagmamahal nila sa amin, ngayon pa ba naman tayo matatakot, ang lakas-lakas talaga ng loob ko,” he added.

Vice Ganda also spoke about the show being a “casualty” of the clash between TAPE and original “Eat Bulaga” hosts Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon, but clarified that he has no ill feelings towards the iconic trio and in fact understands their situation.

“Alam mo ‘yun talaga ‘yung unang naramdaman namin parang tayo ‘yung casualty nung naging problema ng TVJ at tsaka nung ‘Eat Bulaga’ sabi ko parang tayo ‘yung tinamaan nung mga kanyon na binala nila, ‘yun ang unang naging damdamin namin kasi nung una, ok naman sila roon, ok din naman kami, ok na tayo rito kasi kung hindi naman sila nag-away edi buo pa rin sana sila, may kontrata pa naman sila sa GMA hanggang next year so buo pa rin sana sila pero dahil hindi sila nagkasundo, nagkahiwalay. Siyempre, ‘yung mga performers, normal lang na gagawa sila ng paraan para makahanap ng pagpu-pwestuhan ng programa nila,” Vice Ganda said.

“At ‘yung mga desisyon nila, malaking-malaki ang epekto sa aming nananahimik pero hindi naming sisihin ang TVJ kasi lahat naman kami gusto lang magtrabaho, lahat naman kami may ipinaglalabang bahay, lahat kami may pinaglalabang programa, lahat kami may pinaglalabang audience na gustong pagsilbihan. Wala tayong magagawa, tatanggapin natin ‘yun, hindi man masyadong pabor sa’tin, but at the end hindi natin pwede ‘yung i-take against them kasi nagtatrabaho lang din naman sila,” he added.

Vice Ganda went on to address TV5, saying that while he was saddened by the turn of events that led to “It’s Showtime” exiting the network, he remains grateful to the Manny V. Pangilinan-led company.

“Wala akong galit sa TV5, nalulungkot ako sa naging desisyon ng TV5 kasi siyempre hindi pabor sa amin ‘yun eh, siyempre sa buhay naman, mas masaya kung ang mga nangyayari ay pabor sa atin pero hindi sa lahat ng pagkakataon magiging pabor sa’yo ang oras, ang pangyayari, at ang mga desisyon,” Vice Ganda said.

“May mga pagkakataong may mapapaborang iba, masakit man, malungkot man sa damdamin, pero kailangan mong tanggapin ‘yun, kailangan mong irespeto ‘yun, masaktan man kami, masaktan man ako, nalungkot man ako, hindi pwedeng mawala sa’kin ‘yung pasasalamat sa TV5, ang laki ng tinulong nila sa’min, kaya nga excited kami nung nakapasok kami sa TV5 kahit ano’ng time slot pa namin, 12:45, masayang-masaya na kami roon, nung binalik nila kami sa 12:00 noon, grand opening ulit kasi masayang-masaya kami,” he added.

“Hindi kami pwedeng magalit sa kanila kasi napasaya nila kami eh, minsan sa buhay namin, tinulungan nila kami, minsan sa buhay namin nakaramdam kami ng pagdiriwang at kasiyahan dahil sa tulong nila at that will forever be one great reason to be grateful to them.”

He noted that they just want what would make their audience happy.

“Every show is competing for their audience, to be able to deliver a beautiful program and services to their target audience, for a chance to air, for their advertisements, and that’s the reality, huwag na nating sabihing wala, may kompetisyon, kasi nagtatapat-tapat kayo and that’s healthy, beautiful kasi ‘pag walang competition, mababagot ka rin, ‘pag wala kang katapat, nagpapakaba sa’yo. Ang magbe-benefit dito talaga audience, showbusiness nagbe-benefit, buhay na buhay ang showbusiness ngayon,” he said.

Vice Ganda then shared his conversation with ABS-CBN executives about the possibility of finding another platform for “It’s Showtime.”

“I actually asked about it, sabi ko, would there be any chance na makakuha tayo ng ibang platforms, sabi naman ng management, of course, we are continuously working hard para mabigayn kayo ng marami pang platform na pag-eerehan kasi nga ABS is now a content provider, hahanap kami, gagawa kami ng paraan,” the comedian said.

“‘Yung tulo ng luha ni Tita Cory nung sinabi niya ‘yun, ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal, ‘yung tulo ng luha niya, hindi nag-manifest ng panghihina, ‘yung luha niya nag-manifest ng strength, ng so much love, ng passion kaya sabi ko panghahawakan ko ‘yung nakita ko,” he added.

“Hindi pwedeng walang magpapakita ng interes sa binitawang gem, it’s a gem. Ang sarap sa pakiramdam na naniniwala rin sila sa ‘Showtime’ brand kasi kung hindi naman sila naniniwala, pwede naman nila kaming dedmahin, ang lakas naman nila without us.”

Vice Ganda expressed his gratitude to GMA for accepting them and giving “It’s Showtime” a platform via the GTV channel.

“Pwede mo namang sabihin na GTV, GMA does not need ‘Showtime,’ pwede mong sabihin ‘yun kasi ang lakas nila eh pero binigyan nila tayo ng interes, pinansin nila tayo at tinanggap nila,” the host said.

“Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, alam ko na ‘yung cycle, makukurot ka pero may malaking regalong babalik, may pagdadaanan ka pero may magandang mangyayari sa’yo, iiyak ka pero tatawa ka nang malakas, hahalakhak ka pagkatapos niyan, matatalo ka pero magwawagi ka nang malaki, 47 years old na ako, I’ve been through a lot, personally and professionally,” he added.

“I’ve witnessed a lot of things already, napatunayan ko nang if the situation is bad, it’s not the end because everything will end in a beatiful way. Maraming-maraming salamat sa GMA, sa GTV, maraming salamat po sa pagtitiwala ninyo, at sa bukas-palad, bukas kamay ninyong pagtanggap sa akin, maraming-maraming salamat, malaking bagay po ito sa amin at ipinagsasalamat po namin.”

Asked about what audiences can expect from the July 1 premiere of “It’s Showtime” on GTV, Vice Ganda said: “Ever since diba, ayaw ko ng puchu-puchu, ayaw din ng madlang pipol ng puchu-puchu, masyado nang mataas ‘yung dosage ng madlang people sa fun, kaya ‘pag binaba mo ‘yun magagalit sila, magre-react sila, magtatampo sila.”

“Nakikinig naman tayo, kailangan pakinggan mo ‘yung audience mo, kasi sila ‘yung binibigyan mo eh, kailangan ibigay mo sa kanila kung ano’ng gusto nila, sino-spoil dapat natin ‘yung audience natin at the same time ‘yung audience natin sino-spoil din naman tayo eh, minsan nagtatampo sa’tin ‘yang mga ‘yan pero kahit ano’ng tampo nila, hindi nila tayo binibitawan, ganoon din naman tayo eh, nasasaktan tayo sa sinasabi ng audience natin, naiinis tayo minsan pero ‘di natin sila binibitawan, pinagsisilbihan pa rin natin sila.”

He also teased the prospect of making a guest appearance on a GMA program, saying: “Let’s see, gusto ko lang talagang mag-guest doon sa show na ‘yun, sana matuloy, at feeling ko ang daming nag-aabang nun feeling ko ang daming excited.”

“Ang daming umiikot ang pwet at curious kung pwede kaya siyang mag-guest doon, makakapag-guest kaya siya roon, i-invite kaya siya roon, what if mag-meet sila. Gusto ko ‘yun, ni-request ko ‘yun sa management, kung mapagbibigyan, ang ganda kaya abangan nating lahat.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News