Breaking news: Still not over yet, Kim Chu speaks up again about breaking up with Xian Lim (ch)


 

Sa 25th anniversary celebration ng isang kilalang fashion designer nitong November 27, natanong ng media si Kim Chiu tungkol sa kaniyang lovelife partikular kung sila pa ba ni Xian Lim.

“Sa amin na lang muna ‘yun. We’ll just keep it to ourselves na muna,” sagot ni Kim.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagsalita si Kim tungkol sa relasyon nila ni Xian.

Sa isang press conference ng show niyang “Linlang”, nilinaw niyang walang katotohanan ang mga lumalabas na balita.

“Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo. Okay naman kami ni Xi, opo. Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman, masaya,” aniya.

Pero umugong pa rin ang balita na hiwalay na ang dalawa dahil nagpost din si Xian Lim sa kaniyang Instagram. Hindi kinumpirma ni Xian ang isyu pero nakiusap siya sa kaniyang mga fans na maging maingat sa paggamit ng social media at huwag nang idawit pa sa isyu ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Mas lalong uminit ang usap-usap nang magtrending ang isang interview na tinanong si Xian Lim kung may balak ba siyang i-level up ang relasyon nila ng Chinita Princess. Sinagot niya ito na hindi niya pa alam at wala pa raw siyang plano.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagtataka dahil hindi na sila nakikitang magkasama in public at hindi na raw katulad ng dati na lagi silang may post para sa isa’t isa.

Nagsimulang maging magkasintahan ang reel to real couple noong 2012 at inamin nila ito sa publiko noong 2018.

Naging magka-loveteam muna sila bago nauwi sa tunay na relasyon kaya malaki ang kanilang fanbase.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News