Breaking news: MTRCB, may facilitate the decision to use ‘It’s Showtime’ at ‘E.A.T.’ (ch)

it's showtime e.a.t. mtrcb

 

GORGY RULA:

Bago matapos ang linggong ito, posibleng maglabas na ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng desisyon sa dalawang noontime shows na ipina-summon nila noong nakaraang linggo.

Naunang ipinatawag ang It’s Showtime dahil sa paraang pagsimot ng dalawa ng icing ng cake sa harap ng mga bata sa segment na “Isip Bata.”

Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, hindi lang ang kaso nina Vice at Ion ang pag-uusapan kundi pati ang iba pang nagawa umanong violations ng kapamilya noontime show na nai-complain sa kanila.

Noong nakaraang Lunes, August 14, 2023 lang ay na-summon naman ang E.A.T. dahil sa narinig na pagmumura ni Wally Bayola sa “Sugod Mga Kapatid” segment.

May mga kumakalat na kuwentong kakasuhan daw ng MTRCB ang It’s Showtime, pero wala namang inilalabas na ganoong statement ang naturang ahensya.

Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, magkakaroon daw ng general meeting isa sa mga araw na ito para mapagdesisyunan kung papatawan ba ng parusa ang dalawang programang ito.

Nilinaw pa ng ilan sa napagtanungan namin, pag-uusapan ito ng board na karamihan ay mga abugado, pero hindi sasali rito ang MTRCB Chair.

Marami raw silang iku-consider na mga bagay bago nila ibaba ang kanilang desisyon.

Hindi ko lang tiyak kung magkakaroon ng botohan dito, dahil hindi hindi naman sinabi sa amin kung ano ang proseso para ibaba ang kanilang magiging desisyon.

 

JERRY OLEA:

Sa totoo lang, nagiging maingat na ang karamihan ng mga programa ngayon sa mga sinasabi at ginagawa ng hosts, lalo na kung daily show na live ang kanilang ginagawa.

Isa na nga rito si Paolo Contis ng Eat Bulaga!.

“Sobrang maingat ako!” bulalas ni Paolo nang nakatsikahan namin noong Agosto 13, Linggo, sa look test ng pelikulang Fuchsia Libre na pagbibidahan nila ni John Arcilla sa Mavx Productions.

Aminado si Paolo na minsan ay mahilig siyang magbitaw ng mga green jokes, pero ngayon daw ay ingat na ingat siya.

“Actually, may mga jokes, like for example sa EB Happy, may mga ginagawa akong jokes na habang niri-rehearse, ‘Sandali, sandali, huwag na lang nating gawin yan!’

“Kahit sabihin mong para sa iyo wala, bakit mo pa itsa-challenge yung sistema, di ba? Might as well be safe,” saad ng actor-TV host.

Marami naman daw jokes na safe, kaya ayaw na niyang magbakasali para lang magpatawa.

“Hindi kasi… alam mo, ano, e, hindi mo naman puwede sabihing uso. Pero sabihin na natin mas maraming matang nakatingin ngayon.

“So, responsibilidad mo rin na kung para sa yo wala kang nao-offend o para sa yo hindi. E, paano kung meron?

“So, dun ka na lang sa pinaka-safe, bakit hindi? Kung makaisip ka naman ng patawang super safe, e, di dun ka na. Kesa i-challenge mo pa yung sistema.”

NOEL FERRER:

Ingat talaga.

Pero more than ingat, dapat may respeto at tiwala na ang audience ay kayang maintindihan at maka-appreciate ng magandang panoorin na hindi basta-basta itinuturing silang pulubi, tulad ng “Mendicancy in Noontime Shows in the Philippines” study ni Jonathan Ong sa kanyang librong The Poverty Of Television.

Nagsimulang mag-research si Jonathan noong makita niyang nagagamit ang kahirapan sa paraan at uri ng entertainment at pang-aliw sa mga kababayan natin.

Sana nga, beyond the MTRCB summons, talagang pag-usapan pa kung paano ile-level up ang aliwang pam-Pinoy.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News