Breaking news: MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision that ‘It’s Showtime’ committed a violation: “Magalit na kung sino man ang magagalit.” (ch)

MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision against It's Showtime

 

Nagsalita na si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto-Antonio hinggil sa nagawang “violation” ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Noong July 25, 2023, ipinatawag ng pamunuan ng MTRCB ang authorized representative ng It’s Showtime kaugnay ng natanggap nilang mga reklamo mula sa “concerned citizens” tungkol sa inasal ng real-life couple na sina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment ng kanilang show.

Kaugnay ito sa alegasyong malisyoso o hindi disenteng pagkain ng dalawa ng cake icing, gamit ang kanilang mga daliri, sa harap ng mga menor de edad na bata sa “Isip Bata” segment ng programa.

Dahil sa insidenteng ito, ilan sa supporters ng It’s Showtime ang nag-akusa kay Lala ng hindi pagiging patas sa pagbibigay ng violation sa mga noontime show.

Giit kasi nila, bakit hindi pinatawan ng kaukulang parusa ng MTRCB ang E.A.T. dahil sa ginawang paghahalikan ng mga magulang ni Lala na sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa National Dabarkads Day celebration noong July 29, 2023.

Sa panayam ni Lala sa radio host and showbiz columnist na si Cristy Fermin nitong Miyerkules, August 2, 2023, ipinaliwanag niya ang nalabag na klasipikasyon sa MTRCB ng It’s Showtime.

Maging ang ipinupukol sa kanyang “unfair treatment” dahil sa inasal ng kanyang mga magulang sa noontime show ng TV5 na E.A.T.

Lahad niya, “Nagsimula po ang lahat ng ito dahil sa problema na natanggap namin at mula rin po sa monitoring inspection unit namin, which is yung naging paglabag sa mga alintuntunin ng MTRCB na paglabag sa Presidential Decree No.1986 ng programang It’s Showtime.

“Nakarating din po sa amin na meron pong konting mga reklamo na nagsasabi na ako raw po ay unfair o hindi patas dahil hindi ko raw ipinapatawag ang E.A.T.

“Wala pong dahilan para ipatawag ang E.A.T. dahil hindi po sila deserving of a notice to appear.

“Ang binigyan namin ng notice to appear ay ang programang It’s Showtime that is rated PG, it is a live noontime variety show that is automatically rated PG.”

Batay umano sa kanilang imbestigasyon, malinaw na nagkaroon ng paglabag ang It’s Showtime dahil may mga batang naroon mismo sa show at mga batang walang bantay na mga magulang sa bahay nang maganap ang umano’y “indecent act/s” nina Vice at Ion.

Paliwanag ni Lala, “Ang klasipikasyong PG, which is Parental Guidance, ay nagkaroon ng paglabag, lalo na at may mga maliliit na bata who were physically present, maliban sa mga batang nanonood mula sa kani-kanilang tahanan na wala namang bantay lahat.

“Yun po yung naging problema sa It’s Showtime. That is why nagbigay po kami sa kanila ng notice to appear base sa aming sariling monitoring inspection unit and the proliferation of complaints.

Iginiit din ni Lala na may prosesong sinusunod ang kanilang ahensiya bago nila ipatawag ang isang show o programa na nakapaglabag sa sinusunod nilang guidelines.

Aniya, “Ang MTRCB is a quasi-judicial body. We are also a national government agency. Ibig sabihin, meron kaming sariling proseso, meron kaming sariling due process.

“Hindi naman porket may isang nag-complain ay bibigyang patotohanan na agad ito. Ito ay may complain mechanisms sa aming ahensya, which I recently just fixed.

“We establish a complaints mechanism. Ibig sabihin, kung papano hina-handle ang complaints, mayroon kaming sariling sistema because we are to follow a due process.”

Kapag nakakatanggap daw sila ng reklamo ay tila dumadaan pa ito sa butas ng karayom.

Kinakailangan pang i-assess at i-verify ng kanilang monitoring inspection unit (MIU) bago ito hatulan ni Lala at ipadala sa legal affairs division.

Sabi niya, “Pagkatapos po sa akin, ito po ay idi-direct ko sa aming legal affairs division. Pagkatapos sa legal affairs division, mare-refer ito sa adjudication committee if it deserves a notice to appear or a dialogue with the producers—not the hosts, not the artists—the producers of the shows or even movies.

“Then, saka sila bibigyan ng notice to appear signed by me.

“We act on complaints but we need complete information.”

 

Paglilinaw pa ni Lala, hindi pagiging biased ang pagbibigay nila ng notice of appear sa It’s Showtime.

Dahil kung tutuusin, makailang beses na raw nilang pinagbigyan ito dahil sa mga violation na nagawa habang live na umeere ang kanilang programa.

Alam at naiintindihan daw ni Lala kung saan nanggagaling ang supporters ng It’s Showtime kung ipinagtatanggol nila ang programa. Siya man daw ay lumaki sa isang noontime show, ang Eat Bulaga! na dating programa nina Tito, Vic Sotto, at Joey de Leon sa GMA-7.

Saad niya, “Hindi naman porket may nag-complain sa isang show… marami naman kaming nare-receive na complaints, e, sa mga show na katapat ng E.A.T., lahat yon ay kailangang i-assess at hindi naman lahat yon ay pinapalaki o binibigyan ng notice.

“Para mas maintindihan ng lahat, hindi lang ako puwedeng magbigay ng detalye because it’s already referred to the adjudication committee.

“Ang programang It’s Showtime, I hope they don’t take it personally, lalo na yung kanilang supporters. Naiintindihan ko po yun dahil ako ay lumaki sa isang noontime show.

“I believe the board has been very tolerant, napakahaba po ng aming pisi.

“Kung alam niyo lang ilang notices na po ang aming ipinadala sa kanila, nakailang warning na rin sila dahil meron po silang mga violations sa lengguwahe, paulit-ulit po yon.

“May nip slip pa, hindi naman namin sila binigyan ng notice to appear para diyan.

“Because like I’ve said, I’ve been very tolerant, I’ve been very understanding and patient, ngunit binibigyan sila ng warning at stern warning.”

Dagdag pa niya, “Ngayon po, ito [recent indecent act/s] ay hindi po namin talaga puwedeng palampasin, magalit na kung sino man ang magagalit.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News