Hindi pabor sina Paulo Avelino at Kim Chiu na magkaroon ng relasyon ang magkatrabaho.
Sey ni Paulo, mahalaga raw kasing maging professional.
“It is always to be professional. I know in some cases; you can’t help but fall in love with someone in your workplace. But maybe, just choose an appropriate setting,” wika ng aktor, ayon sa ulat ng ABS-CBN.
“Hindi maiwasan ganoon lalo na kung magkakilala kayo, ilang oras sa isang araw siya lang kausap mo. Pero mas importante siguro mas maayos trabaho kaysa personal na buhay mo.
“Siguro mag-suffer work… baka hindi ka makapag-concentrate sa work. Mas priority ‘yong trabaho.”
Matapos ang matagumpay na pagtatambal nila sa “Linlang”, magkakasamang muli ang KimPau sa “What’s Wrong With Secretary Kim” na magsisimula na sa March 18, 2024.