Anne Curtis, netizens moved by “Mini Ms. U” contestant’s pure and powerful statement (ch)

Mini Ms. U contestant touched Anne Curtis, netizens heart

 

Hindi napigilang maging emosyunal ni Anne Curtis dahil sa mga salita ng isang kandidata sa “Mini Ms. U,” ang beauty pageant for kids ng noontime show na It’s Showtime.

Sa episode ng It’s Showtime noong Lunes, July 3, 2023, sumalang sa impromptu skit ang seven-year-old candidate na si Annika Co, kasama si Vice Ganda.

Sa eksena, magkaibigan sina Annika at Vice. Kunwari ay kakanta sila sa harap ng maraming tao, ngunit biglang mapanghihinaan ng loob si Vice. Gagawa naman ng paraan si Annika upang palakasin ang loob ng kanyang kaibigan.

Narito ang ilang parte ng batuhan ng linya nina Vice at Annika:

Vice: “I feel I don’t wanna sing anymore. I feel like I’m shivering.”

Annika: “You get over it. You should get over your fears, and after you get over your fear, you’ll not be scared of that fear anymore.”

Vice: “I’m afraid that the audience might not like me.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Annika: “Who cares if the others don’t like you? I like you and everybody else does. What matters is somebody still likes you. If some people don’t like you, then it’s fine. What’s important is someone still likes you.”

Vice: “But who is that person that still likes me even if I’m no longer the best? Because people like people if they are the best, but once they learn that they are not the best anymore, they don’t like them.”

Annika: “You shouldn’t be worrying about if you will be the best in the world, you have to be the best version of yourself.”

Vice: “Can you hold my hand?”

Annika: “Yes. Now, are you ready to go on stage? If you don’t want to, I can go first. If you don’t really want to do it, it’s fine. We can just do it another time.”

Dito na rin napansin ni Vice ang pagluha ni Anne.

 

Mini Ms. U contestant touched Anne Curtis, netizens heart

 

Tanong ni Vice, “Why are you crying?”

Sagot ni Anne, “Naiyak ako kasi it was so pure na parang if everyone can be as kind as this child, di ba, wala nang hatred sa mundo.”

Sabi pa niya kay Annika, “You’re so innocent and pure. It’s so beautiful.”

“Yeah,” pagsang-ayon naman ni Vice.

“Everybody needs a friend like Annika,” dagdag niya.

Ni-retweet ni Anne ang video clip ng naging sagutan nina Vice at Annika, kung saan pinuri niya ang mga magulang ng bata.

Mababasa sa kanyang caption, “What a genuinely kind and pure soul. Bless her heart. Kudos to her parents for instilling such beautiful values. Imagine if we were all like this. No hatred or harmful words would exist.”

Si Annika ang itinanghal na winner sa “Mini Ms. U” noong araw na iyon.

 

NETIZENS REACT

Bukod kay Anne, marami ring netizens ang humanga at naantig sa mga naging pahayag ni Annika.

Marami sa kanila ang hindi makapaniwalang nanggaling sa bibig ng isang pitong taong gulang na bata ang mga payo nito kay Vice.

Tweet ng isang netizen, “Watching you earlier @annecurtissmith on @itsShowtimeNa nakakaiyak ka rin and i agree sa sinasabi ko kanina. Kahit ako kuddos to their parent’s and that child at her very young age she is full of wisdom and what’s came out to her mouth that is coming from her heart.”

Saad pa ng isa, “So many adults can learn a lot from this child about wisdom, positivity, kindness and understanding. Such a gifted soul at her young age. Kudos to the parents who instilled good values and morals to this amazing girl. Congratulations for raising her so well.”

Pinuri rin ng netizens ang mga magulang ni Annika dahil sa pagpapalaki raw nila nang tama at punong-puno ng pagmamahal.

Sabi ng isang netizen, “Nakakainggit, siguro sa bahay nila imbis na pagalit at mura yung sabihin ng guardians nya sa kanya when she fails, siguro wise and kind words. Siguro super supportive and forgiving ng guardians nya for her to be like that no? Walang palo, enough na pangaral lang. Sana all.’

Dagdag pa ng isa, “Saludo sa mga magulang ng batang ito, ang ganda ng pagpapalaki niyo sa kanya.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News