
Katakut-takot raw na pambabatikos at pagbabanta sa buhay ang inabot ng Kapuso actor-director na si Xian Lim matapos niyang mahiwalay sa long-time girlfriend na si Kim Chiu.
Ito ang ibinahagi ni Xian sa eksklusibo niyang panayam kay Nelson Canlas sa GMA Integrated News nitong June 6, 2024.
Pinipilit daw ni Xian na huwag nang magsalita o ungkatin pa ang masakit na hiwalayan nila ni Kim, ngunit hindi naman raw tama na manahimik siya at pabayaan na lang ang samu’t saring akusasyong ibinabato sa kanya na wala namang katotohanan.
Hindi sinabi ng aktor kung anu-anong akusasyon ang natanggap niya, ngunit apela niya, hindi niya ito deserved, lalo na’t bukod sa kanya ay nadadamay na rin daw ang kanyang mga mahal sa buhay, lalo ang kanyang pamilya.
Saad ni Xian: “I do not deserve the false accusations, the lies being spread.
“I work really hard. We are all working really hard. I don’t want to be defined by what happened with my breakup or my previous relationship.
“I don’t want to be defined by what people are saying about me—these false headlines, o kung ano man.”
Dagdag pa niya: “Sige, ako na po yung tirahin nila, but not my family.
“Just giving a little context, nadadamay na rin kasi yung nanay ko pati yung lola ko. They’re getting personal messages. I’m getting death threats.
“My mom’s getting death threats. Umaabot na sa ganon.
“That’s the gravity of the situation I’m dealing with now. My family doesn’t deserve all the made-up lies. Ayoko na mandamay pa ng iba.”
XIAN admitS talking about HIS breakup was difficult
Paglilinaw pa ni Xian, hindi siya nagsasalita ngayon para mag-ingay at mapromote ang upcoming film niyang Playtime.
Kung tutuusin, hanggang ngayon daw ay nasasaktan pa rin siya kapag ikinukuwento sa publiko ang kinahantungan ng relasyon nila ni Kim.
“It’s sad, very painful, but life goes on,” paglalarawan niya sa breakup nila Kim.
Naiintindihan naman daw ni Xian ang lungkot at sakit na naramdaman ng kanilang fans nang malaman ng mga itong nagwakas na ang labindalawang taon nilang relasyon.
Ngunit may isa raw tila nakakalimutan ang mga ito, na sila ni Kim ang pinakanasaktan at naapektuhan ng nangyari, kaya hindi niya malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin matuldukan ang mga naglalabasang espekulasyon sa kanilang paghihiwalay.
Aniya, “Sinasabi nila na nag-iingay si Xian dahil may pelikula—no.
“We really did explain from the bottom of our hearts kung ano talaga ang nangyari.
“Hindi na namin kailangan pa isa-isahin kung sinu-sino ang nagkulang because it’s just like any other relationship.”
XIAN SAYS he and Kim ended on good terms
Hindi man humantong sa happy ending, ikinatutuwa raw ni Xian na nagtapos silang maayos ni Kim.
Kaya naman, hindi raw siya natatakot at kinakabahan kung muli silang magkasalubong at pagsamahin sa isang proyekto.
Ani Xian, “We ended on good terms, of course, merong iyakan…we’re people e.
“We ended on good terms, and in time na mabigyan kami ng pagkakataon na mag-trabaho, why not?”
December 23, 2023, kinumpirma nina Kim at Xian sa publiko ang kanilang breakup.
Walang binanggit na dahilan ang dalawa, liban sa “mutual decision” daw ang kanilang paghihiwalay.
XIAN’S NEW FOUND LOVE
Dahil ang hiwalayan ng dalawang kilalang artista ay magiging kontrobersiyal, anuman ang circumstances sa palibot nito, nagkakusot na nga.
Nasangkot ang pangalan ng film producer na si Iris Lee, na siyang itinuturong third party daw sa hiwalayan ng KimXi, ang tawag sa loveteam nina Kim at Xian.
Na mariin namang pinabulaanan noon ni Xian sa panayam niya sa Esquire Philippines, kasunod ng pag-amin niyang “dating” ang estado ng relasyon nila ngayon ni Iris.
Tinanong si Xian kung may katotohanan ang naglalabasang espekulasyong may relasyong namamagitan sa kanila ni Iris.
Sagot niya: “Yes, I’m seeing Iris.
“Just to clear everything, to clear all the speculations.
“We are seeing each other and we are very happy.
“These are the things that I want to clarify, number one: that there was a third party [involved in the breakup with Kim].
News
Chris Brown Co-Signs Controversial Theory About L.A. Wildfire Arson
He’s not the only celeb, either. Wildfires are decimating Los Angeles this week. Thousands have lost their homes, and even more have been forced to evacuate the area. Chris Brown is not one of the celebrities who sustained damage to L.A….
Chris Brown’s Ex-Manager Details How Team Navigated Rihanna Incident
Davis explained the difference in the public perception of Brown before and after the assault. Tina Davis, Chris Brown‘s ex-manager, has explained how their team handled his career after the assault of ex, Rihanna. During an interview with NandoLeaks, Davis recalled establishing…
Chris Brown Reveals He’s Currently In “Multiple” Relationships
Chris Brown was transparent during his recent visit to Kai Cenat‘s Mafiathon 2 stream, where he admitted to being in “multiple” relationships. The Nov. 2 streaming segment found Cenat fielding questions from his beloved chat, with one fan asking of Brown, “Are you in a…
Touching moment Chris Brown celebrates the 3rd birthday of his adorable youngest daughter Symphani
Chris Brown was in full-on daddy mode as he celebrated his youngest daughter, Lovely Symphani‘s third birthday on Monday (Jan. 6). The global superstar — fresh from his shows in South Africa and Brazil — made it to her “under the sea” themed party…
Chris Brown Just REVEALED Why He Started His Relationship With Tyla – This Will Surprise You.
Hey everyone, welcome back! Today, we’re diving into some truly intriguing news that’s been making waves across social media. Chris Brown, the R&B icon, has finally opened up about his blossoming relationship with rising star Tyla—and trust us, the details…
Nicki Minaj Shocks When She Suddenly Praises Chris Brown On Stationhead: “He’s This Generation’s Legend!”.nana
In a surprising twist during a recent session on Stationhead, Nicki Minaj made headlines by praising Chris Brown, declaring, “He’s this generation’s legend!” This unexpected endorsement has sparked a wave of reactions across social media and the music industry, as…
End of content
No more pages to load