Ginamit ni Vice Ganda ang segment tungkol sa mga dating magkarelasyon sa “It’s Showtime” para tulungan ang kanilang co-host na si Jackie Gonzaga na maka-move on mula sa breakup sa nobyo nito.
Nitong Miyerkules, hinayaan ni Vice si Jackie na siya ang magtanong sa dating magkarelasyon na guest sa segment na “EXpecially For You.”
Pero hindi inasahan ni Jackie na mag-isa lang siyang magtatanong sa segment kaya sinabihan niya si Vice na huwag siyang iwan.
Dito na sinabi ni Vice kay Jackie na; “Hindi kita iiwan, hindi ka namin iiwan.”
Gaya ng dati, may mga pitik si Vice kay Jackie tungkol sa pinagdadaanan nito, “Hindi naman ako nagkulang sa s’yo.”
Tiniyak ni Vice kay Jackie na nasa tabi lang sila ng iba pa nilang kasama sa noontime show.
“Gusto naming maramdaman mo na kahit mag-isa ka, sapat ka at kaya mo,” sabi pa ni Vice na tila payo tungkol sa kaniyang pinagdadaanan at sa pag-host niya na mag-isa sa segment.
Ang dating magkasintahan na guest sa segment, napag-alaman na walong taon tumagal ang relasyon pero naghiwalay.
Sa tono ng pagtatanong ni Jackie, mababakas ang panghihinayang niya sa relasyon na dapat umanong nag-grow na sa tagal ng kanilang pagsasama.
Ibinisto naman ni Jhong Hilario na pitong taon ang relasyon ni Jackie at nobyo nito, na halos katulad ng kanilang guests na dating magkasintahan.
Mapagkakamalan din na ang mga sinasabi ni Jackie para sa mga guest at tila mensahe rin niya sa sarili na dapat nag-mature na ang dalawa dahil sa tagal ng kanilang relasyon.
Sa isang punto ng segment, nagtanong si Vice na “how does it fee?”
Na mabilis na sinagot ni Jackie na, “Di ba masakit.”
Panaka-nakang natitigilan si Jackie at naiiyak, at nais nang ibalik kay Vice ang pag-host sa segment.
Pero sabi ni Vice, paraan iyon ng therapy upang mailabas ni Jackie ang kaniyang nais sabihin sa sarili na naipapadaan niya sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanilang guests.

Sabi ni Jackie, “Kahit anong nararamdaman mo everyday hindi naman mag-a-adjust yung mundo para sa sa’yo. So kailangan mong labanan yung pinagdadaanan mo at gawin yung dapat mong gawin sa buhay mo.”
Pero pag-amin niya, kahit hindi niya puwedeng ipakita sa iba ang kaniyang pinagdadaanan, pag-uwi niya sa bahay at nag-iisa na lang, “doon lang mararamdaman ang lungkot.”
Kaya naman sinabihan siya ni Vice na puwede nang ilabas ni Jackie ang kaniyang lungkot na kasama sila sa “It’s Showtime” na hindi siya nag-iisa.
Jackie at Kim
Nitong Lunes, nakita rin ng madlang pipol ang matinding emosyon nina Jackie at Kim Chiu sa naturang segment.
Gaya ni Jackie, galing sa breakup si Kim.
Sa naturang segment, tinanong ni Vice si Jackie kung ano ang kaniyang mararamdaman kung makita niya ang kaniyang ex na kasama ang bagong nobya.
“Iiwas ako. ‘Tapos, iyak na lang ako pag-uwi,” emosyonal na sagot ni Jackie.
Hindi rin mapigilan ni Kim na maging emosyonal sa pagkakataong iyon.
Hanggang sa tanungin ni Jackie si Kim, “Ano ba dapat gawin kung makikita mo siya, estado ng pagkatao mo ngayon, makikita mo siya, nakasalubong sa hallway kasama na niya ‘yung bago niya?”
Emosyonal na sagot ni Kim, “Haharap, siyempre… Hindi, ganu’n talaga. Hindi ka dapat tumatalikod sa mga bagay na magpapalakas sa iyo.”
Kasunod nito, nagyakapan ang dalawa, habang nagpaabot naman ng kasiyahan si Vice sa pagiging matatag ng dalawa.
“Diyan ako proud sa dalawang iyan. Masakit man, hinaharap nila. Kayang harapin, kahit hindi masyado sila komportable, hindi nag-aano… back-out, hindi iyan tumatalikod. Harapin natin ito. Kaya mga strong women iyang dalawang iyan,” sabi ni Vice.
News
Chris Brown Co-Signs Controversial Theory About L.A. Wildfire Arson
He’s not the only celeb, either. Wildfires are decimating Los Angeles this week. Thousands have lost their homes, and even more have been forced to evacuate the area. Chris Brown is not one of the celebrities who sustained damage to L.A….
Chris Brown’s Ex-Manager Details How Team Navigated Rihanna Incident
Davis explained the difference in the public perception of Brown before and after the assault. Tina Davis, Chris Brown‘s ex-manager, has explained how their team handled his career after the assault of ex, Rihanna. During an interview with NandoLeaks, Davis recalled establishing…
Chris Brown Reveals He’s Currently In “Multiple” Relationships
Chris Brown was transparent during his recent visit to Kai Cenat‘s Mafiathon 2 stream, where he admitted to being in “multiple” relationships. The Nov. 2 streaming segment found Cenat fielding questions from his beloved chat, with one fan asking of Brown, “Are you in a…
Touching moment Chris Brown celebrates the 3rd birthday of his adorable youngest daughter Symphani
Chris Brown was in full-on daddy mode as he celebrated his youngest daughter, Lovely Symphani‘s third birthday on Monday (Jan. 6). The global superstar — fresh from his shows in South Africa and Brazil — made it to her “under the sea” themed party…
Chris Brown Just REVEALED Why He Started His Relationship With Tyla – This Will Surprise You.
Hey everyone, welcome back! Today, we’re diving into some truly intriguing news that’s been making waves across social media. Chris Brown, the R&B icon, has finally opened up about his blossoming relationship with rising star Tyla—and trust us, the details…
Nicki Minaj Shocks When She Suddenly Praises Chris Brown On Stationhead: “He’s This Generation’s Legend!”.nana
In a surprising twist during a recent session on Stationhead, Nicki Minaj made headlines by praising Chris Brown, declaring, “He’s this generation’s legend!” This unexpected endorsement has sparked a wave of reactions across social media and the music industry, as…
End of content
No more pages to load