Nitong Miyerkules, October 30, nagtungo si Rita kasama ang kanyang abogado sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City upang pormal na ihain ang reklamo laban kay Archie.

Sa complaint affidavit na isinampa ni Rita, idinetalye niya ang umano’y pambabastos sa kanya ni Archie na naganap sa thanksgiving party ng aktres na si Bea Alonzo, na ginanap sa tahanan nito sa Quezon City noong September 9.
Ayon kay Rita, nagdalawang-isip pa raw siya noong una kung dadalo sa party dahil ihahatid pa niya ang kanyang ina sa ospital, pero nagpunta pa rin siya sa party dahil hindi raw niya kayang tanggihan si Bea.
Kaya kahit mag-ala-1 ng madaling araw na at kakagaling pa niya sa taping ng All-Out Sundays, nagpunta pa rin siya sa party.
Sa kanyang pagdating, una raw niyang napansin si Archie na tila lasing na.
Archie’s sexual remarks to Rita
Nagsimula siyang hindi maging komportable matapos magkomento ng malaswa si Archie nang makita siya.
Sinabi raw ni Archie, “Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-FCKBLE mo tonight ah!”
Hindi natapos dito ang mga malalaswang komento ni Archie nang gabing iyon, dahil nang mag-duet sila ni Royce Cabrera, muli raw humirit ang aktor.
Sumigaw ito ng : “Brad, tirahin mo na yan! Tang-ina Royce, tirahin mo na yan!”
Hindi na lang umano niya binigyang-pansin ang mga komento ni Archie.
Maging si Bea ay napansin ito at sinaway si Archie.
Archie, pilit hinalikan si Rita
Ngunit hindi rito natapos ang bangungot ni Rita, dahil nang hinatid siya ni Archie, mas malala pa ang ginawa nito sa kanya.
Kwento ni Rita, 2:30 ng madaling araw na siya nakauwi mula sa party.
Nag-book na siya ng Grab car pauwi nang bigla umanong huminto sa kanyang harapan ang isang puting SUV kung saan sakay si Archie.
Nag-offer si Archie na ihatid siya, ngunit tumanggi siya.
Ngunit nagpumilit ang aktor at iginiit pa na sobrang late na at baka pagsamantalahan pa siya ng Grab driver.
Pina-cancel ni Archie ang kanyang booking At sa pag-aakalang nahimasmasan na si Archie, pumayag na raw siyang magpahatid dito
Ani Rita, “Suddenly, a white SUV stopped in front of us, and when the window rolled down, I was surprised to see the Respondent (Archie Alemania) inside it, saying, ‘Tara na, sumakay ka na, ihatid na kita.’”
“Initially, I refused his offer since the Grab ride was already on its way, but Respondent insisted, saying, ‘Ano ka ba sobrang late na. Ma-rape pa ng Grab driver. Icancel mo na yan!’”
“Thinking that he was already sober and that he returned to being an elder brother who could safely take me home, I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride.”
Ngunit nagkamali nga si Rita sa kanyang desisyon.
Habang binabaybay nila ang Cavitex, nagsimula na raw ang pambabastos sa kanya ni Archie, kung saan hinawakan siya nito sa leeg at balikat.
Nagpupumiglas siya mula kay Archie at pilit iniiwasan hanggang sa marating nila ang kanyang bahay.
Ngunit hindi nagpatinag si Archie, dahil nang makababa siya sa sasakyan, humirit pa ito ng kiss mula sa kanya.
Muli siyang nagpumiglas, pero hindi tumitigil si Archie kahit ilang beses niyang tinulak ito, bagkus, pwersahan siyang hinila nito at hinalikan sa labi, kung saan inilabas pa raw ni Archie ang dila nito at pilit na isinisiksik sa kanyang bibig.
Pilit pa rin siyang kumakawala kay Archie, ngunit hindi tumitigil ang aktor.
Aniya, “Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop brushing his lips against mine against my will.”
Ang mas masaklap pa, bumulong si Archie ng, “Pa-booking naman, sige na.”
Samantala, matapos ang insidenteng ito, hindi pa agad umalis si Archie sa tapat ng kanyang bahay.
Tinext niya ito na umalis na dahil nakakadisturbo na ito sa kanyang mga kapitbahay dahil tumatahol ang mga aso.
Rita, nireport si Archie sa GMA Network
Agad na inireport ni Rita sa pamunuan ng GMA ang pambabastos na ginawa sa kanya ni Archie kinabukasan, kung saan humiling siyang alisin si Archie sa Widows’ War dahil na-trauma siya sa ginawa nito.
Dagdag pa rito, ibinunyag ni Rita na humingi pa si Archie sa kanya ng sorry sa text dahil sa ginawa nito, at idinahilan na lasing lang siya.
Kasalukuyang umeere pa rin ang programa, pero wala na si Archie rito, marahil ay agad na tinugunan ng GMA ang request ni Rita.
Sa ngayon, wala pang pahayag si Archie sa isinampang kaso ni Rita laban sa kanya.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Archie ay may asawa na, ang TV actress-host na si Gee Canlas, at mayroon silang isang anak na lalaki.
You may also like:

Rita Daniela, sinisi ng mga netizens kung bakit binastos ni Archie
News
Chris Brown Co-Signs Controversial Theory About L.A. Wildfire Arson
He’s not the only celeb, either. Wildfires are decimating Los Angeles this week. Thousands have lost their homes, and even more have been forced to evacuate the area. Chris Brown is not one of the celebrities who sustained damage to L.A….
Chris Brown’s Ex-Manager Details How Team Navigated Rihanna Incident
Davis explained the difference in the public perception of Brown before and after the assault. Tina Davis, Chris Brown‘s ex-manager, has explained how their team handled his career after the assault of ex, Rihanna. During an interview with NandoLeaks, Davis recalled establishing…
Chris Brown Reveals He’s Currently In “Multiple” Relationships
Chris Brown was transparent during his recent visit to Kai Cenat‘s Mafiathon 2 stream, where he admitted to being in “multiple” relationships. The Nov. 2 streaming segment found Cenat fielding questions from his beloved chat, with one fan asking of Brown, “Are you in a…
Touching moment Chris Brown celebrates the 3rd birthday of his adorable youngest daughter Symphani
Chris Brown was in full-on daddy mode as he celebrated his youngest daughter, Lovely Symphani‘s third birthday on Monday (Jan. 6). The global superstar — fresh from his shows in South Africa and Brazil — made it to her “under the sea” themed party…
Chris Brown Just REVEALED Why He Started His Relationship With Tyla – This Will Surprise You.
Hey everyone, welcome back! Today, we’re diving into some truly intriguing news that’s been making waves across social media. Chris Brown, the R&B icon, has finally opened up about his blossoming relationship with rising star Tyla—and trust us, the details…
Nicki Minaj Shocks When She Suddenly Praises Chris Brown On Stationhead: “He’s This Generation’s Legend!”.nana
In a surprising twist during a recent session on Stationhead, Nicki Minaj made headlines by praising Chris Brown, declaring, “He’s this generation’s legend!” This unexpected endorsement has sparked a wave of reactions across social media and the music industry, as…
End of content
No more pages to load