“PBB Gen 11,” nagtala ng panibagong all-time online viewership record (PO)

Panibagong all-time online viewership record ang naitala ng “Pinoy Big Brother Gen 11” matapos tumabo ng mahigit 522,000 concurrent viewers sa Kapamilya Online Live via YouTube ang eighth eviction episode nito noong Sabado (Setyembre 21).

PBB Gen 11 viewership

Sa nasabing episode natunghayan ang pagbabalik ni Jas sa outside world matapos lamang makakuha ng 23.44% votes to save, kumpara kina Kolette na may 40.42% habang si JM ay nakakalap ng 36.14%.

Ngayong linggo naman masusubok ang pagkakaibigan ng mga Housemate nang atasan sila ni Kuya na mag-pares silang pinakamalapit sa isa’t isa at harapin ang kanilang trick shot weekly task. Haharap ang mag-pares na Housemates na mapagtagumpayan ang kanilang mapipiling trick shot challenge sa loob ng walong oras.



Kapalit nito ay P10,000 kapag napagtagumpayan nila ang task, subalit isa lang sa mag-pares ang mag-uuwi nito para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Abangan ang latest updates sa “Pinoy Big Brother Gen 11” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News