Maureen Wroblewitz on Shay Mitchell denying her Filipino roots (PO)

Maureen Wroblewitz and Shay Mitchell

Tahasang kinuwestiyon ng model-beauty queen na si Maureen Wroblewitz, 26, ang Hollywood actress na si Shay Mitchell, 37, matapos nitong itanggi ang pagkakaroon ng dugong Pilipino.

Naging kontrobersiyal kamakailan si Shay dahil itinanggi nito on television ang kanyang pagiging half-Filipino.

Sa kanyang American TV show na Thirst With Shay Mitchell, may pahayag ang Canadian-born actress na “My dad’s Irish. My mom’s Spanish.”

Dahil dito, umani siya ng batikos sa social media at naging laman ng foreign news sites.

Naging topic of discussion din sa foreign TV programs ang pagtanggi ni Shay sa kanyang Filipino ethnicity.

Si Shay ay naging tanyag dahil sa popular Hollywood TV series na Pretty Little Liars, gayundin sa You sa Netflix.

Ang kanyang amang si Mark Mitchell ay Irish, habang pure-blooded Filipino ang kanyang inang si Precious Garcia.

MAUREEN WROBLEWITZ TAKES A SWIPE AT SHAY

Bagamat ilang linggo na ang nakakaraan mula nang pag-usapan ang ginawang pagtanggi ni Shay, kamakailan ay naglabas ng kanyang opinyon tungkol dito si Maureen, isang Filipino-German TV personality at beauty queen.

Nag-post si Maureen sa kanyang TikTok account.

Ipinakita niya sa post ang episode ng travel show ni Shay, kung saan ginawa nito ang pagde-deny sa kanyang Filipino roots.

Pahayag ni Maureen na napakamot ng ulo: “I am watching Thirst With Shay Mitchelle and she just said that her father is Irish and her mother is Spanish? Girl, I thought you were a Filipino! What?”

Kalakip nito ay ang mahabang caption ni Maureen.

Na-confuse daw siya sa naging pahayag ni Shay.

Pagkatapos, inihayag ni Maureen na suwerte siyang hindi siya nakaranas ng diskriminasyon dahil sa pagiging half-Pinoy.

Naging proud daw siya sa kanyang pagiging Pinay habang lumalaki sa ibang bansa.

Sabi ng Asia’s Next Top Model Cycle 5 winner (published as is), “maybe I’m privileged to have never been picked on for being filipino..

“I grew up in saudi with people from all over the globe and when I was in Germany, I was the only Asian in my class.

“Most people in my school had never heard of the Philippines but I would be so proud to educate them.

“Maybe I was lucky that my classmates were actually pretty curious and open to learning.”

Maureen Wroblewitz

Malaki raw ang kinalaman ng ina ni Maureen para maging proud siya sa kanyang Filipino blood.

Aniya, “I grew up loving and embracing my Filipino culture thanks to my Mom. My sisters and I up to this day get so excited to hear of someone else’s Filipino background because of our Pinoy pride”

Sana raw ay mas marami pang may dugong Pinoy na naninirahan sa ibang bansa ang hindi ikinahihiya ang pagiging Pinoy.

“I hope more Filipinos abroad get to heal from their trauma, learn to embrace our beautiful culture and hopefully teach their children as well”

Ginamit pa ni Maureen ang hashtags na #proud at #filipino.

SHAY’S DARK PAST BECAUSE OF HER ETHNICITY

Sa isang YouTube interview noong 2016, inilahad ni Shay ang naranasang bullying dahil sa kanyang pagiging Pinay.

Ang YouTube interview ay may titulong “Shay Mitchell on Embracing her Filipina Heritage.”

Inamin niya ritong dati niyang itinago ang kanyang pagiging Pinay.

Nagkaroon daw siya ng insecurities dahil sa pagiging “too Filipina” dulot ng kanyang kulay.

Ikinuwento rin ni Shay na nakaranas siya noon ng bullying mula sa mga kaklase, pero kalaunan ay tinanggap daw niya ang kanyang tunay na pinagmulan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News