Ayon kay Bayani, “Thank you po sa humility na ibinibigay niyo sa amin. Papatuloy niyo pong ibibigay sa amin ‘yan. Patuloy n’yo po kaming bigyan ng pusong mapagmahal. Salamat po sa kalusugan, lahat ng bagay. Huwag niyo po kaming hayaang maging hambog o mayabang. Lagi po kaming magpapakumbaba at tutulong sa aming kapwa dito po sa industriya at sa labas ng industriya.”
Tila hindi naman naiwasan ni Vice Ganda na sagutin ang patutsada ni Bayani Agbayani. Noong nakaraang araw ay pabirong sinabi ni Vice Ganda, habang nagkukwentuhan sila sa It’s Showtime, na akala umano ni Anne Curtis na nanood siya ng three o’clock hobbit dahil may napapanood siyang nananalangin.
May balak yata si Bayani Agbayani na gumawa ng segment sa Lunch Out Loud na parinigan serye dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagpapatutsada sa mga host sa It’s Showtime. Lalong-lalo na kay Vice Ganda.