Waging-wagi ang “Anakabogerang Influencer ng Mandaluyong City” na si Fyang matapos hiranging Big Winner sa makasaysayang Big Night ng “Pinoy Big Brother Gen 11” noong Oktubre 26 na nagtala ng mahigit 2.26 milyong live online viewers sa YouTube at Facebook ng ABS-CBN Entertainment.
Nakakuha si Fyang ng pinakamataas na public votes with 30.66% para maging ika-18 na Big Winner ng sikat na reality show. Mag-uuwi siya ng bagong house and lot at P1 milyong cash.
Lubos ang pasasalamat ni Fyang sa mga sumuporta sa kanya. Aniya, “I can’t believe this! I want to thank every one of you, who has supported me since day one. I did it!”
Gumawa ng kasaysayan ang “PBB Gen 11” sa pagtala nito ng pinakamataas ng live online views noong Big Night kung saan tinutukan ng mga manonood kung sino ang hihiranging Big Winner.
Balikan ang ilang best moments ng “PBB Gen 11” sa Pinoy Big Brother official YouTube channel at on-demand via iWantTFC.