
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang Kapuso TV host-actor na si Dingdong Dantes tungkol sa hindi mamatay-matay na isyung may anak diumano siya sa aktres na si Lindsay de Vera.
Sa panayam ni Dingdong sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, May 9, 2024, tahasan niyang pinabulaanan ang matagal nang balita.
Ito ay sa gitna ng naglalabasang videos sa social media tungkol sa umano’y nakaraan nina Dingdong at Lindsay.
Tanong ng host na si Boy Abunda kay Dingdong: “Lumabas na ang balitang ito, nasa social media, ikaw ay may anak kay Lindsay de Vera?”
Diretsahang sagot ng aktor: “Wala po. Hindi po totoo.”
Pagtatapat ng Family Feud host, bago siya sumalang sa interview ni Boy ay nagdalawang-isip siya kung babalikan pa ang matagal nang isyu tungkol sa kanila ni Lindsay.
Nakasisiguro raw kasi siyang maitatanong ito lalo pa’t muli na namang kumalat online ang vlogs na naglalaman ng balita tungkol sa kanila ni Lindsay.
Pagbabahagi ni Dingdong: “Sa totoo lang, nagdadalawang-isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue, kasi alam kong baka tanungin ninyo, e.
“Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa akin na mga kaibigan, mga kamag-anak, yung mga nagmamalasakit po sa akin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay—responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga po ang aspetong ito para sa akin.”
Mabuti na rin daw magsalita na siya makalipas ang ilan taong pananahimik para sa kapakanan ng kanyang pamilya, lalo na ng asawa niyang si Marian Rivera.
Paliwanag niy Dingdong: “I have a responsibility sa aking pamilya to clear things like this.
“I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true.
“Sa totoo lang, noong una pinagtatawanan lang naman namin ‘to, kami ni Marian.
“Pero dumating na nga rin sa punto na marami nang nakakapanood [sa mga naglalabasang video]. Siyempre, natural lang din na may magtatanong sa akin.
“Kaya, yeah, once and for all, I’m clarifying na hindi siya totoo.”
DINGDONG DANTES wondeRS why RUMOR DOES NOT DIE
Maging si Dingdong ay hindi rin daw alam kung bakit hindi matapus-tapos ang pagkaka-link niya kay Lindsay, kahit na siya’y pamilyado nang tao.
“I really have no idea,” pagtatapat ni Dingdong.
“Mahirap magbigay ng mga espekulasyon tungkol diyan dahil, sa totoo lang, first time ko na mapunta sa ganitong sitwasyon.”
Ganunpaman, umaasa raw ang aktor na sa kanyang pagsasalita ay matuldukan na ang isyu sa kanila ni Lindsay, para na rin sa kapayapaan ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Sabi ni Dingdong, “I think, I’m okay that I clear it because kailangan po talaga dahil mahal ko ang pamilya ko, kailangan na maging klaro yung mga bagay na ganito.”
LINDSAY DE VERA DENIES ISSUE linking her to Dingdong Dantes
Bago pa magsalita si Dingdong Dantes ay makailang beses nang pinabulaanan ni Lindsay de Vera ang pag-iintriga sa kanila ng aktor, bilang respeto sa asawa nitong si Marian.
Nagbabala pa si Lindsay noon sa publiko na sasampahan niya ng demanda ang mga taong nagpapakalat ng malisyosong balita tungkol sa kanila ni Dingdong.
Taong 2021 nang magsimulang umugong ang balitang si Lindsay ay nabuntis ni Dingdong.
Noong mga panahong iyon ay malapit sa isa’t isa ang dalawa dahil sa mga proyektong kanilang pinagsamahan.
Sina Dingdong at Lindsay ay nagkasama sa mga prime-time series sa GMA-7 na Pari Koy (2015) at Alyas Robin Hood, na nagkaroon ng dalawang seasons na umere mula September 2016 hanggang November 2017.
Dingdong Dantes and Lindsay de Vera in Alyas Robin Hood
Sa eksklusibong panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lindsay noong August 8, 2022, inamin niyang nobyo na niya noon si Kurt Kendrick nang pumutok ang isyu sa kanila ni Dingdong.
Lahad ng aktres, “I was with Kurt na when it came out. So, kaming dalawa, we were laughing.
“And he actually commented on the post, and sabi niya, ‘Grabe, naunahan pa ako ha!’
“Tapos, we were just laughing, and then he posted a picture.
“When that came out kasi, we were at the gym, nagwo-workout kami together, and then he took a picture of us working out, and he posted it.
“And sabi niya, ‘Grabe, naunahan pa ako, ha. Buntis yarn?’ And it was a picture of me na naka-sports bra and naka-jogger pants. So, parang he was trying to say na, ‘Wow! Buntis talaga siya.'”
Sa palagay ni Lindsay, paano lumabas yung issue?
Tugon niya, “Initially, I don’t think na it was tagged to me. I think in the article, there was a blind item about this famous person and then young star, so I think people just tried to connect it to me and Kuya Dong somehow.
“I don’t know… for me, pinagtatawanan ko na lang siya ngayon.
“Natatawa nga ako kasi when my boyfriend introduces me to other people, he introduces me as the shows I’ve done with GMA.
“Tapos, like, parang medyo blurry pa yung pagkakaalala nila sa akin, tapos ang sasabihin niya, ‘Siya yung na-issue kay Dingdong.’
“And they will be, like, ‘Ah, oo! Kilala ko siya.’ And I’m, like, ‘Ikaw talaga! Yun talaga yung ginagawa mong pang-intro sa ‘kin, ha.’
“Yeah, so it’s just… wala, it was just a fun memory na lang to think and talk about.”
News
Chris Brown Co-Signs Controversial Theory About L.A. Wildfire Arson
He’s not the only celeb, either. Wildfires are decimating Los Angeles this week. Thousands have lost their homes, and even more have been forced to evacuate the area. Chris Brown is not one of the celebrities who sustained damage to L.A….
Chris Brown’s Ex-Manager Details How Team Navigated Rihanna Incident
Davis explained the difference in the public perception of Brown before and after the assault. Tina Davis, Chris Brown‘s ex-manager, has explained how their team handled his career after the assault of ex, Rihanna. During an interview with NandoLeaks, Davis recalled establishing…
Chris Brown Reveals He’s Currently In “Multiple” Relationships
Chris Brown was transparent during his recent visit to Kai Cenat‘s Mafiathon 2 stream, where he admitted to being in “multiple” relationships. The Nov. 2 streaming segment found Cenat fielding questions from his beloved chat, with one fan asking of Brown, “Are you in a…
Touching moment Chris Brown celebrates the 3rd birthday of his adorable youngest daughter Symphani
Chris Brown was in full-on daddy mode as he celebrated his youngest daughter, Lovely Symphani‘s third birthday on Monday (Jan. 6). The global superstar — fresh from his shows in South Africa and Brazil — made it to her “under the sea” themed party…
Chris Brown Just REVEALED Why He Started His Relationship With Tyla – This Will Surprise You.
Hey everyone, welcome back! Today, we’re diving into some truly intriguing news that’s been making waves across social media. Chris Brown, the R&B icon, has finally opened up about his blossoming relationship with rising star Tyla—and trust us, the details…
Nicki Minaj Shocks When She Suddenly Praises Chris Brown On Stationhead: “He’s This Generation’s Legend!”.nana
In a surprising twist during a recent session on Stationhead, Nicki Minaj made headlines by praising Chris Brown, declaring, “He’s this generation’s legend!” This unexpected endorsement has sparked a wave of reactions across social media and the music industry, as…
End of content
No more pages to load