Why did Ai-Ai delas Alas cry in front of Alden Richards?/th

Why did Ai-Ai delas Alas cry in front of Alden Richards?

Ai-Ai: “Nakita ko si Alden. E, close yun sa akin, e, tsaka close rin yun kay ex.”

ai-ai delas alas alden richards

Ai-Ai delas Alas (left) on Alden Richards (right) witnessing her breakdown on the day her husband Gerald Sibayan broke up with her: “Nag-Viber siya sa akin, e. Sabi niya, ‘Kung ano yung pinagdadaanan mo Miss Ai, okay lang yan.’ Sabi pa niya, ‘Naiintindihan kita.'”
PHOTO/S: YouLOL on YouTube / Instagram
Ibinuking ni Ai-Ai delas Alas na naibunton niya kay Alden Richards ang kanyang lungkot nang makipaghiwalay sa kanya ang asawa niyang si Gerald Sibayan.

Kuwento ni Ai-Ai, napahagulgol siya sa iyak sa mismong harapan ni Alden nang makita niya ito sa mismong araw na matanggap niya ang text message ni Gerald na makikipaghiwalay na ito sa kanya.

gerald sibayan ai-ai delas alas breakup

Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan 
Photo/s: Ai-Ai delas Alas Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang rebelasyon ng Comedy Queen nang balikan niya ang ilang detalye tungkol sa masalimuot na hiwalay nila ng kanyang estranged husband, nang mag-guest siya sa YouLOL Originals podcast na Your Honor, hosted by Tuesday Vargas at Buboy Villar, nitong Sabado, December 14, 2024.

Pagtatapat ni Ai-Ai maging siya ay nagulat nang bigla-biglang magdesisyon si Gerald na tapusin ang sampung taon nilang relasyon.

Ang masaklap pa raw dito, nakipaghiwalay sa kanya si Gerald via text message habang ito ay nasa Amerika at siya naman ay nasa Pilipinas.

Nang mabasa ang breakup messages sa kanya ni Gerald, halu-halong emosyon daw ang nararamdaman ni Ai-Ai, lalo na’t noong araw na ring iyon ay naka-schedule ang kanyang birthday special sa musical variety show ng GMA-7 na All Out-Sundays.

Pagbabalik-tanaw ng premyadong aktres, “Yung araw na sinabi niya sa akin na ayaw na niya ganyan-ganyan, ano yon, taping yun ng AOS (All-Out Sundays), birthday special ko.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“My gosh sabi ko non [sa sarili ko], ‘Dyusko, sana maitawid ko ito.'”

AI-AI ENCOUNTERS WITH ALDEN

Sa awa naman daw ng Diyos ay naitawid ni Ai-Ai ng matiwasay ang kanyang birthday production nang wala ni-isang nakakahalata sa kanyang pinagdaraanan.

Hanggang sa makita raw niya si Alden.

Pagbabahagi ni Ai-Ai: “E, di ito na, naitawid ko na nga yung show. Walang hiya, nakita ko si Alden Richards.

“Nakita ko si Alden. E, close yun sa akin, e, tsaka close rin yun kay ex. So, nung nakita ko siya parang ano ba yan. Kasi, di ba, kapag may pinagdaraanan ka, masyado kang emotional.

“So noong nakita ko siya, humagulgol ako [sa iyak].”

Kitang-kita raw ni Ai-Ai ang pagkataranta ni Alden nang makita siya nitong umiiyak, kaya’t agad-agad siya nitong niyakap at tinanong.

“Sabi niya [Alden], ‘Bakit Miss. Ai? Bakit ka umiiyak?’

“Sabi ko na lang, ‘Na-miss kita,” saad ni Ai-Ai.

Pagpapatuloy pa niya, “Parang ako naman, pagkatapos non sabi ko, ‘Bakit naman ako umiyak nang ganon tas na-miss ko siya, ano ba namang dahilan yon.'”

ALDEN SENDS COMFORTING MESSAGES TO AI-AI

Bagama’t hindi sinabi ni Ai-Ai kay Alden ang totoong dahilan ng kanyang pag-iyak, ramdam daw niya ang concern sa kanya ng Pulang Araw star dahil agad-agad daw siya nitong minessage.

Ani Ai-Ai, “Nakakutob [yon], nag-Viber siya sa akin, e. Sabi niya, ‘Kung ano yung pinagdadaanan mo Miss Ai, okay lang yan.’ Sabi pa niya, ‘Naiintindihan kita.’

“Kasi hindi ko talaga sinabi sa kanya yung totoo, kahit sa Viber sabi ko lang, nami-miss ko siya.

“Alam ko naman na alam niyang hindi totoo yon. Kasi naman nami-miss mo yung tao, humahagulgol ka, di ba, dapat tawa ka nang tawa?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba kasi yung iyak noong nakita ko siya, e, para bang, ‘Namatay na ba ako?'”

Sundot na tanong ng host na si Buboy Villar, “Ate Ai, paano niyo po nakayanan? Kasi parang ang hirap po kasi nung pakiramdam na ganun?”

Tugon ng aktres: “Lutang naman talaga ako noon pero kailangan ko kayanin, kasi wala naman akong magagawa nandun ako sa AOS. Tapos kailangan ko mag-work and birthday celebration ko pa yun.

“So okay lang na umiyak ako kasi parang na-touch ako doon, although na-touch naman talaga ako sa [birthday surprise nila].

“Natatawa na lang din ako kapag naiisip ko ngayon.”

AI-AI DELAS ALAS-GERALD SIBAYAN BREAKUP

Sa mismong ika-60 kaarawan ni Ai-Ai noong November 11, kinumpirma ng Comedy Queen ang masalimuot na kinahantungan ng sampung taon nilang relasyon ni Gerald.

Isinapubliko ito ni Ai-Ai nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwiran umano ni Gerald, gusto niyang magkaroon ng anak at hindi na siya masaya sa piling ni Ai-Ai.

“Medyo confused ako, shocked.

“‘Bakit ngayong oras na ito? Sana hinintay mo muna akong makauwi sa Amerika.’ Maraming bakit.”

Pagpapatuloy ni Ai-Ai, “In fairness, wala naman talaga kaming pinag-aawayan.

“Actually, sa buong [panahon] ng pagsasama namin, bilang sa daliri yung… discussion nga, e, hindi away. So, parang nagulat ako.

“Why ngayon? Anong meron sa October? Anong meron sa araw na ito? Bakit madaling-araw dito [sa Pilipinas]?

“Sumasagot ako sa chat niya, pero nag-sink sa akin nung umaga na.

“Siyempre, initial reaction ng asawa, nagalit muna ako. Sini-sink ko muna, ano ba itong nangyari?”

Mula noon, hindi na sila nagkita o nagkausap nang personal.

Nang bumalik si Ai-Ai sa tahanan nila sa Amerika ni Gerald noong October 27, wala na rin ang kanyang estranged husband.

Aminado si Ai-Ai na tampo ang una niyang naramdaman nang mabasa ang text message ni Gerald na hindi na ito masaya at gusto na nitong magkaroon ng anak.

Ani Ai-Ai, “Yun ang tampo ko, the word is tampo.

“Kasi alam naman niya na bago niya ako pakasalan, hindi na ako magkakaanak, but I really tried my best.

“Meron kaming in vitro [fertilization]. Kahit mahina yung eggs ko, tina-try ko na mag-IVF.

“And then, meron kaming tatlong embryo, may name yon—si Graine, Gale… Meron pa kaming isa, si Gold. Meron pa kaming isang embryo.”

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Ai-Ai ang pagpatak ng kanyang luha.

Pagpapatuloy niya, “Sabi ko sa kanya, kapag nagkapera kami, isu-surprise ko sana siya na ilalagay ko yung baby para meron kaming anak. Para magkaroon kami ng baby.

“Siguro yun ang nag-trigger sa kanya na ayaw niya ng surprise na bibigyan ko siya ng baby. Kasi, di ba, may isa pa kaming embryo, si Gold?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sinabi niya na nasasaktan siya na nawala yung dalawa naming baby.

“Sabi ko pa nga sa kanya, ‘May isa pa tayo, si Gold. Anak mo rin yon. Yun ang i-try natin [na mabuo],’ pero ayaw niya.”

Ikinasal sina Ai-Ai at Gerald noong 2017 pagkatapos ng tatlong taong relasyon bilang magkasintahan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News