Janice de Belen on being slapped by Maricel Soriano
Janice on being slapped by Maricel: “May pula talaga sa mukha.”

Janice de Belen (right) says Maricel Soriano (left) does not fake slapping scenes. Janice recounts that she was really hurt when she and Maricel starred in the 1988 movie, “Babaeng Hampaslupa” (insert).
PHOTO/S: YouTube (Maricel Soriano, Just Gelli)
Pinatotohanan ni Janice de Belen na walang daya at masakit manampal si Maricel Soriano pagdating sa eksena.
Nagbahagi si Janice ng kanyang karanasan kasama ang Diamond Star nang magkasama sila sa 1988 movie, Babaeng Hampaslupa.
Bumida rito sina Maricel, Janice, Rowell Santiango, at Richard Gomez.
“Nasubukan niyo na bang masampal ni Maricel Soriano?” sabi ng natatawang si Maricel sa Wala Pa Kaming Title vlog noong November 9, 2022.
Gumanap na magkapatid sina Maricel at Janice. Sa isang eksena, sinugod ni Maricel si Janice nang mabuntis siya ng character ni Rowell, na dating karelasyon ni Maricel.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“May eksena kami sa Babaeng Hampaslupa. Kami ni Rowell Santiago, galit siya [Maricel].
“So talagang, alam mo yung dalawa kayong nasampal sa isang sampal?” pagbabalik-tanaw ni Janice.
Sobrang nadala raw si Maricel sa eksena na ang sampal niya kay Janice ay umabot kay Rowell.
“Kasi galit na galit siya! Kapag sumampal pa naman si Maria… kasi kahit maliit siya, she’s very strong,” ani Janice.
“E, yung eksena niya galit na galit siya. So up na up yung energy niya.”
Hirit pa ni Janice, dalang-dala si Maricel sa eksena dahil nasaktan siya.
“Pero in fairness, wala kaming problema sa pag-iyak after noon kasi ang sakit.
“Pero may pula talaga sa mukha,” sundot ni Janice.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
NO TO FAKE SAMPALAN
Sa kabilang banda, ibinahagi rin ni Janice na hindi niya kayang dayain ang pagsampal sa mga eksena.
“Hindi ako marunong mandaya ng sampal, hindi talaga, promise,” kuwento ni Janice.
“Pag nananampal ako, ang unang-unang requirement ko, tinatanong ko muna. Di ko pala tinatanong, sinasabi ko, ‘Hindi ako marunong mandaya, tatamaan ka dito, okey ka ba?’”
Inuunahan na nga raw niya ang mag-sorry sa kaeksena bago pa sila mag-take.
“Lagi akong may, ‘Sorry na. Sorry kasi hindi ko alam kung anong klaseng sampal ang dadapo sa iyo.’
“Because of emotion, di ba? Hindi ko alam kung hindi masakit, kung masakit…”
Pag-amin ni Janice, “Marami na akong nasampal. Masakit akong manampal, apparently.”
News
DUMIPENSA NA! CESAR MONTANO GALIT NA BlNUGBUG SI ATONG DAHIL SA PAGLUSTAY NITO SA PERA NI SUNSHINE!/th
OMG Cesar Montano matapang na dumipensa matapos malaman ang ginawa ni atong ang sa dating kasintahan nitong si Sunshine Cruz tila ngayong araw nga lang ginulantang ni Cesar Montano ang lahat ng protektahan nito ang dating kasintahan na si Sunshine…
ANAK NI SUNSHINE CRUZ, MAY BWELTA SI ATONG ANG SA ISYUNG PAG-WALDAS NG PERA AT ARI-ARIAN NI ATONG/th
Anak ni Sunshine Cruz Matapang na sinupalpal si Atong ang sa isyung paggastos ng pera at ari-arian Atong ang hindi nagpaawat at may matinding buwelta sa mag-inang cruise Nagising ako na parang tapos na eh Tsaka huwag niyo na pilitin…
ATONG ANG, ISINUGOD SA OSPITAL MATAPOS KOMPRONTASYON KAY SUNSHINE CRUZ!/th
atong ang isinugod sa ospital matapos ang matinding komprontasyon kay Sunshine cruise tres iginiit na hindi pera ang habol kundi tunay na pagmamahal is gulo namin ng EXO e pero kayao ba sabi ko noun EO ubusan na tayo…
SUNSHINE CRUZ, UMAMING BUNTIS KAY ATONG ANG! MATINDING PASABOG at USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA! /th
Sunshine cruise umaming buntis kay atong ang isang matinding pasabog sa showbiz usap-usapan ngayon sa social media yung mga taong yon na yung mga taong makakasama mo on your way down nagising ako na parang Tapos na eh Tsaka Sunshine…
ATONG ANG PINALAYAS si SUNSHINE CRUZ at MGA ANAK matapos BIGLAANG HIWALAYAN! /th
atong ang Pinalayas na sa bahay ang mag-inang sina Sunshine cruise at ang kanyang mga anak matapos ang kanilang biglaang paghihiwalay kami na magkakakilala rito okay Number one ako Tapos na eh Tsaka huwag niyo ng pilitin yan Hwag niyo…
LAGOT NA! ANAK NI SUNSHINE NAGSALITA NA SA GINAWANG PANGHAHALAY NI ATONG SA KANIYA!/th
Lagot na anak ni Sunshine Cruz idinetalye na ang ginawa sa kanya ni atong ang Cesar Montano hindi kinaya tila ka Kailan nga lang usap-usapan sa mundo ng showbiz ang anak ni Sunshine na si Angelina Cruz matapos umanong mapabalitang…
End of content
No more pages to load