WATCH: Lotlot de Leon, bakit nilalayo ang kanyang Lebanese fiancé sa showbiz?
Sa tinagal-tagal ng Lotlot de Leon sa showbiz, natutunan na niyang ihiwalay ang career sa kanyang personal na buhay.
Tinaguriang showbiz royalty ang award-winning actress na si Lotlot de Leon bilang anak nina Superstar Nora Aunor at Christopher de Leon.
Isang bukas na libro ang buhay ng pamilya ni Lotlot at hindi maiiwasan na mapag-usapan ito. Sa tinagal-tagal ng aktres sa showbiz, natutunan na niyang ihiwalay ang career sa kanyang personal na buhay.
Isa na rito ang pag-iwas niya sa mga kwestiyon tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at ang pagbahagi ng kanyang relasyon sa kanyang Lebanese businessman boyfriend na si Fadi El Soury.
“Isa [sa] mga natutunanan ko in the industry na ihiwalay ‘yung personal doon sa pampubliko, especially I’m in a relationship with someone who’s not in the industry, parang respeto ko na lang din sa kanya para ‘yung buhay ko na lang ang guluhin, hindi na ‘yung sa kanya,” saad ni Lotlot sa report ng Unang Hirit.
Samantala, ikakasal na rin na si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista sa kanyang non-showbiz telecom executive girlfriend na si Kat Ramnani. Magiging intimate rin daw ang kanilang selebrasyon.