SHOCKING: Shayne Sava admits the whole truth about what she had to sacrifice to get the lead role in Mommy Dearest, revealing many horrifying details./th

Shayne Sava not the first choice for lead role in Mommy Dearest

Mommy Dearest airs starting today, February 24, at 3:20 P.M. on GMA-7.

Shayne Sava on comeback project Mommy Dearest

StarStruck VII winner Shayne Sava feels the challenge of doing her role in new Kapuso afternoon drama series Mommy Dearest.
PHOTO/S: Arniel Serato
Masayang-masaya ang StarStruck VII female ultimate survivor na si Shayne Sava na siya ang napiling maging bida sa bagong GMA afternoon drama series na Mommy Dearest.

Pero sa ginanap na mediacon noong nakaraang linggo, inamin ni Shayne na hindi siya ang unang choice para gumanap sa kanyang role.

Lahad ng Kapuso young actress: “Grabe po. Kasi ano po, e, parang hindi po talaga dapat ako yung nandito.

“Tapos nung sinabi po nila na kasama po ako dito sa project na ito, sobra po akong natuwa.

“Kasi, yun nga po, mayroon po katulad na parang ganito din na movie.”

Ang tinutukoy ni Shayne ay isang documentary na tumatalakay sa Munchausen syndrome by proxy, isang psychological disorder kung saan ang isang nag-aalaga, kadalasan ay mga magulang, ay nag-iimbento ng karamdaman ng isang kamag-anak para makakuha ng atensiyon.

Pagpapatuloy ni Shayne: “So, fan po ako ng movie na yun.

“Tapos pinanood ko po yung documentary.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung real-life movie na yun, pinanood ko yung documentary niya.

“So, nung nalaman ko po na parang ganun din yung gaganapan ko, sobra po akong natuwa.

“Kasi, yun nga po, fan po ako.

“Tapos very challenging po yung role dahil may iba’t iba po siya sa ibang characters.”

Ginagampanan ni Shayne sa Mommy Dearest ang role ni Mooki, na may seryosong karamdaman mula noong bata pa siya.

Inaalagaan siya ng kanyang inang si Olive, na ginagampanan naman ni Camille Prats.

Saad ni Shayne: “Yung naranasan ni Mookie, very traumatizing.

“Tapos ang dami niyang pinagdaanan na hindi na… parang kung ikaw, kung ilalagay mo dun sa sitwasyon mo kay Mookie, parang gusto mo na lang sumuko.

“Pero nakayanan niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Shayne sa mediacon para sa Mommy Dearest noong nakaraang Martes, February 18, sa GMA Network Center.

(L-R) Katrina Halili, Shayne Sava, Camille Prats, and Dion Ignacio during Mommy Dearest mediacon

Photo/s: Arniel Serato

L-R: Katrina Halili, Shayne Sava, Camille Prats, and Dion Ignacio during Mommy Dearest mediacon

SHAYNE SAVA, MOMMY DEAREST STARS TALK about LOVE LANGUAGES

Sa press junket, nagbigay ng kanilang kuru-kuro ang cast ng Mommy Dearest tungkol sa love languages sa buhay nila bilang magulang o kaya anak.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Katrina, na may isang anak na babae: “Kasi feeling mo pag binibigay mo yung gusto ng anak mo, okay, e, di ba, napapasaya mo siya?

“Pero ayun, mali nga, maling-mali. So, natuto na ako na maging strict.

“Dati kasi, parang, dahil siyempre busy ako sa trabaho, so parang nai-spoil ko masyado.

“Siyempre makikita mo, siyempre pag sobrang spoiled, maraming mali.

“Kailangan mo tiisin. Kailangan mo talaga tiisin kasi hindi dapat binibigay lahat ng gusto nila.

“Kasi paano pag may time na hindi mo puwedeng ibigay sa kanila, magwawala sila.”

Si Shayne naman, bilang anak, ay naiintindihan na raw ngayon kung bakit siya hinihigpitan noon ng kanyang ina.

Saad niya: “Ako po talagang, there are times before, yung mama ko, hindi ko siya naiintindihan.

“Bakit niya ako pinagbabawalan? Bakit hindi mo ako payagan sa kung ano yung gusto kong gawin?

“Yung parang naisip ko lang na, ‘Ano ba yan? Hindi na naman ako pinayagan. Bakit may curfew ako? Bakit ganito? Bakit ganun? Bakit masyadong mahigpit?’

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero nung ngayon, nung nagkaroon na… nung medyo nag-mature-mature na ako, tsaka ko lang nagi-gets na, ‘Kaya pala, kaya pala, kaya pala niya ako pinaghihigpitan.’

“Kaya pala, ganun, ganun na lang niya ako, ganun na lang siya pa-strict dati was because she’s protective.

“And she just wants the best for me, na gusto niya lang maging maayos yung buhay ko.

“At alam mo yun, yung parang maiwasan ko din yung mga nangyari sa buhay niya na naging mali niya sa buhay niya.”

Sabi naman ni Camille: “Hindi naman, ano kasi, pero we have different love languages.

“Kumbaga tayo, iba yung way natin ng pagtanggap ng pagmamahal.

“So, minsan akala natin kung ano yung love language natin, yun din yung love language nung taong binibigyan natin ng pagmamahal.

“Pero magkaiba pala.

“So, doon nagkakaroon ng parang maling perception na you’re showing love because that’s what you feel na yun yung way mo of receiving love.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“But you also have to understand na kailangan mong ibigay yung love language nung taong minamahal mo, base sa preference niya, hindi sa preference mo.

“So, yun yung natutunan ko pagdating sa mga anak ko na iba-iba kasi yung love language nila.

“Like, yung bunso ko, ang kanya is physical touch.

“So, mahilig siya yumakap. So, kapag nasa bahay, nakayakap lang siya.

“Tapos yung girl ko naman likes quality time. She likes doing things together.

“Tapos si Nathan [her eldes] naman likes to… ano siya, words of affirmation.

“Gusto niya yung ina-affirm ko palagi siya na okay siya, ganyan.

“So, I had to learn that.

“Dati kasi, parang you just do what you feel.

“Pero hindi mo naiintindihan na hindi pala yun yung perception nila of love.

“Na dapat, yun yung una mong malaman, how do you feel love?

“Para yun yung ipapakita mo sa totoong buhay.”

Para naman kay Dion, dapat habang bata pa ang mga anak, dapat dinidisiplina na ang mga ito para alam na nila ang tama at mali paglaki.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood ang Mommy Dearest simula ngayong Lunes ng hapon, February 24, 3:20 P.M., sa GMA Afternoon Prime.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News