Jinkee Pacquiao, Annabelle Rama inintrigang may ‘away’
Gaano katotoo itong tweet ng isang birdie na may silent feud daw ngayon sina Annabelle Rama at ang asawa ng People’s Champ na si Manny Pacquiao.
Kung dati-rati, chummy daw sila pero sa ngayon
Sa programa naman ng beteranang showbiz journalist na si Cristy Fermin ay natalakay ang isyung ito.
Aniya, tila nagkaroon daw ng lamat ang relasyon ng magkaibigan.
Iniispluk pa nga niya ang ilang detalyeng nasagap niya umano tungkol sa dalawa.
“Di ba mag-best friend sina Tita Annabelle Rama at saka si Jinkee Pacquiao, mag-bff sila. Pero bakit nasusulat sa mga pahayagan, magkaaway na raw sila ngayon?” sey ni Cristy.
“Di ko pa alam kung anong detalye tungkol dito. Pero may mga nagkuwento nga sa akin, ” dugtong niya.
Dahil din sa espekulasyong ito, hindi tuloy naiwasang ungkatin ng showbiz columnist ang naitulong umano ng pamilya Gutierrez sa kandidatura ng mister ni Jinkee na si dating Senador Manny Pacquiao noong 2022 presidential elections.
“Alalahanin mo na no’ng tumakbo bilang pangulo si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao ang pamilya Gutierrez ang tumutok sa kampanya nila, ‘di ba. Lahat sila, sila ang tumulong kay Pacman. Tapos ngayon, ganito na?, ” hirit niya.
As of this writing, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Annabelle at Jinkee hinggil sa naturang tsika.
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ng magkabilang kampo hinggil sa isyu.