Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga
NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon laban sa kanya kaugnay ng umano’y investment scam ng isang beauty clinic.
Idinawit ang komedyana sa mga kasong paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang Securities Regulation Code, tulad din ng kinakaharap na kaso ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda.
Apektadong-apektado si Rufa Mae, dahil hindi niya akalaing masasangkot sa kasong wala siyang kinalaman, lalo pa’t tumalbog din umano ang mga tsekeng ibinayad sa kanya bilang endorser ng Dermacare.
Hindi rin umano nanghingi ng pera si Rufa Mae mula sa mga nagdemanda sa kanya dahil hanggang sa pagiging celebrity endorser lamang ng Dermacare ang partisipasyon niya.
Nadamay lamang umano ang aktres dahil isa nga siya sa mga celebrity endorser ng nasabing beauty clinic.
Narito ang pahayag ni Rufa sa kanyang official statement na inilabas.
“I have no connection whatsoever to any fraudulent activity and I categorically deny these baseless accusations.
“If anything, I am also a victim and I am determined to seek justice.”
Ipinagdiinan pa niya na pinaghirapan niya ng todo ang kanyang career at ginawa ang lahat para mapanatiling malinis ang pangalan.
“As a public figure, I have always demonstrated my professionalism, transparency, and respect for the people and brands I work with.
“It is dejecting to see my name being dragged through the mud, but I remain steadfast and confident that the truth will soon prevail,” aniya pa.
Nangako rin siya na haharapin ang lahat ng akusasyon. “I will cooperate fully with the authorities and face this issue through the proper legal forum. Rest assured, I will fight for my name and reputation.
“To those who have extended their love and support, I am grateful. Let us allow justice to take its course, and I humbly ask for your patience and understanding as the truth unfolds,” mensahe pa ni Rufa Mae.
Samantala, sa pamamagitan ng kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda, nagbigay ng opinyon si Kuya Boy tungkol kay Neri, at kaibigan at dating talent na si Rufa Mae hinggil sa mga kasong kinakaharap ngayon ng dalawa.
Narito ang naging pahayag ni Kuya Boy, “Kinukompirma ko pong mayroong mga warrant of arrest si Rufa Mae kaya medyo nababahala po ako bilang kaibigan at manager.
“I am alarmed as a member of this industry and as a manager. Para bagang gusto kong balikan lahat ang mga kontrata dahil ang endorser ba ay salesman?
“Kapag sinabi kong bumili ho kayo ng donut ay ‘yung warranty ba na ‘yon, I mean, ano ba ang ating responsibilidad?
“Kasi, sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko, na ang produkto ay maganda, matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya.
“Ang endorser ay maniniwala lamang sa sinasabi ng may-ari.”
Pagpapatuloy ni Kuya Boy, “It’s a very complicated case pero palaisipan po ito. I think the industry as a whole, we should be studying our contracts more.
“Kaninong responsibilidad ba ito? Naghikayat halimbawa ako na bumili ka ng bahay. Naghikayat ako na bumili ka ng condo, saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad?
“Do I own the company? Am I liable, halimbawa, eh, hindi pala masyadong kagandahan? I have so many questions.
“I know that the case is in court.
“Isa pang point of interest, paano kaya nakonekta itong sina Neri, Rufa Mae sa kaso ng piskalya?
“It’s really interesting na dapat marami tayong matutunan bilang members of the industry, lalo na ang mga artist at ang mga manager.
“Ito po ‘yung aking nararamdaman kaya hindi ko po mapigilang magsalita.”
News
DUMIPENSA NA! CESAR MONTANO GALIT NA BlNUGBUG SI ATONG DAHIL SA PAGLUSTAY NITO SA PERA NI SUNSHINE!/th
OMG Cesar Montano matapang na dumipensa matapos malaman ang ginawa ni atong ang sa dating kasintahan nitong si Sunshine Cruz tila ngayong araw nga lang ginulantang ni Cesar Montano ang lahat ng protektahan nito ang dating kasintahan na si Sunshine…
ANAK NI SUNSHINE CRUZ, MAY BWELTA SI ATONG ANG SA ISYUNG PAG-WALDAS NG PERA AT ARI-ARIAN NI ATONG/th
Anak ni Sunshine Cruz Matapang na sinupalpal si Atong ang sa isyung paggastos ng pera at ari-arian Atong ang hindi nagpaawat at may matinding buwelta sa mag-inang cruise Nagising ako na parang tapos na eh Tsaka huwag niyo na pilitin…
ATONG ANG, ISINUGOD SA OSPITAL MATAPOS KOMPRONTASYON KAY SUNSHINE CRUZ!/th
atong ang isinugod sa ospital matapos ang matinding komprontasyon kay Sunshine cruise tres iginiit na hindi pera ang habol kundi tunay na pagmamahal is gulo namin ng EXO e pero kayao ba sabi ko noun EO ubusan na tayo…
SUNSHINE CRUZ, UMAMING BUNTIS KAY ATONG ANG! MATINDING PASABOG at USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA! /th
Sunshine cruise umaming buntis kay atong ang isang matinding pasabog sa showbiz usap-usapan ngayon sa social media yung mga taong yon na yung mga taong makakasama mo on your way down nagising ako na parang Tapos na eh Tsaka Sunshine…
ATONG ANG PINALAYAS si SUNSHINE CRUZ at MGA ANAK matapos BIGLAANG HIWALAYAN! /th
atong ang Pinalayas na sa bahay ang mag-inang sina Sunshine cruise at ang kanyang mga anak matapos ang kanilang biglaang paghihiwalay kami na magkakakilala rito okay Number one ako Tapos na eh Tsaka huwag niyo ng pilitin yan Hwag niyo…
LAGOT NA! ANAK NI SUNSHINE NAGSALITA NA SA GINAWANG PANGHAHALAY NI ATONG SA KANIYA!/th
Lagot na anak ni Sunshine Cruz idinetalye na ang ginawa sa kanya ni atong ang Cesar Montano hindi kinaya tila ka Kailan nga lang usap-usapan sa mundo ng showbiz ang anak ni Sunshine na si Angelina Cruz matapos umanong mapabalitang…
End of content
No more pages to load