Salamat sa isang American celebrity news site, nagkabalikan sina Kim Chiu at Xian Lim sa tamang panahon para sa Lunar New Year/th

Kim Chiu at Xian Lim ‘nagkabalikan’ dahil sa American celebrity news site

Kim Chiu at Xian Lim 'nagkabalikan' dahil sa American celebrity news site
Photo courtesy: Kim Chiu, Xian Lim, TMZ (IG)

Ibahagi
Naloka ang mga Pinoy netizen sa paggamit ng lumang larawan ng ex-couple na sina Xian Lim at Kim Chiu sa pagbati ng American celebrity news website na “TMZ” para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Makikita sa Instagram post ng TMZ ang pagbati nila para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

“Lunar New Year is officially underway, meaning it’s time to celebrate the Year of the Snake! Swipe through our gallery to celebrate with the stars, and find more pics at the link in bio!” mababasa sa kaniyang caption.

Isa naman sa mga larawang kalakip ng post ang throwback photo ng KimXi na nakasuot pa ng Chinese outfit sa pagsalubong ng Chinese New Year, sa hindi tiyak na petsa.

Relasyon at Hiwalayan

Makikitang nakayakap pa si Xian kay Kim at sa harapan nila ay makikita ang iba’t ibang Chinese food.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Is that Kim Chiu? LMFAO.”

“To my fellow PILIPINOS—dont engage—they know you will correct them… “

“What the hell? Kim Chiu and Xian Gaza’s [Lim] not together for a year already “

“4th slide they broke up 2 years ago @tmz_tv “

“Is that for real?”

“Nagkabalikan na ba sila?”

Matatandaang noong Disyembre 2023 ay opisyal nang inanunsyo ng dalawa ang kanilang hiwalayan matapos ang 12 taon.

Si Kim Chiu ay nili-link sa kaniyang reel partner na si Paulo Avelino habang si Xian Lim naman ay may Iris Lee na.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag sina Kim at Xian tungkol sa isyu.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News