Rufa Mae kinakaya mga intriga/th

Rufa Mae kinakaya mga intriga

 

FacebookInstagram

WhatsAppTwitterTelegramMessengerViber

rufamaequinto

Bilib kami kay Rufa Mae Quinto dahil kahit ano pang intriga ang ipukol sa kanya ay nananatili siyang matatag.

Sa tuwing magme-message nga kami sa Kapuso comedienne at kinukumusta namin siya ay palagi niyang sinasabi na okey lang siya

Actually, nagagawa pa nga niyang magpakuwela sa mga text niya sa amin.

At sa latest post nga niya ay sinabi ni Rufa Mae na: “Kaya pa.”

Anyway, nang mag-post siya ng ‘Kaya pa,” ay ilang beses tumawag sa amin si P-chi (palayaw niya), pero hindi naman namin nasagot ang mga ‘yon. Nang mag-return call naman kami sa kanya, sabi ng komedyana, late na raw at tatawagan na lang niya kami.

Late na kasi nasa Amerika pa nga si P-chi.

Sayang, tatanungin pa naman namin siya sa ilang mga intriga na namang ibinabato sa kanya katulad ng sa kanilang dalawa ng kanyang mister.

Pero sabi naman niya sa text niya sa amin, “Okey naman kami lahat. Hahaha.”

Anyway, aabangan namin ang pagtawag sa amin ni P-chi at baka nga may importante siyang gustong sabihin.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News