Nora Aunor on ex-hubby Christopher de Leon: “‘Yong relasyon, nandoon na ‘yon, e, di ba? Hindi na natin maaalis ‘yon, e, tapos na tayo do’n.”
Nora says it is an honor to work with Boyet again.
“Pag nagkita kami, nakikita ko siya, lalo na kaeksena ko, nakikita ko sa pelikula, nandoon na siyempre. [Nung] unang kita ko sa kanya kinabahan ako, excited ako, masaya ako. Kasi siyempre ano ‘yon, e, nandoon na lahat, e, hindi ko ma-explain, hindi ko mapaliwanag kung ano pakiramdam mayroon ako noong makaeksena ko si Papa Boyet. Iba, iba, para sa akin iba. Pag sinabi kong iba, alam n’yo na ‘yon,” says Nora Aunor about working again with ex-husband Christopher de Leon.
Tila muling nabuhay ang love team ng Superstar na si Nora Aunor at ng Drama King na si Christopher de Leon sa upcoming mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.
Sa naganap na presscon at red-carpet premiere ng Sa Ngalan Ng Ina kagabi, Setyembre 22, sa Cinema 2 ng SM The Block sa North Avenue, Quezon City, kilig na kilig ang mga fans nina Ate Guy at Boyet habang in-interview ng entertainment press ang dalawang batikang artista.
Ayon sa Superstar, “Isang karangalan ko po na makatrabaho ulit si Papa Boyet.
“Alam n’yo po, hindi po ako nagkamali sa pagtanggap sa proyektong ito.
“Nagpapasalamat po ako sa TV5 na ginawan kami ng ganitong mini-serye.
“Sapagkat masasabi ko po na ngayon lang po ako gumawa ng mini-serye na talaga po, hindi ako inantok sa set, hindi po ako napagod, at palagi po akong masaya sa set pag dumadating.
“At hangga’t maaari po gusto ko po ako ang nauuna sa kanila.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Alam n’yo po kung bakit?
THE OLD FLAME. Noong ’70s nagsimula ang reel- at real-life relationship nina Ate Guy at Boyet.
Nagkakilala ang dalawa noong 1975 nang gawin nila ang pelikulang Banaue. Naging magkasintahan ang dalawa at patagong nagpakasal noong taong din iyon. (CLICK HERE for related article.)
Ilan pa sa mga pinagsamahan nilang pelikula ay Batu-Bato sa Langit (1975), Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Mahal Mo, Mahal Ko (1978), Dalaga Si Misis, Binata si Mister (1981), Beloved (1985), at I Love You Mama, I Love You Papa (1986).
Inamin ni Ate Guy na ngayong nagkasama silang muli ng kanyang ex-husband, hindi nila maiwasan maalala ang kanilang mga pinagsamahang trabaho noon.
Ngunit, hindi niya itinanggi na naaalala rin niya ang personal na pinagsamahan at nangyari sa kanila noon sa tuwing sila’y magkaeksena.
“Alam n’yo po bilang artista, propesyunal si Papa Boyet,” pagsisimula ni Ate Guy.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Alam ninyo, siyempre ang dalawang tao may pinagsamahan, sa akin lang ‘to, ha, sa akin lang ‘to.
“Para sa akin, hindi mo maaalis, siyempre, yung pakiramdam.
“Unang-una, isang magaling na aktor si Papa Boyet.
“Actually, idolo ko po ‘yan, e, opo, totoo po ‘yon.
“At siyempre po, sa galing niya bilang artista, pag nagkakaeksena po kami, kinakabahan ako.
“‘Yong relasyon, nandoon na ‘yon, e, di ba? Hindi na natin maaalis ‘yon, e, tapos na tayo do’n.”
Pero mayroon pa din daw “pitik” na naramdaman si Ate Guy noong magkita silang muli ni Boyet, isang pag-amin na talagang nagpakilig sa kanilang mga fans.
“Kahit anong gawin mo… Para sa akin lang ‘yon, ha, ako nagsasabi ako ng totoo, ang talagang pakiramdam ko diyan, hindi mawawala ‘yon,” nakangiting sinabi ni Ate Guy.
Dagdag pa niya, “Siyempre bilang tao tayo, hindi mo ‘yon maiaalis.
“Mahaba ang inyong pinagsamahan, kahit may mga balita na siguro si Papa Boyet may naging mga girlfriend, o ako naman may naging boyfriend, pag nagkita kami, nakikita ko siya, lalo na kaeksena ko, nakikita ko sa pelikula, nandoon na siyempre. [Nung] unang kita ko sa kanya, kinabahan ako, excited ako, masaya ako.
“Kasi siyempre, ano ‘yon, e, nandoon na lahat, e, hindi ko ma-explain, hindi ko mapaliwanag kung ano pakiramdam mayroon ako noong makaeksena ko si Papa Boyet.
“Iba, iba, para sa akin iba.
“‘Pag sinabi kong iba, alam n’yo na ‘yon.”