Nora Aunor, no show sa kasal ni Lotlot
Ibahagi
WALA si Nora Aunor sa kasal ng panganay niyang si Lotlot de Leon kay Fadi El Soury, at siya lang ang kulang para makumpleto ang pamilya ni Lotlot. Dumating kasi si Christopher de Leon, ang asawang si Sandy Andolong-de Leon, ang mga anak ni Boyet at ang ina nitong si Lilia Dizon.
Kumpleto rin ang mga kapatid ni Lotlot at ang mga anak nina Ramon Christopher sa pangunguna ni Janine Gutierrez. Sina Boyet at ang anak ni Lotlot na si Diego Gutierrez ang naghatid kay Lotlot sa altar.
Nag-isang dibdib sina Lotlot at Fadi sa El Jardin De Zaida sa San Juan, Batangas na pagmamay-ari ng pamilya ni Pia Guanio.
Tsika at Intriga
Best wishes and congratulations, Fadi and Lotlot!