Napailing na lang ang mga netizens sa nakakagulat na rebelasyon ni Rufa Mae Quinto tungkol sa realidad ng relasyon nila ng asawa./th

Rufa Mae Quinto, nagsalita na sa relasyon nila ng non-showbiz husband

Rufa Mae Quinto, nagsalita na sa relasyon nila ng non-showbiz husband
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Integrated News (YT), Alexandria Magallanes (IG)

Ibahagi
Nagbigay ng ilang detalye ang Kapuso comedy actress na si Rufa Mae Quinto hinggil sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng non-showbiz husband niyang si Trevor Magallanes.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Enero 17, itinanggi ni Rufa na pinoproseso na raw nila ni Trevor ang kanilang divorce.

“We’re going through something. Tinatanggap ko. Kasi kung ayaw na rin naman niya, bakit ko hindi rerespetuhin ‘yon?” saad ni Rufa.

Pero dagdag ng komedyante, “‘Yong legalities, ‘yong mga file-file, walang file ng divorce. Hindi ako magpa-file kasi ang dami ko nang file sa kaso.”

sa kabila nito, inamin ni Rufa na mahal pa rin daw niya ang mister dahil gusto raw niya na makompleto ang pamilya nila.

Matatandaang nauna nang inanunsiyo ni Trevor sa pamamagitan ng Instagram story na gumugulong na raw ang proseso ng divorce nila ni Rufa.

Sa kasalukuyan, hinaharap ni Rufa ang kasong isinampa sa kaniya dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 of the Securities Regulations Code.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News