Nag-collapse ang anak ni Valerie Concepcion nang subukan niyang kontakin ang kanyang biological father ngunit walang tugon/th

Valerie Concepcion: Searching for Dad

She added, “Hindi ako enough.”

Valerie Concepcion and daughter Heather

Valerie Concepcion and her daughter Heather Fiona, who turned 18 in November 2022.
PHOTO/S: @v_concepcion on Instagram

Kinumpirma kamakailan ni Valerie Concepcion na buntis siya sa magiging unang anak sa kanyang mister na si Francis Sunga.

Ikinasal ang dalawa noong December 2019.

Valerie Concepcion and Francis Sunga

Thirty-five years old na si Valerie, at may anak na 18 years old, si Heather Fiona, sa kanyang nakarelasyon noon na si Jeremy Carag.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sixteen years old pa lang siya nang isilang niya si Heather Fiona.

Sa panayam sa aktres sa Fast Talk with Boy Abunda na umere noong May 19, 2023, sinabi niyang ginawa niya ang lahat para gampanan ang papel bilang ina at ama sa kanyang anak kahit teenager pa lang siya noon.

Aniya, “I’ve sacrificed so much for her. I had to make sure na hindi ko na-prioritize ang pagiging teenager ko.

“Tina-try ko so hard to be a mom and dad to her.”

Inamin din niyang nasaktan siya nang magdesisyon ang anak na hanapin ang ama nito nang may sapat na itong pag-iisip.

“It pained me noong hinanap niya kasi feeling ko nun, hindi ako enough.

“Kumbaga, hindi ko naibigay yung lahat. Hinanap pa niya yung tatay niya.”

Gayunpaman, inunawa umano niya ang anak.

“Na-realize ko rin na it doesn’t make her love me less because she looked for her father.

“She just really wants to know where she came from, her roots, and her full story.

“Now I understand.”

Valerie Concepcion and Heather Fiona

Ibinahagi rin ni Valerie na nag-reach out siya sa ama ng kanyang anak, pero wala itong naging kasagutan.

CONTINUE READING BELOW ↓

Isang Himala cast performs “Ang Himala Ay Nasa Puso” | PEP Jams

“We tried. We tried…

“I tried telling him, ‘Our daughter is ready to meet you. She told me she’s ready to meet you.’

“But I didn’t get a response, sadly.”

Sinabi ni Valerie kay Tito Boy na pinapayuhan niya ang anak na huwag magalit sa ama nito, at sa nangyari sa kanilang pamilya.

Aniya, wala siyang kontrol sa kung anuman ang iniisip ni Heather.

“Pero kasi, hindi mo masisisi na hindi mawawala sa bata na nasaktan siya sa mga nangyari at na-disappoint siya.”

Valerie Concepcion and Heather Fiona

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, pinayuhan din niya ang anak na respetuhin pa rin ang ama nito kahit hindi nagkikita ang dalawa sa loob ng mahabang panahon.

“I always tell her, ‘Don’t be mad at your dad.

“’No matter what happens, bali-baliktarin mo man ang mundo, tatay mo yan. You have to respect him.”

Nang tanungin naman kung agree siya sa statement na: “Ang pag-aasawa, parang kontrata lang yan. Pero ang pagkakaroon ng anak, panghabangbuhay,” sinagot ito ni Valerie ng: “Hindi.”

Paliwanag niya, “Siguro biased ako. Kasi at the age of 23, gusto ko na magpakasal.

“I don’t know. I think I’m in love with the idea of being in love.

“Having a kid at a young age, of course, you want someone there for your child. Being a single mom, I want her to have that father figure.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din ni Valerie ang may isang bagay na gusto niyang ihingi ng sorry kay Heather.

“She’s 18 now, hinahanap niya yung tatay niya. So, siguro ang isu-sorry ko is yung hindi ko nabigay sa kanya yung normal na family dapat.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News