Lotlot de Leon on Nora-Matet tuyo war: “Walang panalo diyan.”/th

Lotlot de Leon on Nora-Matet tuyo war: “Walang panalo diyan.”

“Si Mommy ang nagturo sa kanila na magkaroon ng magandang puso.”

Lotlot de Leon, Matet de Leon, and Nora Aunor

Lotlot de Leon on giving Matet de Leon and Nora Aunor time for healing: “Kami namang mga anak ni Mommy, lahat naman kami alam din namin ang lugar sa kanya, sa puso niya. Minsan nga, kung may mga nabibitawang salita, maybe it’s because of whatever pain or miscommunication. Yung mga naitatago bang siguro nga hindi mga nasasabi. But at the end of the day, wala namang di naayos.”
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon / @misismatet Instagram / File

Hiling ni Lotlot de Leon ay matuldukan na ang tampuhan sa pagitan ng nakakabatang kapatid na si Matet de Leon at inang si Nora Aunor.

Kamakailan ay naglabas ng hinaing si Matet laban kay Nora dahil kinumpitensiya umano ng sariling ina ang negosyo niyang gourmet tuyo.

Mabigat ang mga salitang binitawan ni Matet na nagsabing hindi na niya nakikita ang sarili na makikipag-ayos pa sa adoptive mother.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa mediacon ng pelikulang That Boy In The Dark, na ginanap sa penthouse ng West Avenue Suites noong December 30, 2022.

Nang tanungin kung ano ang saloobin nito sa away nina Matet at Nora, sagot ni Lotlot: “Alam niyo naman pagdating sa ganyan, walang panalo, walang panalo diyan.

“I guess, it’s just a matter of looking at the bigger picture, may dahilan ang lahat. I guess, that’s how I want to look at it na lang.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I hope that eventually maayos ang dapat maayos. Ganun na lang.”

Tila ayaw rin ni Lotlot na pumagitna habang mataas pa ang emosyon ng mga sangkot sa isyu.

Pero dinepensahan niya si Matet na naging prangka sa pagsasabing pakiramdam niya ay “trinaydor” siya ng ina na “hindi talaga ako tinatratong anak.”

Sabi ni Lotlot: “Pumagitna? Hindi, yung mga ganyan kasi hindi mo masasabi, di ba?

“Ganito na lang, wala akong kapatid na masama ang ugali. Lahat ng mga kapatid ko, whether si Ian, si Matet, si Kiko o si Ken, lahat ng mga iyan sobrang gaganda ng mga puso ng mga iyan.

“Si Mommy ang nagturo sa kanila na magkaroon ng magandang puso. Whatever good we have in us, it was taught to us also and we saw it from our parents.

“Yung mga kapatid ko, they are all good people, they are all willing to sacrifice for love.

“Si Ian, kinakain niya ang pride niyan maipakita lang sa iyo na mahal ka niya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Matet, kahit banyo lilinisin niya maiparamdam niya lang sa iyo na mahal ka niya.

“Si Kiko, ganun din, kung may kailangan kang ipagawa sa kanya, kahit na all he can do is offer to listen on what you have to say, he will listen.

“Si Kenneth yung tipo na pag may inutos ka, walang hindi gagawin, puro yes, yes, yes. Ganyan ang mga kapatid ko.

“Although iba-iba kami ng mga ugali, pero lahat kami pare-pareho magmahal.”

Inulit ni Lotlot na tanging hiling niya ay magkaayos ang kapatid na si Matet at inang si Nora.

“Sabi ko nga kanina, wala namang panalo pagdating sa usaping pamilya lalo na kung may mga salitang nabibitawan, maybe out of pain or gusto mo lang mag-release ng mga hinaing or sama ng loob.

“Kahit naman sino ganun, e, nangyayari sa atin lahat yun.”

Sa ngayon ay binibigyan na muna ni Lotlot ng espasyo ang nakababatang kapatid lalo’t kapansin-pansin na natatangay pa ng sobrang emosyon si Matet.

“Oo, I mean, everything in the end naman, I think everything happens for a reason. Kami namang mga anak ni Mommy, lahat naman kami alam din namin ang lugar sa kanya, sa puso niya.

“Minsan nga, kung may mga nabibitawang salita, maybe it’s because of whatever pain or miscommunication. Yung mga naitatago bang siguro nga hindi mga nasasabi.

“But at the end of the day, wala namang hindi naaayos.”

Nang tanungin kung nakausap na ba niya si Nora at si Matet, sinabi ni Lotlot na bukas ang komunikasyon niya sa mga ito.

“Yes, tahimik naman siya [Matet]. Nag-text siya sa akin ng ‘Merry Christmas,’ binati ko rin ng Merry Christmas.

“You know, proseso iyan, e. Hindi ko puwedeng sabihin kay Matet kung ano ang dapat niyang maramdaman. Kanya-kanya tayo ng pagtanggap.”

Kapansin-pansin ang pagiging kalmado at lawak ng pang-unawa ni Lotlot sa nangyaring tampuhan sa ina at nakababatang kapatid.

Paliwanag niya: “It is what it is. Naiintindihan ko kasi nangyari na rin ng ilang beses sa akin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero gaya nga ng sinabi ko, at the end of the day, pamilya pa rin, kami-kami pa rin.”

Kasama si Lotlot sa pelikulang That Boy In The Dark na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso. Mula ito sa direksiyon ni Adolf Alix Jr. at sa produksyon ng BMW8 Entertainment Art Services.

Mapapanood ang thriller movie na ito, na kasalukuyang umaani ng mga parangal sa international award-giving bodies, noong January 8, 2023.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News