Jellie Aw responds to sister Jo’s warning against Jam Ignacio
Jellie Aw jokingly tells sister Jo: “Ikaw daw yung kontrabida sis? Hahaha”
Jellie Aw (in both photos) heeds to younger sister Jo Aw’s (left photo, left) warning against Jam Ignacio (right photo): “Ok Master.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
Trigger Warning: This article contains description of physical abuse, disturbing images
Tumugon na ang club disc jockey na si DJ Jellie Aw sa babala ng kanyang kapatid na si Jo Aw tungkol kay Jam Ignacio.
Si Jam ang fiancé ni Jellie at ex-boyfriend ng aktres na si Karla Estrada.
Nagkaroon ng hindi magandang pangyayari sa pagitan nina Jam at Jellie na humantong sa bugbugan.
Pagkatapos ng insidente ay naghain ng reklamo si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pambubugbog sa kanya ni Jam.
Nagmakaawa naman si Jam na patawarin siya ni Jellie at nagsumamong makipagbalikan sa kanya at ituloy ang kanilang planong pagpapakasal.
Matapos ang public apology ni Jam, na umere sa 24 Oras, nagbabala si Jo sa kapatid na si Jellie sa pamamagitan ng social media.
Sabi ni Jo: “Magiging kwento kana lang talaga pag binalikan mo pa to Jellie Aw [slightly similing face emoji]”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
JELLIE AW TO SISTER JO: “Noted to master.”
Sa kanyang Facebook nitong Huwebes ng gabi, February 20, 2025, ibinahagi ni Jellie ang post ng isang netizen tungkol sa apela ni Jam na patawarin na siya ni Jellie at ituloy ang plano nilang pagpapakasal.
Makikita rin dito ang screenshot ng post ni Jo tungkol sa kanyang babala sa kapatid.
Komento ni Jellie tungkol dito: “Ok Master.”
Naka-tag sa post si Jo.
Sa comments section, nagbigay ng kanyang komento si Jo.
Aniya, “hahaha shuta bat ganyan edit parang telenovela”
Pabirong sagot ni Jellie sa nakababatang kapatid (published as is), “ikaw daw yunt kontrabida sis? Hahaha”
Isa pang Facebook post tungkol sa babala ni Jo ang ni-repost ni Jellie.
Komento ni Jellie, “Noted to master”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
A love story TURNED violeNT
Noong July 2024, napansin ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram sina Jam Ignacio at Karla Estrada.
Bukod sa nag-unfollow-han na sila sa Instagram, burado na rin lahat ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang accounts.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Doon na lumutang ang pangalan ni Jellie Aw na bagong iniirog umano ni Jam.
Noong November 2024, inihayag ni Jellie ang kanyang pagkabigla sa ginawang proposal sa kanya ni Jam sa mismong kaarawan niya noong November 11.
Kahit apat na buwan pa lang ang relasyon nila, ang mahalaga raw ay kilala na nila ang isa’t isa.
Ikinagulat ng marami ang post ni Jo noong February 12, 2025, kung saan ipinaalam niya sa publiko ang sa masaklap na sinapit ng kapatid na si Jellie sa mga kamay ni Jam.
Sa Facebook post ni Jo, direkta nitong inakusahan si Jam na siyang may kagagawan sa nangyari kay Jellie.
Sabi nito, hindi niya alam ang dahilan kung bakit “bigla na lang pinagsasapak” at “binugbog” ni Jam ang kanyang ate.
Mabuti na lamang daw at nakasigaw si Jellie sa isang tollgate na kanilang nadaanan at nailigtas ito ng mga pulis.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Lumalabas na nasa loob ng sasakyan sina Jam at Jellie nang mangyari ang insidente.
Nagsampa ng reklamo si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong nakaraang February 14 kaugnay sa physical abuse na sinapit niya sa fiancé.
Nitong February 19, nagpakita sa publiko si Jam sa pamamagitan ng exclusive interview ng 24 Oras.
Dito ay humingi siya ng tawad kay Jellie. Gayundin sa mga kaanak nito at kanilang mga kaibigan.
Nais din niyang ituloy pa rin nila ang pinaplano nilang pagpapakasal sa kabila ng nangyaring pananakit.
Kahapon, February 20, hindi sinipot ni Jam ang NBI kung saan nakatakda sana niyang depensahan ang sarili laban sa akusasyon ni Jellie.
Sa halip, nagpadala na lamang ito ng abogado na si Atty. Oscar Karaan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pahayag ng legal counsel ni Jam: “We already sent a letter to the NBI that my client will no longer appear during the hearing to be conducted by the NBI.
“The NBI can just refer the matter to the appropriate fiscal’s office with jurisdiction over the case and then we’ll answer the case that will be filed against my client.”
Gayunpaman, umaasa ang kampo ni Jam na maayos ang gusot na ito sa labas ng korte.
Dagdag pa ng abogado, sinisikap umano ni Jam na magkaayos at magkabalikan sila ni Jellie.
“My client, he is trying to mend with his girlfriend para sana ma-settle ito out of court or out of the fiscal’s office para hindi na humaba kasi pinagpipiyestahan sila sa social media.
“Hindi naman kailangan umabot sa ganung sitwasyon. Dahil usapin ito na puwede naman nilang i-settle between themselves.”
Bagamat sinusubukan ng kanilang kampo na ayusin ito sa pamamagitan ng out-of-court settlement, handa naman daw silang harapin ito kung matuloy ang reklamo sa piskalya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Hindi naman porke nagdemanda ka, e, totoo na. Because accusation is not equivalent or synonymous with evidence,” sabi ni Karaan.