Janice de Belen recounts confronting ex-husband’s other woman
Janice opens up about “monologue” to ex-husband’s other woman.
Janice de Belen recounts face-to-face confrontation with her ex-husband’s other woman: “You did now know he’s married? You did not know artista yung asawa niya? O you did not know anything?’”
PHOTO/S: @super_janice on Instagram / YouTube (Super Janice de Belen)
Idinetalye ni Janice de Belen ang naging paghaharap nila noon ng naging “kerida” o “other woman” ng kanyang ex-husband.
Sa Wala Pa Kaming Title Podcast noong May 29, 2022, tinalakay nina Janice, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, at Carmina Villarroel ang tungkol sa “kerida” at “other woman”
Nabanggit ni Janice sa diskusyon na “ilang beses” naulit ang pagkakaroon ng affair ng dati niyang asawa.
Hindi man nagbanggit ng pangalan, alam ng publiko na si Janice ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 1992 at na-annul ang kasal nila noong 2004.
Mayroon silang apat na anak.
JANICE FACE-TO-FACE WITH THE KERIDA
Sa isang punto ng interview, tinanong si Janice kung nakaharap niya ang naging kerida ng kanyang ex-husband.
Ayon sa aktres, sa kampo ng other woman nanggaling ang inisyatibong makipagkita sa kanya.
“Because she’s involved in a big management company, the head of the management company called me, and asked me kung puwede kaming mag-usap, kasi magso-sorry daw sa akin.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sagot daw ni Janice: “O, e, kayo naman ang may gusto, e. Pero ang gusto ko andidiyan kayo sa kuwarto. Para pag sinabi niya sa inyong sinampal ko siya, sinampal ko talaga siya, di ba?'”
Hindi pinangalanan ni Janice ang naging other woman ng ex-husband.
Usisa kay Janice: sinampal ba niya ang babae?
Sagot niya, “Hindi, kasi I’m bigger than that. Sayang yung effort ko na iyon.”
Tinanong si Janice kung ano ang bungad sa kanya ng other woman.
“I’m sorry, I did not know” umano ang sinabi nito kay Janice.
Pagpapatuloy ni Janice, “Sabi niya, ‘I did not know.’ Sabi ko, ‘You did not know what? You did now know he’s married? You did not know artista yung asawa niya? O you did not know anything?’”
Natahimik lamang daw ang babae.
“Sabi ko, ‘Wala ka bang nanay, lola, kapatid, best friend na sinasabi sa iyo, ang lalaki sasabihin sa iyo kahit na ano just to get in your pants? Wala bang nagsabi nun sa iyo?’”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Hindi raw natapos doon ang pagsasalita ni Janice.
“E, siyempre, nag-monologue na ako.”
Sabi raw ni Janice sa babae: “’Pasalamat ka, ako yung asawa. Dahil kung hindi, puwedeng, one, patay ka na.’
“O, di ba? E, di siya taga-dito, e. Working visa lang siya dito.
“’Two, deported ka na. Or three, wala ka nang trabaho.’
“Kasi puwede mo siyang hiyain to a point na mapi-pressure, na mawawalan ng trabaho, tanggalin siya sa trabaho.”
Pero wala sa tatlo ang ginawa ni Janice.
“I chose to not do. Sabi ko, ‘So, masuwerte ka pa…’”
Pagpapatuloy ni Janice, “Tapos sabi niya, ‘It’s not going to happen.’
“Sabi ko sa kanya, ‘Alin, magbi-break na kayo?’ Ang sabi ko, ‘Tapos na kayo?’”
Hindi raw muling umimik ang babae.
Kasunod daw nito, tinapos na ni Janice ang usapan.
“Tinapos ko na kasi there’s no point in… papahabain ko meeting?”
May napansin daw si Janice sa babae.
“So, pagtayo ko, siyempre, nandoon siya sa may pintuan palabas.
“Naramdaman ko nanginginig siya. Nakita ko nanginginig siya. In fairness to her, nanginginig siya sa takot.
“Sabi ko sa kanya, ‘O, relax. Kung gusto kitang saktan, kanina pa kita sinipa.’
“Tapos I left,” pagtatapos ng kuwento ni Janice.
Sinabi rin ni Janice na madaling magpatawad, pero ang pag-aayos sa nasirang relasyon ay “a two-way street.”
Tinanong din si Janice kung kailan niya nalaman na panahon na para makipaghiwalay.
“It’s the loss of respect,” sagot ng aktres.