Jaclyn Jose opens up about emotional struggles, missing her kids
Jaclyn Jose: “I felt so bad that I want to leave the country.”
Jaclyn Jose’s tearful confession about missing her kids Andi and Gwen: “Inisip ko, ‘Para saan pa ‘tong lahat na ginagawa ko? Wala naman yung mga anak ko. Hindi naman nila ako naaalala.’ Nagpapakahirap ako, mukha akong tanga. Tapos, nag-iisa lang ako, pero hindi naman ako naaalala. Parang, ano ba ‘to? Gigising ako. Pero, wala akong dahilan para bumangon. Wala naman akong paglulutuan.”
PHOTO/S: Pau Gueverra / @andieigengirl / @jaclynjose Instagram
Hindi mapigilan ni Jaclyn Jose na maging emosyonal nang ipagtapat nito ang personal niyang pinagdadaanan ngayon.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono, Huwebes ng gabi, September 1, 2022, naging bukas ang Cannes-winning actress sa kanyang sentimyento na hindi madali ang mag-isa sa buhay.
Si Jaclyn ay isang single parent.
Panganay niya si Andi Eigenmann, na anak niya sa namayapang aktor na si Mark Gil.
Ang bunso niyang si Gwen Guck ay anak niya sa miyembro ng bandang “The Dawn” na si Kenneth Ilagan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Lahad ni Jaclyn, “Mula nung ipinanganak ko si Andi, ako na ‘yan. Mula sa hospital, damit, pagkain, hanggang sa nag-aral, napagtapos ko.
“Gayundin yung isa ko [Gwen]. Sa kanya naman, katuwang ko ang lola niya sa father side. Pero, nawala nang maaga.
“Basically, ako lahat, pero okay lang yun.”
Pero hindi rin naitago ni Jaclyn ang pangungulila ng isang ina sa punto ng kanyang buhay na malalaki na ang mga anak.
“Hindi mo na-anticipate na someday, mawawala sila, matitira ka lang palang mag-isa.
“So, parang hindi ko alam kung tama ba ang mga ginawa ko at the end of the road.
“Na palagi akong wala, pero pinupunan ko kasi ang mga pangangailangan nila.
“Kung hindi ako magtatrabaho, paano sila mag-aaral? Paano sila makakakain? Paano sila titira sa good environment na tinatawag?
“Hindi naman ako mayaman, pero kahit papaano, nasa maayos kaming lugar na hindi nagbabayad ng renta.
“Inayos ko na talaga ang mga anak ko, hindi palipat-lipat ng bahay. Kumbaga, hindi ko inisip yung sarili ko.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Iba talaga ang sakripisyo ng kahit sinong magulang.
Sabi pa niya, “Kahit mga kaibigan, napag-iwanan ako. Kasi, work-mga anak, work-mga anak [ang priority ko]. Parang ganyan.
“Hanggang sa darating pala ang time na magiging mag-isa ka na lang.”
Sa ngayon, pinag-aaral ni Jaclyn ng kolehiyo sa Amerika ang bunsong anak na si Gwen.
Si Andi ay may sariling pamilya at nakabase sa Siargao. Si Jaclyn ay solong namumuhay sa Metro Manila
Hindi mapigilan ng aktres na maging emosyonal nang ipagtapat nito na, “Every day, you feel sad and lonely, wala kang kasama.
“Iniisip mo na madalas, dumarating sa sarili mo na, ‘Bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ‘to?’
“Aalis ako mag-isa, babalik akong mag-isa. Kung wala akong trabaho, mag-isa lang din ako sa bahay.
“Kasi nga, napag-iwanan na ako ng panahon. Wala na rin nanligaw sa akin, naging busy ako.
“Yung grupo na rin ng mga kaibigan natin, hindi ka na rin maka-catch-up kasi malayo na ang napuntahan nila, di ba?
CONTINUE READING BELOW ↓
Pops Fernandez surprised with birthday cake at mediacon for upcoming concert | PEP Goes To
“At the end of the road, you feel all alone. Mahirap. Mahirap pala.”
Sabay sabi niya, “Kaya ako, tingin ko, tama ang ginagawa ni Andi sa pamilya niya.”
Ang tinutukoy ni Jaclyn ay ang piniling pamumuhay ng anak na si Andi sa probinsiya.
Halos tinalikuran muna nito ang pag-arte at naging hands-on mom sa tatlong anak na sina Ellie, Lilo, at Koa.
Katuwang ni Andi ang partner na si Philmar Alipayo na tubong Siargao.
Sina Lilo at Koa ang mga anak ni Andi kay Philmar, habang si Ellie ay anak ng aktres sa dating boyfriend na si Jake Ejercito.
on missing her kids
Aminado si Jaclyn na bilang working mother ay hindi niya nasubaybayan nang husto ang paglaki ng anak na si Andi.
“Hindi niya na-experience. Nakita niya na lumalaki siyang mag-isa.
“Alam niyo naman, ang trabaho dati, 27 hours a day. Inaabot ka minsan, uuwi ka, alas nuebe, alas diyes ng umaga.
“Hapong-hapo ka, pagod na pagod ka. Matutulog ka na lang. Ni hindi mo na makuhang sabayan kumain, sa gabi na lang.”
Saad pa ng beteranang aktres, “Kumbaga, nag-oo ako nang nag-oo sa lahat ng trabaho ko, pero palaging sa kanila…
“Iniisip ko palagi na kung mawala man ako, alam ko na may matutuluyan silang magkapatid, meron silang pera. Ayokong danasin nila ang hirap ng buhay. Palaging sila.
“Pero alam mo, siguro talagang kahit sinong ina, talaga naman palagi, yung kapakanan ng mga anak ang palaging iniisip.”
Sa pakikipag-usap ng awtor na ito sa aktres, malinaw ang pagnanais niyang makapiling ang mga anak.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Lalo na nang tanungin namin kung ramdam niyang naa-appreciate ng kanyang mga anak ang mga sakripisyo niya sa mga ito.
“Kulang, e, kulang ang nararamdaman ko because iba rin naman ang panahon ngayon,” saad ni Jaclyn.
Sabay sabi rin niya, “Hindi ko rin naman sila masisi.
“Iba ang panahon ngayon. They think that they’re the ones who care on top of everything.
“Naghahanap ka ng lambing, text, tawag na, ‘Kumusta ka na?’ Or ‘Eto ang nangyayari sa akin nanay,’ ganito, ganyan.
“Sa kanila, O.A. na ako nun. ‘Ang drama naman.’
“Pero, hindi nila naiintindihan. Siguro, hindi na lang nagsu-swak yung generation natin noon at ngayon.”
Naiintindihan din naman daw ni Jaclyn, lalo na ang kalagayan ni Andi, na alam niyang sa mga anak pa lang nito, punung-puno na ang oras sa maghapon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Naiintindihan ko naman, pero siyempre, nanay ka, e…
“Sumasama ang loob mo, hindi dahil si Andi ‘yan o si Gwen…
“Any single parent can relate. Nama-magnify kasi kapag sinasabi ko, ‘Bakit naman ganyan si Andi?’ But in general, as a mother, as single parent.
“Siguro kasi, nangyayari yata ngayon na ang mga magulang ang nag-a-adjust.”
Idiniin ni Jaclyn na naiintindihan niya ang sitwasyon ni Andi.
Patuloy niya, “Masaya ako para kay Andi. Tama ang ginagawa niya kasi nagbubuo siya ng foundation.
“Siguro tama rin yung sa kanya na i-prioritize niya. Nakikita ko rin naman ang foundation na binubuo nila ni Philmar.
“Katulad niyan, nagbibiyahe. Kagagaling ng Bali [at] France… Kumbaga sa bahay, yung poste nila, malalim na. Hindi na matitibag.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Tinanong ng PEP.ph si Jaclyn kung may “regret” siya sa kung paano niya pinalaki ang dalawang anak.
“Meron din,” pag-amin niya.
Paliwanag ng aktres: “Kasi, dapat siguro nag-ano rin ako ng kamay na bakal.
“Kasi, masyado akong lenient, e. Masyado akong maluwag.
“Tingnan niyo, nabuntis si Andi nang maaga.
“Wala namang problema sa akin ‘yan, mahal na mahal ko si Ellie. Ibig kong sabihin, walang narinig sa akin ‘yan.
“Itong anak kong lalaki, nagdesisyong mag-aral sa Amerika, kasi nandun yung girlfriend.
“Pero alam mo yung, por dios por santo, tawag-tawagan niyo naman ako.
“Kasi, bilang nanay, kahit anong edad na yata ng anak mo, hindi talaga mawawala sa ‘yo ang pag-aalala.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang siste, tinamaan talaga si Jaclyn ng lungkot sa pagiging mag-isa.
“Oo… oo at saka, I feel so lonely, so alone,” ani Jaclyn.
“Dumarating ako sa punto na nalulungkot ako, hinahanap ko ang mga anak ko.
“Ganun talaga kapag nanay ka, kahit may kanya-kanya na silang priority sa buhay, hinahanap mo.
“E, hindi ka naman kinukumusta, ganun siguro.”
Pilit din naman daw pinalalakas ng aktres ang kanyang loob.
Sabi pa ni Jaclyn, “Buti nga kanina, may nabasa ako kay Angelina Jolie na, ‘If you live alone, you’re a strong or powerful woman.’
“Kakabasa ko lang, ngayon lang din. Di ba, kapag brokenhearted ka, may narinig kang mga kanta, parang ang bilis dumating sa ‘yo ng mensahe.
“So, nung dumaan yung kay Angelina Jolie, yung message kanina, nasabi ko, ‘I’m powerful because I can live alone.’”