Sanya Lopez clarifies cryptic post not about Jak-Barbie breakup
Sanya says she has no bad blood with Barbie despite latter’s breakup with Jak.
Sanya Lopez on Jak Roberto and Barbie Forteza’s breakup after seven years of being together: “I believe it happens for a reason… Hindi ko alam talaga kasi di ko rin alam kung kailan talaga sila nag-break. Wala akong idea hanggang ngayon kasi yang kuya ko, kilala ko yan. Hindi siya nag-o-open hangga’t di siya ready.”
PHOTO/S: @sanyalopez / @barbieforteza Instagram
Nabigyan ng malisya ang Instagram post ni Sanya Lopez tungkol sa karma.
In-assume ng ibang netizens na patama ito ni Sanya kay Barbie Forteza, na ex-girlfriend ni Jak Roberto.
Kapatid ni Sanya si Jak.
Sabi sa IG post ni Sanya: “God removes people from your life. He heard the conversation that you didn’t hear.”
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nilinaw ni Sanya na wala itong kinalaman kina Barbie at Jak.
“No, not at all,” sagot ni Sanya nang tanungin hinggil dito.
Idiniin ni Sanya na labas siya sa hiwalayan nina Jak at Barbie matapos ang pitong taong relasyon.
“I respect Barbie and Jak dun sa mga decisions nila.
“Ever since hindi ako nangingialam. Alam ng lahat yan, hindi ako nangingialam.
“Basta ako as kapatid, kaibigan din ni Barbie, kumbaga I respect them,” saad ni Sanya.
Hindi raw para kumampi siya kung kanino man kina Jak at Barbie.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Hindi kaila na naging malapit din si Sanya kay Barbie, na katrabaho pa niya sa katatapos na seryeng Pulang Araw sa GMA-7.
“Kung willing silang mag-open sa akin, I’m here to listen as kaibigan, as kapatid.
“Hindi ako yung kunwari galit siya, galit din ako, hindi.
“Kanila yun. Kung anuman ang nangyari sa kanila, sa kanila yun.
“Matatanda na tayo para doon. Nandito lang ako para intindihin sila pareho.”
Idiniin pa ni Sanya na mali ang interpretasyon ng netizens sa post niya.
“Yan ang mahirap sa trabaho natin, lahat ng posts ko, lahat related sa ibang tao.
“Sabi nga nila, ‘Bakit di ka nawawalan ng mga bashers?’ Oo nga, e.
“Alam mo, nakakalungkot kasi parang ang daming assumptions ng mga tao sa posts ko na lang, hindi naman talaga nila alam yung talagang nangyari.
“Lahat naman tayo we have our own personal life, di ba? Bakit lahat connected dun?
“Nakalimutan ko na, ‘Oo, may ganito pala, pasensiya na.'”
Sanya, Jak, and Barbie during their Japan trip in 2019
Photo/s: @barbieforteza Instagram
SANYA LOPEZ ON BROTHER JAK ROBERTO
Kinumusta ng PEP kay Sanya ang lagay ng kapatid niyang si Jak.
Higit-kumulang dalawang buwan pa lamang ang lumipas mula nang maghiwalay sina Jak at Barbie.
“I think he’s okay naman. Hindi pa kami nagkakausap,” sabi ni Sanya.
Patuloy niya: “Matagal-tagal na kaming hindi nagkakausap.
“Busy siya, busy ako. Hiwalay kami ng bahay. Nagkakataon lagi akong locked-in, lagi akong may work.
“Di ako nangumusta kasi, sa totoo lang, ayokong pumasok dun sa sitwasyon.
“Kasi naniniwala ako na kapag willing na mag-open ang isang tao, so I let him na siya ang mag-message in case na na ready na siya.
“So, hindi nakikialam.”
Kung anu’t ano man, wala raw tampo o sama ng loob si Sanya kay Barbie kahit pa nauwi sa breakup ang relasyon nito kay Jak.
“No, no, I believe it happens for a reason,” ani Sanya.
“Hindi natin alam, hindi ko rin alam. Okay naman kami ni Barbie, okay kami ni Kuya.
“Hindi ko alam talaga kasi di ko rin alam kung kailan talaga sila nag-break.
“Wala akong idea hanggang ngayon kasi yang kuya ko, kilala ko yan. Hindi siya nag-o-open hangga’t hindi siya ready.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“If ever man na ready siya at mapagkuwento rin siya sa akin, between na lang siguro sa aming magkapatid kung ganun man ang mangyari.
“But right now, to be honest, wala akong alam.
“As a kapatid, ang support ko lang ay bigyan siya ng space. Baka gusto niyang huminga muna, maisip niya yung mga bagay na dapat niyang isipin.”
SANYA LOPEZ ON LACK OF TIME FOR FAMILY
Samantala, tinanong ng PEP si Sanya kung bakit emosyunal siya sa guesting niya sa June 2024 episode ng Fast Talk With Boy Abunda.
May iba kasing nag-akalang may mabigat na pinagdadaanan si Sanya nang mapansing emosyunal siya habang pinag-uusapan ang pamilya.
“No, I’m being emotional lang when it comes to my family because malayo ako sa kanila, hindi ako nakakapagbigay ng time,” paglilinaw ni Sanya.
“I am so blessed sa proyektong binibigay nila [GMA management] sa akin, pero minsan yung binibigay sa iyo ay may kapalit.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Isa na dun, yun na nga, nalilimitahan ang time natin sa family natin.”
Hindi raw madali ang mga nasasakripisyo dahil sa mga prayoridad niya. Minsan lang daw silang magkasama ng kanyang ina.
Pahayag pa ni Sanya: “Ngayon ang bilis din ng panahon, nagmamadali na rin tayo.
“Kumbaga, hindi lang ako, hindi ko alam para sa kanila. Dumarating ka rin siguro sa time na nagmamadali ka na rin.
“‘Sige, huwag kang mag-inarte, hindi ka puwedeng humindi.’ Ganun yung sitwasyon.
“Pero nandirito pa rin naman kami sa isa’t isa. Nandiyan ang mommy ko, nandiyan si Kuya.
“Pag kailangan namin ang isa’t isa, nandiyan pa rin kami. Hindi naman nawala yun.”
SANYA LOPEZ NO BOYFRIEND AT THE MOMENT
Sa edad na 28 years old ay wala pa rin daw boyfriend si Sanya.
Ayon sa aktres, hindi siya nagsasara ng pintuan kung sakaling kumatok ang pag-ibig sa kanya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Yes, I think now marami nga ang nagsasabi sa akin, ‘Wala pa ba?’ Open naman.
“Siguro we’re not getting any younger, di ba? Saka even before naman, I’m open din naman.
“Mayroon din namang mga nag-try kaya lang nandun ako sa moment na kung sino talaga ang mag-stay, huwag nating pilitin.”
Wala naman daw sa kanya kung artista o hindi ang magiging nobyo niya.
“Hindi natin masabi kung showbiz o non-showbiz. But if ever, gusto ko talaaga yung makakaintindi sa work natin.
“Medyo mahirap yung klase ng work natin, e. Yun lang naman.
“Ang kagandahan pag showbiz kasi, same line of work. Pag non-showbiz naman, paano niya maiintindihan?
“Pero masaya rin naman. Magkaiba kayo ng klase ng work, yun ang breather mo.”
PULANG ARAW TO BE ARCHIVED IN THE MOON
Sa ngayon ay masaya si Sanya sa sunud-sunod na proyekto niya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Proud din siya lalo pa’t tumatak ang Pulang Araw na pinagbidahan nila nina Alden Richards, Barbie Forteza, at David Licauco.
“Isa siguro sa naa-appreciate ko sa Pulang Araw, sabi ko nga, parang blessed ako na shinare yung kuwento ng mga comfort women sa akin, isa yun talaga.
“This is the project na, later on, sa mga susunod pang henerasyon, alam mo na tatatak pa rin ang Pulang Araw.
“Hindi siya pang-ngayon lang, e.”
Pagbabalita pa ni Sanya sa PEP, kabilang ang Pulang Araw sa napiling makasama sa Lunar Codex, isang compilation ng time capsules ng contemporary art, books, at films mula sa iba-ibang panig ng mundo, na ilalakbay patungo sa lunar surface.
Mala-“message in a bottle” daw ito na muling bubuksan sa hinaharap.
“Isa na nga kami sa archive dun sa moon. Di ba, mayroon tayong mga ganun? Lunar Codex.
“Namili sila ng mga projects ng iba’t ibang bansa na puwedeng i-archive sa moon at isa dun ang Pulang Araw.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ongoing ang shooting sa susunod na proyekto ni Sanya, ang pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan, na pagtatambalan nila ni David Licauco.