Christopher de Leon nag-react sa pagbabati nina Nora at Lotlot
Christopher at Ian de Leon, nakapag-bonding sa lock-in taping ng Lolong.
Christopher de Leon on reconciliation of Nora Aunor and Lotlot de Leon: “Ngayon, okay na sila ni Guy… dapat masaya na lahat at dapat wala nang nanggugulo tulad ng mga trolls. Walang alam kung hindi manira. Wala namang alam sa totoong pangyayari.” Christopher also gets to bind with son Ian de Leon during lock-in taping of Lolong.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
GORGY RULA
Kahit mahirap ang lock-in taping at ang daming hinarap na aberya at problema ang bagong action-drama ng GMA-7 na Lolong, natapos na rin nila finally at lalo pang naging close ang buong cast at production staff.
Nag-enjoy ang mag-amang Christopher at Ian de Leon dahil magkasama sila sa taping, kaya nakakapag-bonding silang dalawa.
Ginagampanan dito ni Boyet ang role bilang si Armando Banson, at si Ian naman bilang Lucas na right hand ng mga Banson na magiging tinik kay Lolong.
Sa July 4 na ito magsisimula pagkatapos ng 24 Oras.
Sabi nga ni Boyet nang kinumusta ko na nagkatrabaho sila uli ng kanyang anak, “I enjoyed every minute of our bubble taping ni Ian.”
Sinundan ko rin siya ng tanong through text kung ano ang naramdaman niya sa touching message sa kanya ni Lotlot de Leon nung nakaraang Father’s Day, at nagkabati na rin si Lotlot at ang kanyang Mama Guy (Nora Aunor) noong Hunyo 15, Miyerkules.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sagot ni Boyet, “I know Lotlot at meron siyang prinsipyong pinaglalaban.
“Ngayon, okay na sila ni Guy… dapat masaya na lahat at dapat wala nang nanggugulo tulad ng mga trolls. Walang alam kung hindi manira. Wala namang alam sa totoong pangyayari.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Aware si Boyet sa kalagayan ng 69-anyos na si Ate Guy na binantayan pa ni Lotlot sa hospital. Hangad din niya ang paggaling ng original Superstar, pero dapat daw nito alagaan ang kalusugan.
Ani Boyet, “Nora has to take care of her health. Stop smoking or lessen it then slowly stop.”
NOEL FERRER
But Boyet acknowledges Ate Guy’s significant contribution sa ating Arts and Culture with her National Artist Award.
Sabi niya, “The first National Artist for Film is FPJ and now Nora Aunor [smile emoji].
“Well, she was hailed as the best actress in Asia for her movie Himala and has done a lot of meaningful movies like Tatlong Taong Walang Diyos, Flor Contemplacion , and many more. Why not?”
Meaningful is the key word there. Hindi lang dami kundi husay at halaga. Dapat mahalaga ang ginagawa hindi pansarili o pantakilya, kundi pati na sa bayan.
Who knows, with his good body of works din, in due time, magiging Pambansang Alagad din ng Sining si Boyet, ha!!!
JERRY OLEA
Drama King of Philippine Movies si Boyet, at hindi matatawaran ang husay at dedikasyon niya bilang aktor.
Para sa guesting niya sa isang TV series kung saan ang karakter niya ay maghihirap, aligaga siyang kumuha ng make-up artist upang magmukha talaga siyang dukha.
Ganyan dapat ang attitude ng tunay na artista! Hindi katulad nung isang aktor na ang papel sa isang pelikula ay maralita at preso, pero kuntodo make-up para magmukha pa ring flawless.