Eumir Marcial denies physical abuse and infidelity accusations/th

Eumir Marcial denies physical abuse and infidelity accusations

Eumir claims he was only defending himself from his wife who is also a boxer.

Princess Jenniel Galarpe-Marcial, Eumir Marcial

Olympic boxer Eumir Marcial (right) says all the accusations of his wife Princess Jenniel Galarpe-Marcial (left) are all made up.
PHOTO/S: @gprincessjenniel IG / @eumirmarcial IG
“Hindi totoo lahat ng mga sinabi niya sa akin.”

Ito ang sagot ng Olympic-winning boxer na si Eumir Marcial sa mga akusasyon ng pakikiapid at pang-aabuso mula sa kanyang asawang si Princess Jenniel Galarpe Marcial.

Sa video interview na nilabas ng GMA News kahapon, January 11, 2025, ipinaliwanag ng atleta ang kanyang panig.

Matatandaang inakusahan ni Princess si Eumir ng pagkakaroon ng ibang babae.

Ayon sa Facebook post ni Princess noong January 10, 2025, naipakulong niya raw ang boksingero ng limang araw matapos niyang mahuli ito at ang kanyang mistress, na pinangalanan niyang Jessa, sa isang condominium sa Pasay.

Matapos nito, lumipad daw si Eumir sa Zamboanga City para magpatayo ng bahay para makasama umano si Jessa.

Bukod pa riyan ay inakusahan din niya si Eumir ng physical abuse at manipulasyon.

Dahil diyan ay nakikipaghiwalay na siya kay Eumir matapos ang 14 years of marriage.

“For these obvious reasons, I had to go on separate ways with Eumir and severed all sources of communication with him after all the trauma, manipulation, emotional stress, physical abuse, and psychological torment that I had to endure these past few months and throughout our years of being together,” saad ni Princess.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip ng post ni Princess ang isang black-and-white picture kung saan makikita umano si Eumir sa kama habang hinihila ng isang babae.

EUMIR’S SIDE

Sa panayam ng GMA News ay unang ipinaliwanag ni Eumir ang tungkol sa umano’y physical abuse niya kay Princess.

“Unang-una, kung sinasaktan ko siya, bakit siya magkakaroon ng ganung pasa lang? Bakit siya magkakaroon ng pasa sa paa?”

Paliwanag ni Eumir, self-defense daw ang nangyaring pagtama niya sa asawa, na isa ring boksingero.

“Dahil siya yung nagsasaktan sa akin. Prinoprotektahan ko yung sarili ko na huwag akong saktan. At natatamaan ko siya dahil sa pagpoprotekta ko sa aking sarili, at nagkakaroon siya ng pasa,” saad niya.

Tanong pa niya, kung totoo ang pananakit ay bakit gusto pa rin siyang makasama ni Princess?

Aniya, gusto raw kasing makipagbalikan ng asawa kahit humiwalay na siya.

“Ginagawa niya ito sa akin ngayon dahil ayaw ko na nga makisama sa kanya dahil sa ugali niya,” sabi ni Eumir.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang taon na raw na hindi maayos ang relasyon nilang mag-asawa.

“Kami dalawa, hindi kami maayos. Taon na bago pa mangyari itong insidente, hindi na kami maayos. Hindi na maayos yung relasyon niya dahil parati kaming nag-aaway, parati niya akong sinasaktan.”

Alam daw ng mga kakilala nilang dalawa ang hindi maayos na estado ng kanilang pagsasama.

“Alam ng mga kaibigan ko yan, alam ng pamilya niya, ng mga kapatid niya. Alam nila lahat yan. Kung dumating man kami sa punto ngayon, alam nila lahat na mangyayari ito dahil sa ugali niya,” sabi pa ni Eumir.

Paliwanag pa niya, matapos ang Olympics noong August 2024 ay hindi na raw sila nagsasama ni Princess, kahit nakatira sila sa iisang tahanan.

“Pagkatapos ng Olympics, hindi na kami nagsasama dalawa. Hindi na kami natutulog na magkasama. Nakatira kami sa isang bahay.”

THE ALLEGED OTHER WOMAN.

Ikinuwento ni Eumir ang kuwento sa likod ng black-and-white picture na pinost ni Princess.

Paliwanag ni Eumir, screenshot ng video ang nasabing picture, at ang video na ito ay kuha ng pananakit ni Princess sa babae.

Kaibigan lang daw niya ang babae na kababayan nila mula sa Zamboanga. Hindi pinangalanan ni Eumir ang naturang babae.

Una raw niya itong nakilala sa Makati City, sa isang meetup dati kasama ang ilan pang kaibigan.

Sumakay raw ang babae sa kanyang sasakyan kung saan naiwan nito ang kanyang wallet.

Dahil daw sa wallet ay naghinala sa kanya si Princess.

“Nakita ng asawa ko yung wallet niya. Dun nagsimula ang lahat. Yung paghinala niya, ganun, ginagawa na niya ng istorya na ganun, may babae ako. And then kinontak nila yung babae, inaway nila,” saad ni Eumir.

Matapos nito ay lumipad muli ang babae mula Zamboanga papunta sa Maynila noong October para kuhanin ang nawawala niyang wallet.

“Ako nag-insist ako na tulungan ko siya. So nung time na yun, nag-book siya ng hotel sa condo, pinuntahan ko siya dun,” sabi ni Eumir.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Noong bandang 12 P.M. daw ay nasa condo na si Eumir kasama ang babae. Dito na raw siya naabutan ni Princess, kasama ang kapatid nito.

“Pinuntahan ko yung babae para tulungan kong kunin yung wallet niya. Dun kami inabutan. Dun na kami inabutan na wala namang ginagawa, nag-uusap kami.”

Pinabulaanan ni Eumir ang sabi-sabing nahuli siya ni Princess na nagtataksil kasama ang babae. Sa halip ay sinaktan daw agad ng kanyang asawa ang naturang babae.

“Kung gusto nilang malaman, kunin nila yung full video kung paano nila sinaktan yung babae. Hindi naman inabot na nakahubad o may ginagawa kami dun. Pumunta ako dun para tulungan ko siyang kunin yung wallet, and ganun yung ginawa nila, sinaktan nila ngayon, binugbog nila yung babae,” kuwento ni Eumir.

THE INCARCERATION

Ipinaliwanag din ni Eumir ang akusasyon na nakulong siya at ang babae ng limang araw. Aniya, ang dahilan nito ay ang pagsampa ni Princess sa kanya ng isang reklamo na agad naman nitong inatras.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit sa kabila ng pag-atras ng reklamo ay hindi agad nakalaya si Eumir dahil sa isang bagyo.

Kuwento ni Eumir, matapos ang pagsugod ni Princess sa condo ay dinala raw sina Eumir at ang babae sa police station para ireklamo ng concubinage.

Pagkontra ni Eumir, dapat daw ay hindi sila nasampahan ng kasong ito.

“Hindi yun pasok sa concubinage kasi hindi naman kami naabutan na nakapatong. Hindi naman kami may picture o malicious na mga video. Hindi ko siya binahay. Ginawan nila ng paraan para i-file niya kami ng concubinage,” saad ni Eumir.

Matapos nito ay nag-stay nga siya sa presinto nang ilang araw.

“Nag-stay ako for five or four days sa police station dahil noong araw na yun, bagyo yun, e. October 24. Nandun kami sa police station, dahil sa galit niya, yung ginawa nila, finile niya kami ng concubinage.”

Inatras din naman ni Princess ang asunto.

“E, yung mga pulis, gagawa lang naman yun, ipa-process lang yun, prinocess nila, so napasa na nila yung papel, na-inquest na kami. Dun pa nabago yung isip niya na sinabi niya na iaatras niya kasi alam niya na hindi totoo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandun sa Affidavit of Dissistance niya, na hindi totoo yung ano, inurong yung kaso,” sabi ni Eumir.

Dahil na-inquest na sina Eumir ay hindi agad siya nakalabas sa police station.

“Bagyo yun, pagka-Friday walang opisina, holiday. Saturday, Sunday. Monday na akong nakalabas,” saad niya.

Lalo raw niyang naisip na hindi na sila okey ng asawa niya dahil sa nangyari sa kanya sa presinto.

“Ni pagkain, ni damit, di naman ako dinalhan doon. Di ako inalala doon. Dun ko naramdaman na hindi pagmamahal ang gusto niya lang sa akin.”

MAAYOS NA PAKIKIPAGHIWALAY?

Kinuwestiyon din ni Eumir kung bakit kailangan pang ibulgar sa publiko ang isyu.

“Personal matter ito, e. Bakit pa kailangang i-media? Maayos akong nakipaghiwalay sa kanya, maayos akong nagsabi na i-settle namin ito,” saad niya.

Nasabi na raw niya noon sa asawa ang hatian ng kanilang properties.

“Kung ano yung property na meron ako sa Maynila, hatiin namin, ayusin namin ito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Bakit ayaw niya? Bakit niya gusto dalhin pa rito sa media?

“Gusto niya dalhin pa sa taumbayan na ganito, niloko siya, sinaktan siya, gumawa pa ng story. Lahat pa ng sinabi niya sa report, hindi totoo,” sabi ni Eumir.

Pinabulaanan din ni Eumir ang akusasyon ni Princess na kinuha raw ni Eumir ang kanilang naipong pera para makapagpatayo ng bahay sa Zamboanga para sa babae.

“Hindi po totoo iyon.

“Unang-una, yung joint account namin, nasa kanya. Hawak niya ngayon. Yung lahat ng titulo ng mga bahay namin sa Maynila, nasa kanya.

“At sa kanya, yung sabi niya, pinapatayuan ko ng bahay yung babae, hindi yun totoo. Mismo nga tatay ko, magulang ko, hindi ko mapatayuan ng bahay,” saad niya.

Dagdag pa niya, hindi nga raw niya nabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanyang mga magulang matapos ang Olympics.

“Yung tatay ko, hindi ko naman nabilhan ng sasakyan para maayos na makapunta sa ospital, makapagpa-checkup, yung sasakyan namin…

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto kong ipakita sa taumbayan kung ano ang totoong nangyari,” sabi pa ni Eumir.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News